Chapter 17: Not today

110 6 0
                                    

SOMEONE POV


Gulat na napatayo ako sa pagkakaupo ko dahil sa sinabing balita ng isa sa mga tauhan ko.

"What?" gulat na sambit ko sa isa sa mga tauhan ko.

"Yeah my lord. Kitang-kita po ng dalawang mga mata ko kung paano siya sinaktan ni Miss Lexi. Pero di po siya lumaban." mahabang salaysay niya sakin. Pero bakit naman siya hindi lumaban? Don't tell me na nagpapakaduwag siya, pero sa anong dahilan naman. Well, malalaman ko din ang dahilan ng pagpapakaduwag niya.

"I see." tanging sambit ko nalang dito.

"Ano po my lord, iituloy na po ba natin ang susunod na hakbang?" tanong niya sakin.

"Nope! Wag muna, Not today. Ipagpatuloy niyo muna ang pagmanman sa babaeng yun. Maliwanag ba?" wika ko dito.

"Yes my lord." sambit niya.

"Good. Now leave!" sambit ko dito. Kaya umalis na siya.

Umupo na ako sa swivel chair ng aking opisina. Masyado naman yata akong pinapahanga ng babaeng yun huh. Tsk! Ginaganahan tuloy akong pahirapan at saktan siya sa oras na hawak ko na siya. I smirked.







SHANIN RAZELLE

Sakit at kirot ngayon ang bumabalot sa aking katawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sakit at kirot ngayon ang bumabalot sa aking katawan. Dahil fresh pa ang pagsaktan sakin kahapon ng bruhang lexi na yun. May araw din siya maybe not today but soon.

Napagpasyahan ko na wag sabihin ito sa aking mga kaibigan dahil ayokong ipaalam sa kanila ang nangyari sakin kahapon dahil ayokong mag-alala sila at okay rin lang ako. At di muna ako papasok sa work ko ngayon dahil sa sakit ng katawan at total holiday din naman ngayon. So, magpapahinga nalang muna ako ngayon. Kaya inaayos ko na ang pagkakahiga ko para matulog ulit nang biglang tumunog ang phone ko. Kaya wala akong nagawa kundi kunin at sagutin.




"Hello?" wala sa mood kong wika.

"OH SHANIN BESTFRIEND, NAGISING BA KITA?" sambit niya na ikinalayo ko ng phone sa tenga ko. Lintik na Jayzen 'to.

"Wag ka ngang naninigaw!" sambit ko dito.

"Oppss! Sorry po." sambit niya sa kabilang linya.

"Ohh ano, bat kayo napatawag?" tanong ko dito.

"Ano kasi nandito kami ngayon ni Kenn sa Underground shopping mall of seoul. Punta ka dito shopping tayo then libre mo kami." sambit nito. Kapal din nang muks no, sila na nga ang nagyaya sila pa ang magpapalibre. Tsk!

"Naku pasensya na, busy ako guys." wika ko dito. Wala rin naman kasi ako ganang lumabas dito sa apartment ko dahil sa sakit ng katawan ko.

"Pleaseeee? Pagbigyan muna ang mga pogi mong kaibigan kahit ngayon lang po " pagmamakawa nito sa kabilang linya. Ang hangin rin no.

"Oo nga naman Shanin, pleaseee? Paminsan-misan lang naman ito." singit naman ni Kenn na kasama niya ngayon.

"Okay fine. But not today. And I promise bibilhin ko lahat ng gusto niyo basta wag niyo lang ako sturbuhin kahit ngayon lang. Okay?" wika ko ko sa mga ito.

"Talaga? Naku salamat talaga. Aasahan namin yan. Bye!" sambit nila sa kabilang linya sabay ended ng call. Kahit kailan talaga ang kulit ng mga lokong yun. Napatawa nalang ako saka ilinagay sa gilid ng unan ko ang aking phone.




Inayos ko na ulit ang pagkakahiga ko at para makatulog na. It's already 8:30 in the morning pa naman eh. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa kainin ako nang antok ko. Sweet dream. Nagising ako sa tunog ng phone, kaya agad kong kinapa para sagutin ito.





"Hello?" wika ko dito.

"Myloves? May sasabihin ako sayo." wika ni Josh sa kabilang linya.

"Okay. Ano yun?" tanong ko dito.

"Amm may motor race kami mamaya kasama si Maiki. Kung pwede lang pumunta ka naman oh pleasee?" sagot nito sakin. Napaisip muna ako bago sumagot sa kanya. Pupunta ba o hindi? Matagal din naman ako nakatulog at hindi na masyadong masakit ang mga katawan ko. Kaya siguro pupunta nalang ako total this is the first time na makikita ko sina Josh na mikikipag motor race.

"Amm anong oras ba?" tanong ko dito.

"Mga 5:30 p.m myloves." sagot nito sakin. Napatingin ako sa orasan ko dito sa kuwarto ko and the time is 2:50 in the afternoon na.

"Amm okay. I'll coming." wika ko dito.

"YES! sabi ko na nga ba love na love mo ako. Thanks myloves." masayang sambit niya sa kabilang linya.

"Love ka jan, sige na at may reready pa ako." mataray na wika ko dito kunwari.

"Sus! Pa heart to get pa. Sige na nga. Bye myloves." wika niya sabay ended ng call. Natawa nalang ako.






Tumayo na ako at nagtungo na sa kusina dahil nakaramdam na ako ng gutom. Kakain muna ako bago maligo. Pagkarating ko sa kusina ay agad na nagtungo ako sa ref para kumuha ng pagkain yung ready to eat na, saka ito kinain. Then pumunta na ako sa bathroom ko para maligo.

After an hours. Tapos na akong kumain, naligo at nagbihis. Kaya umalis na ako sa aking apartment at nagtungo kung saan ang aking kotse. Pagkarating ko sa kotse ko ay agad akong pumasok at pinaandar ito. Habang sa byahe ako naisipan kong mag soundtrip kaya masaya ang aking byahe. Ngunit napawi din yun nang magka traffic dito.

"Damn it! Bat ngayon pa, aughh!" sambit ko sa sarili ko sabay hampas ng manubela ng kotse ko.

Ilang oras din ako inabot dito dahil sa sobrang haba ng traffic. Kaya nabubwesit na ako at naiinip na dito. Pero tiniis ko nalang hanggang sa unti-unti nang umaandar ang lahat ng sasakyan. Natapos din ang traffic.
Nasa byahe na ako ulit ng biglang huminto ang sasakyan ko. Sinubukan ko ulit buhayin ang makina ngunit sa kasamaang palad ay ubos na pala ang gas nito. Kaya napalingon ako sa paligid at wala akong makita na pwede mapag-gas'an dito. Minamalas ka nga naman. Napatingin ako sa orasan, and exactly 5:00 p.m na.

"Damn it! Bat ngayon pa male-late na ako!" inis na sambit ko. Saka ako agad na lumabas ng kotse ko at napagpasyahan na mag-taxi nalang. No choice na kasi ehh at ayoko din paasain si Josh.

"TAXI!?" tawag ko sa paparating na taxi. Agad naman itong huminto sa harapan ko. Kaya sumakay agad ako sa may gilid ng driver seat at sinabi dito ang location ng pupuntahan ko ng di man lang ito linilingon dahil tinetext ko si Josh.


Tahimik lang ako sa byahe at nakatuon ang buong attention sa phone ko dahil hinihintay ko ang reply ni Josh. Ngunit maya-maya naramdaman ko nalang na biglang huminto ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Lilingon na sana ako sa driver nito nang biglang may tumakip ng bibig ko kung saan damay ang ilong ko dahilan para di ako makahinga. Habang nagpupumiglas ako napatingin ako sa driver na ngayon ko lang napansin na naka mask pala kaya di ko siya makilala. Gosh! kidnap ba 'to? Shit! Wag ngayon please. Not today! Hinihintay ako ng mga kaibigan ko. Josh help! Tanging saad ko sa isipan ko and everything went black.

F A T E  (On Going)Where stories live. Discover now