Chapter 22: Training Room

118 9 0
                                    

SHANIN RAZELLE

Nandito kami ngayon sa kusina

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Nandito kami ngayon sa kusina. Dahil sa newbie daw ako dito, ako ang nautusan na gumawa ng gawain kusina. Haist! Buti nalang marunong ako kahit na lumaki ako isang buhay prensesa sa loob ng 20 years. As knight slave ito ang isa sa mga gawain dapat mong gawin. At ito ako ngayon naghuhugas ng mga pinagkain namin. Sabay-sabay kasi kaming lahat na kumain dito sa mahabang mesa na ito. Medjo awkward nga lang.

"Malapit ka na ba jan?" tanong sakin ni Catriona na ikinagulat. Akala ko sumama na siya kay Vanessa bumalik sa kuwarto.

"Amm. Malapit na." sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"Okay. I'll wait you here." sambit niya na tinanguan at nginitian ko na lamang. Ang bait niya talaga.

Pinagpatuloy ko na ang aking paghuhugas hanggang sa matapos. Kaya bumalik na kami sa aming kuwarto. At pagkapasok namin ay wala si Vanessa. Asan na kaya yun? Well, wala akong paki. Nagtungo nalang kami ni Catriona sa aming sariling kama at humiga dun. Sobra akong napagod eh. Hindi pa umabot ng sampung minuto ang pagpapahinga ko ng biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ni Vanesse.

"Prepare yourself. Pinapapunta tayo ni master sa Training room." sereosong wika nito.

"Ahh okay. Susunod kami." masayang sambit ni Catriona. Tapos nun ay umalis na siya ulit.

Tinatamad man ay tumayo nalang ako dahil prepare yourself daw eh.

"Ohh wear it." wika ni Catriona at may inabut sakin. I smiled at kusang kinuha yun saka nagpasalamat sa kanya.

"Catriona? bat ba tayo pinapapunta sa training room?" tanong ko dito habang sinusuot ang damit na ibinigay niya sakin. A black jacket and black jeans. Well, di na ako nagulat pa dahil halos lahat ng gulat ko ay naubos na kanina nang makita ko ang lahat ng nasa loob ng kabinet para sakin. Halos lahat ng nasa loob ay longs-sleeve, plain t-shirt, jacket at rip jeans na kulay black lahat. So, ayon dapat masanay na ako magsuot ng mga ganun dahil yun daw ang daily nilang sinusuot dito eh. Wala akong magagawa.

"It's for strengthening ourselves." sagot niya sabay ngiti.

"Ahh ganun." tanging sambit ko. Oo nga pala, may nabanggit din sila kanina sa pagkukuwentuhan namin na as a Knight Slave daw ay dapat marunong kang manlaban for your self defense, at kinakailangan mong dumaan sa isang matinding pagsasanay. Everyday nga daw sila nagsasanay kahit na marunong na silang makipaglaban, dahil sa mahigpit sa kanila ang master nila. The great coldest boy. Tssk!

"Are you done?" tanong nito sakin.

"Amm malapit na." sagot ko dito at binilisan na ang pagtatali ng sintas ng black rubber shoes ko.

Pagkatapos kong ayusin ang sapatos ko ay yinayaya na akong pumunta ni Catriona sa sinasabi nilang training room. So, ito na nga patungo na kami dun. Habang masaya namin tinatahak ang daan papunta dun ay parang nakaramdam ako ng kunting kaba. Gosh! Puso manahimik ka nga jan.

"We're here." masayang sambit ni Catriona sakin ng makarating kami sa isang malaking at gawa sa bakal na pinto.

"So are you ready, Shanin?" tanong nito sakin.

"Ahh o-oo naman." sagot ko kahit na kinakabahan ako. At pagkasabi niyang yun ay agad na niyang binuksan na ang pinto saka kami humakbang papasok.

"Mabuti naman at dumating pa kayo." isang pamilyar na boses agad ang narinig namin. Kaya agad akong napatingin kung saan nanggaling ang boses na yun. At ayon nasakop agad ng mata ko ang lalaking nakasandal sa pader na nasa gilid nitong pinto. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at naka poker face na nakatitig samin. The coldest boy, Charlie Silvance.

"S-sorry master! Accept my apology." wika agad ni Catriona sabay bow dito. Kaya nakisabay narin ako sa ginawa niya. Dahil master ko din pala siya.

"It's okay. Pumunta kana dun sa gunshot room, andun na sila lahat." sereong sambit nito.

"Yes master!" sambit nito sabay bow saka nagpaalam sakin at nagtungo sa sinasabing room ng lalaking 'to.

"And you!" gulat na napatingin agad ako dito.

"Follow me." cold na wika niya sabay hakbang paalis. Kahit na nagtataka ako ay sinundan ko nalang siya.

Nakarating kami sa isang pinto dito sa loob nitong training room. Masasabi kong malaki pala itong trainig room nila, nakaktakot nga lang. Binuksab na niya ang pinto at naunang pumasok sa loob kaya sumunod nalang ako sa kanya at di na nag-isip pa ng kung anu-ano. Pagkapasok ko sa loob ay nilibot ko ang aking patingin sa kuwarto na ito. Well, maganda naman.

"This is a private room for our rookie like you. Dahil sa bago ka palang, dito ka muna magsasanay." sereosong wika nito. Napatingin ako sa kanya saglit pero iniwas ko din agad dahil yung mga mata niya parang papatayin ako. The killer eyes.

"Ahh okay." tanging sambit ko lang dito. Naiilang pa ako dahil sa ramdam kong nakatitig siya sakin.

"Take it and let's start the first trainig." sereosong wika niya at may inabot pa sakin kaya tinignan ko kung ano.

"BARIL!? Seriously?" gulat na wika ko dito.

"Yup! Why?" cold na tanong nito sakin habang nakakunot ang noo.

"No way! Hindi ko kukunin at hahawakan yan!" sigaw ko dito sabay atras ng ilang hakbang. Takot kasi ako sa baril dahil nakakamatay ito.

"Are you scare, right?" tanong nito sakin.

"Y-yeah." sagot ko dito. At yung kaba ko kanina bago kami makarating sa training room na 'to ay naging sobra na. Kinakabahan na ako nga over.

"Well, whether you like it or not you have to take it. Cause this is my command and there's nothing you can do! Or else I kill you!" cold na wika nito sabay lapit sakin at linagay sa kamay ko ang baril na hawak niya. Gukat na napatili pa ako saglit ngunit dahil sa takot na mapatay ako nitong coldest boy ay kusang hinawakan ko nalang ito kahit na labag sa kalooban ko at di na kumuntra pa. This is my first time holding a gun. At ang masasabi ko ay ang bigat.

"Okay let's start." sereosong wika nito ng hawak-hawak ko na ng dalawang kamay ko ang baril na bigay niya.

"Wait!" pigil ko dito kaya napatingin ito sakin habang nakasalubong ang dalawang niyang kilay.

"What!?" cold na tanong niya. Huminga muna ako ng malalim at napayuko.

"Di ako marunong gumamit ng baril." nahihiyang wika ko dito. Nag tsk lang siya at saka lumapit sakin. Pumuwesto siya sa aking likod at hinawakan ang dalawa kong kamay na may hawak na baril. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa paghawak niya ng mga kamay ko. Kaya bigla ko tuloy naalala nung araw na hinalikan niya ako. Shit! Feeling ko nagba-blush na ako. Napabakik nalang ako sa katinuan ng marinig ang isang putok at halos lumabas ang puso sa gulat at takot. God help.

Nabawasan naman ang kaba ko ng may inilagay na siyang parang headseat sa tenga ko kaya di ko naririnig ang putok ng baril. And, He guide me very well. Focus na focus siya sa pagbabaril. At habang binabaril niya ang apat na big round dart ay napapapikit naman ako sa tuwing  kakalabitin niya na ang gartilyo ng baril. Pero I know masasanay din ako, dahil madadalasan na ako pagpunta ko dito for training. How I wish na makakaya ko 'to. Fight!

F A T E  (On Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora