Chapter 23: Contention

140 10 0
                                    

SHANIN RAZELLE

Two days had passed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Two days had passed. Nagiging close friend ko na si Catriona, hindi kasi sya mahirap kaibiganin. Namiss ko tuloy si Ariana, halos magkatulad kasi silang dalawa. At yung si Vanessa naman, ayon maldeta parin parang si Lexi lang. Ang pinagkaiba lang nila ay Witch si Vanessa at Bitch naman si Lexi, so perfect combinition. Ilan beses ko nang sinubukang magpaka FC sa vanessa na yan, pero tinatarayan lang ako. Sarap talaga sampalin. Buti nalang andito si Catriona na nagsasabi palagi ngang 'hayaan mo na, ganyan talaga yan' kaya hinahayaan ko nalang at sasanayin nalang ang aking sarili na ganyan sya. Pero wag lang talaga ako mapuno sa kanya dahil papatulan ko talaga sya.

Nandito kami ngayon sa aming kuwarto at kasalukuyan na naghahanda ng aming sarili para sa training namin ngayon. Martial Arts naman daw ngayon. As what I said, mapapadalas nga ang pagpunta ko sa training room kaya nasasanay na ako nang kunti at di narin ako takot humawak ng baril. At di sa pagmamayabang, but I'm a fast learner.

"Excuse me!" bigla ako napaupo sa sahig habang sinusuot ko ang aking black rip jeans dahil sa gulat ng biglang pagsulpot ni Vanessa. Ang witch na 'to... aughh!

Tinignan ko sya ng masama ngunit nag smirked lang siya sabay irap sakin at binuksan ang kanyang kabinet. So witch talaga. Tsk! Well, palalampasin ko muna 'to. Tumayo nalang ako at itinuloy ang pagsusuot ng rip jeans ko. At nang matapos na ako ay kinuha ko na ang black rubber shoes ko then lumabas na ako dito sa loob ng dress room dahil may witch at baka makulam pa ako ng harap-harapan. Pagkalabas ko ay agad na nakita ko si Catriona na nasusuot ng mga sapatos niya habang nakaupo sa isang couch.

"Hi Catriona." masayang sambit ko dito sabay upo sa tabi niya.

"Hi din." nakangiting bati naman niya sakin.

Haist, napakabait talaga ng babaeng 'to. Buti nalang talaga ay di siya katulad ng maldetang witch na yun. Nagpapasalamat ang ng sobra dahil kahit papaano ay may nakaibigan din ako dito ng tulad ni Catriona. Maganda, masayahin, caring at napakabait. Parang si Ariana lang. Haist namiss ko tuloy bigla ang mga mahal kong kaibigan. Di bale, alam kong magkikita rin kami. I wish.

"I'm done." masayang sambit ni Catriona kasabay nun ang paglabas naman ni witch sa dress room habang ako naman ay nagsusuot nitong itim na sapatos ko. Di nalang ako umimik at nag focus nalang sa aking sapatos.

"Hey Catty?" dinig kong tawag ng maldetang witch kay Catriona.

"Yes Vanny?" sambit naman ni Catriona. Ganyan ang tawagan nila dahil close sila at matagal nang magkaibigang dalawa.

"Can you please fix my hair in my back." dinig kong utos nito kay Catriona.

"Okay." masayang sambit ni Catriona at agad na lumapit sa maldetang witch. Hindi naman nagtagal ang ginawa nila at agad rin natapos. At ako naman dito ay nahihirapan sa pagsintas ng sapatos ko. Aughh!

F A T E  (On Going)Where stories live. Discover now