Chapter 06: A fight

142 6 0
                                    

SHANIN RAZELLE

Pagkababa ko sa audi car ni Ariana. Agad na tumambad sa aking harapan ang isang napakalaking bahay, pero di siya gaya ng tinatawag na mansion. Isa lang talaga siyang bahay na simple kung tignan at malaki.

"Let's go inside." aniya sakin si Ariana.

I smiled and nooded my head.

Pagkapasok namin sa loob agad na pinaupo ako ni Ariana sa sofa nila dito sa living room yata, malamang bisita ako alangan naman sa kuwarto ako dalhin. And about pala sa loob ng bahay ay sobrang ganda. Namiss ko tuloy ang mansion namin, kuwarto ko, ang gardenia, si Inang at sina Mom and Dad. Don't worry, babalikan ko din kayo pagnahanap ko na siya. Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Ariana.

"What do you want to drink?" tanong niya habang nakatayo sa may pinto ng kitchen room yata nila.

"A-ahh tubig nalang." sagot ko sabay ngiti.

"Are you sure?" tanong niya ulit.

I nooded my head.

"Okay." sambit nalang niya sabay pasok sa loob. And tama nga ako dahil yun ang kitchen nila. At di rin siya nagtagal sa loob, lumabas din siya agad habang dala ang tubig sa baso. Inabot ko naman agad at ininum ng i-alok niya sakin.

"So, magkuwento ka nga. Saan ka naka stay dito? I mean saan yung bahay niyo dito?" tanong niya sakin ng makaupo sa tabi ko.

"Amm actually, taga United States ako at nag vacation lang ako dito. Kararating ko lang kahapon kaya di pa ako nakahanap ng matitirahan ng pansamantala." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ohh really? Tamang-tama, total kami lang naman ni Yaya Sunny dito sa bahat, dahil ang kuya ko bihira lang magpunta dito. Because of busy sa pagpapatakbo ng company niya. And, I beg you na dito ka nalang tumira para may makasama ako. Kaysa naman humanap ka pa ng ibang matitirahan." mahabang wika niya sakin.

"Naku wag na Ariana, nakakahiya eh." wika ko sa kanya.

"Naku don't be shy, total naman magbestfriend na tayo from now on kaya dito ka na tumira para makilala pa natin ang isa't-isa. Pleaseee? Sige ka magtatampo ako niyan." wika niya ulit sakin na may paiyak-iyak epic. At dahil sa sinabi niya napaisip ako na tama siya, bakit nga ba di nalang ako dito tumira sa kanya at pansamantala lang naman yun. At saka magkaibigan din naman kami. Kaya why not. Go na Shanin.

"Amm sige na. Pumapayag na ako." nakangiting sambit ko sa kanya.

"YEHEYYYY! I'm so happy to hear that, Shanin." masayang sambit niya sabay yakap sakin. Nakakatuwa naman siya, kaya nakisabay narin ako sa pag yakap niya sakin. 5 seconds lang yung pagyayakapin namin at nasiupo nua kami ng maayos ulit.

"Anyway, my friends invite me na mag bar tonight. Kaya sumama ka huh? Para naman maipakilala kita sa kanila." wika niya sakin. Magdadalawang isip pa sana ako kaso sasang-ayon nalang ako for experience. At saka ayaw ko din maiwan dito mag-isa sa hindi ko bahay.

F A T E  (On Going)Where stories live. Discover now