Chapter 10

1.8K 15 1
                                    

Chapter 10:
The CEO

Stephanie's Point of View

"Mabuti naman at pumasok ka na, Kyzer. Alam mo, Stephanie, kanina ko pa siya pinipilit na pumasok pero ayaw talaga niya kasi hinihintay ka daw niyang umuwi. At alam mo rin ba, na buong araw 'yang hindi kumain. Kyzer, anak. Halika, punta tayo sa kusina, kain ka muna." Wika ni mommy saka sumunod naman si Kyzer sa kanya papuntang kusina.

Fuck! Nakonsensya ako dun ah! Buong araw siyang nasa labas dahil hinihintay niya ako! Wtf!

"Oh, ano, papatawarin mo na ba ang malibog mong asawa?" Tanong ni Demi.

"Oo, hindi, basta! Hindi ko pa alam." Nagugulohang wika ko.

"Alam mo, kung ako sa 'yo, 'wag muna. Para malaman mong sincere ba talaga siya. Kasi may ibang mga lalaki na mabuti lang sa una, kapag pinatawad na sila ng asawa nila, babalik na naman sila sa kanilang bisyo. My gosh! Mga lalaki talaga hindi makontento sa isang perlas!"

"Sshh! Demi! Baka marinig ka niya."

"Bakit? Totoo naman eh!"

"Ahhh, Stephanie anak. Gusto kang kausapin ni Kyzer." Biglang wika ni mommy dahilan para mapatingin kami ni Demi sa kanya.

"Okay po." Wika ko.

"Sige, ah, Demi, punta muna tayo sa garden, nandoon si Stella at si Japjap."

"Si Stella! Di ba, patay na siya! 'Wag mo naman akong takotin tita."

"Baliw, hindi! Buhay talaga siya. Teka lang, para makasigurado ako. Stephanie, nakikita mo si Stella?"

"Oo naman."

"Ahh, okay. Tita, tara na. Na-miss ko si Stella na maka boxing."

"HAHA! Okay. Tara." Wika ni mommy saka sabay silang umalis.

Kami nalang dalawa ni Kyzer ang naiwan dito sa sala.

"Stephanie, mahal."

"Hmm?"

"T-tungkol sa mga nasabi ko sa 'yo, a-aahh-" hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil bigla akong nagsalita.

"Hindi pa kita pinapatawad."

"A-ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Kailangan mong patunayan sa akin na sincere ka talaga."

"Okay! Sige. Papatunayan ko. Dahil sincere naman talaga ako."

"Tingnan natin." Mapanghamong wika ko saka naglakad na papuntang garden.

Pagkarating ko, nakita ko si Ate Stella at si Demi na nag wre-wrestling.

Akala ko boxing? Bakit wrestling? Ano ba 'tong mga babaeng 'to.

"Kailangan niyo ng kutsilyo?" Bigla kong tanong dahilan para sila ay mapatigil at tumingin sa akin.

"Stephanie, nandito ka na pala." Wika ni Ate Stella.

"Okay na kayo ng asawa mo?" Tanong ni Demi.

"Anong okay? Hindi pa no."

"Bakit anak?" Tanong naman ni mommy.

Naglakad ako papunta sa kanila.

"Eh, gusto ko pong patunayan niya muna na sincere siya, para naman sulit yung second chance."

"May point ka naman."

"Pasok na ako. Kinakagat na ako ng mga lamok dito." Wika ko saka naglakad na paalis.

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now