Chapter 20: Trapped

137 6 0
                                    

SHANIN RAZELLE

Hindi ko alam kong saang parte na ako ng lugar na ito umabot

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Hindi ko alam kong saang parte na ako ng lugar na ito umabot. Pero ang masasabi ko lang ay pagod na pagod na talaga ako dahil sa kanina pa ako lakad nang lakad dito ngunit ni isang pinto o lagusan wala akong makita at wala akong natagpuan.

"Hindi ako susuko! Kaya ko 'to!" sambit ko sa sarili ko sabay hinto.

Pagkatapos ko huminto ng saglit, ipinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad ko to find a way to escape here. Habang naglalakad-lakad ako ay naisip ko ang mga kaibigan ko. Sana naman di sila nagtatampo at galit sakin lalo na si Josh. At kung sakali mang totoo ang sinasabi na Charlie na yun kanina na hindi na ako makakalabas at alis sa lugar na 'to, how I wish na hindi sila mag-alala sakin dahil I know ligtas naman ako dito. Atsaka nga pala about sa Charlie na yun, naiinis ako sa kanya dahil speak ng speak ng korean eh wala naman akong maintindihan. Aughh! God! Help me. Sana po makaalis na ako dito. Huhuhu! I'm trapped.

"Can anybody hear me... I'm hidden under ground. Can anybody hear me, I'm talking to myself!" pabulong kong sambit sa sarili na may halong lungkot.

Sa aking malungkod na paglalakad, dinala ako ng mga paa ko dito sa hindi ko alam na parte ng lugar na ito. Kaya napahinto ako saglit ng may nakita akong isang pinto na naiiba sa mga pintong nadadaanan ko dito kanina. Kaya napangiti ako ng wala sa oras dahil marahil yun na ang lagusan to escape here. Agad-agad akong nagtungo sa may pintuan na yun. Hindi sya masydong nakasara at nang bubuksan ko na talaga siya ay napahinto nalang ako ng may marinig na nag-uusap sa loob nito.

"Naeil eun utdaeyo?" dinig kong sambit ng boses na lalaki. But wait, boses yun ni Nick huh.

"Nalsshiga joh-neyo." sambit naman ng isa pa. I know na si Jack naman yun. Kaya pala siguro hindi sila nagsasalita kanina dahil mga korean speaking sila. Naku naman, mano-nosebleed yata ako sa dalawang ito. Isama mo pa ang Charlie na yun.

"Jeoneun gwanshim eobseoyo!" dinig ko naman sambit ng isa na napaka pamilyar sakin ng boses. Walang iba kundi ang nakakainis na Charlie. So, kausap pala nila ang boss nila. Tsk!

"Ibeon juma-re beol-sseo kyehwehgi isseoyo?" sambit ulit ni Nick.

"Ne!" tipid na sambit ni Charlie. Sungit talaga at ang cold pa. I can feel it.

"Haenguneul bileoyo." sambit naman ni Jack. At pamilyar sakin dahil parang yun din yung huling sinabi sakin ni Charlie kanina bago ko siya iwanan sa kuwarto na yun. Ano kaya ibig sabihin nun? But anyway, I don't have a time to know it. Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi nila dahil wala rin naman akong naiintindihan. Aughh!

Ipinagpatuloy ko nalang ulit ang aking paglalakad para iwan ang lugar na yun. Di na ako nakinig pa sa mga pinag-uusapan nila dahil nasasakatan ako, masakit sa puso na wala ka man lang maintindihan sa sinasabi nila. Huhuhu sadlyf. Ako kung dumating ang araw na kausapin nila ako in korean language dahil baka ikamatay ko pa. Umupo ako sa may sulok para magpahinga dahil masyado na akong napagod. Tinignan ko ang Gshocks kong relo, it's already 11:27 p.m na. Kaya pala ako nakaramdam ng medjo antok kanina pa. Sumindig nalang ako sa may pader at huminga ng mabuti. Sana naman makaalis na ako dito dahil mamimiss ako ng mga kaibigan ko at yung clinic ko baka hanapin ako ng mga costumer ar patient ko. Huhuhu! Gusto ko sana tumawag sa mga kaibigan ko kanina pa, ngunit wala yung phone ko dito. Naiwan siguro dun sa taxi na yun. Kainis talaga, auggh! Sumandal nalang ako ng maayos sa pader na ito hanggang sa di ko namalayan na kinain na ako ng antok.

Nagising ako sa isang di pamilyar na kuwarto ngunit maganda't mabango. Napaupo ako bigla ng sumagi sa isip kung paano ako napunta dito sa kuwarto na 'to. Ang pagkakaalam mo kasi ay habang naglalakad ako kagabi ay nakaramdam ako ng pagod at antok kaya napaupo ako sa isang sulok at dun na ako nakatulog. Pero panu kaya ako nakapunta dito, nag walking sleep kaya ako. No way! Napabalik ako sa realidad ng may magsalita.

"Done thinking?" cold na sambit niya habang nakatayo na nakasindig ito sa may gilid ng nakasarang pinto nitong kuwarto. Naka cross arm ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. And no other than, Charlie Silvance.

"B-bat k-ka n-nandito?" utal na tanong.

"Because this is my room." cold na sagot niya sakin. Maygad ano daw, kuwarto niya 'to. Pero paano at bakit ako napunta dito.

"P-pero paano ako napunta dito?" tanong ko ulit dito.

"I saw you last night na natutulog sa labas malapit sa office ko. So I decided to bring you here dahil that's my obligation." sereosong sagot niya at laking pasasalamat ko dahil nagtagalog na siya. At mabait rin pala itong masungit na 'to di lang halata.

"T-thank you!" sambit ko dito sabay iwas ng tingin sa kanya dahil nakatitig siya sakin

"Psh! Just prepare yourself because this is the first day of your being my knight slave. And there's nothing you can do." cold na sambit niya. Ayan nanaman siya, sinabi nanaman niya ang favorite dialog niya. Kainis. Kaya liningon ko siya.

"Ehh kung ayaw ko? May magagawa ka ba? Wala naman diba? Dahil I will leave here as long as possible!" taray na tanong ko dito sabay taas ng kilay sa kanya. Ngunit gulat nalang ako ng nag-smirked siya. Shit! Ang gwapo niya. Maygad ang puso ko ang lakas ng pintig. Tsk! Gutom lang 'to.

"Yeah! Cause whether you like it or not, you're my knight slave already. And accept the fact that you'll never be escape in this place. Cause you're trapped here forever. And there's nothing you can do!" cold na sambit niya na ikinagulat ko at sa isang kurap ko lang ay nawala na siya.

"Nasan na yun? Ang bilis naman mawala na coldest na yun." takang sambit ko sa aking sarili. And this time, bigla ako napaisip sa mga sinabi niya kanina. I'm will be a knight slave and there's nothing I can do. I will never escaped here cause there's no way to leave. And now, I think this is a sake of mf my safety and all I can do is to accept it. I know this is a one of my fate. And I just realized to accept the fact that from now on, I'm trapped here forever.









=============================
Naeil eun utdaeyo?
( What about tomorrow? )

Nalsshiga joh-neyo.
( The weather is nice. )

Jeoneun gwanshim eobseoyo.
( I'm not interested. )

Ibeon juma-re beol-sseo kyehwehgi isseoyo?
( Do you already have plans for this weekend?" )

Ne!
( Yes! )

Haenguneul bileoyo.
( Good luck. )

F A T E  (On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang