Prologue

4.7K 47 2
                                    

Prologue

"Where's Calvin?" Agad na tanong ni Misha nang ilang minuto wala pa ring Calvin sa tabi ni Jeff. Nilinga ko ang mata ko para hanapin siya pero hindi ko nakita. Nakita ko ang pagkibit-balikat ni Jeff.

"Absent siya" tipid na sagot niya na para bang ayaw na niyang dagdagan iyon. Napasinghap ako sa sinabi niya "May alam ba kayo bakit siya absent?" Tanong pa niya sa amin.

"Kaya nga namin kayo pinuntahan at hinahanap namin siya dahil akala namin pumasok diba?" Masungit na sagot sakaniya ni Misha tiyaka ito nag cross-arm.

"Cannot be reach ang cellphone niya. He also deactivated his social media account" parang inulit niya lang ang sinabi ni Misha kanina sa akin "I don't have connection with him except to his cousins but they didn't know" pagpapaliwanag ni Jeff. Tumango ako.

"Ah ganon ba?" Walang ganang sagot ko. Parang naghintay lang pala ako sa wala. Excited pa naman ako na matapos na ang klase namin para makausap at makita ko na siya.

"Don't worry, I'll update you kapag may alam ako," sabi pa niya "Ayos ka lang?" Naga-alalang wika niya sa akin. Ngayon, ako naman ang nagkibit-balikat.

Ayos lang ba ako? Siguro, ayos na unti-unti na akong nakakapag move on sa nangyaring insidente. Pero hindi ako ayos dahil wala si Calvin sa tabi ko pero kung nasa tabi ko siya, makaka move on kaya ako ng paunti-unti sa insedenteng iyon?

Ayos lang ako. Dapat maging ayos ako dahil ito naman ang ginusto ko kaya bakit ako nagdadrama? Bakit ako nagiging mukhang kawawa gayong ako ang nagpaalis sa kaniya?

Isang linggo ang lumipas at walang Calvin na nagparamdam at nagpakita sa amin. Sinasabi rin sa amin ni Jeff na hindi siya pumapasok. Nung una ay ayaw namin maniwala sakaniya ni Misha dahil baka tinatago lang nilang dalawa, dahil magkaibigan sila. One time, nag ditch kami ng klase ni Misha para makumpirma kung wala nga talaga si Calvin.

Halos ma-memorize ko na ang mukha ng kaklase nila dahil paulit-ulit kong tinitingnan kung wala talaga si Calvin pero wala talaga. Naghintay din kami doon dahil baka sakaling nag CR lang siya pero wala talagang Calvin na dumating. Doon namin nakumpirma ni Misha na nagsasabi nga ng totoo sa amin si Jeff.

Isang linggo na siyang hindi pumapasok. Five days absent considered drop. At limang araw na siyang wala. Papaano ang pag-aaral niya?

Kumakain kami sa cafeteria nina Misha at Jeff. Nagkukuwentuhan naman kami at pareho nilang iniiwasan banggitin ang pangalan ni Calvin para sa akin. Gusto ko man magtanong pero alam ko na wala rin naman silang alam tungkol sakaniya. He cut his connection with me even with his long time friend.

"CR lang ako" paalam ni Jeff sa amin. Tumango ako kaso biglang tumayo rin si Misha.

"Ako rin," sagot niya. "Pahintay" wika niya sa akin. Kakatapos lang kasi naming kumain kaya pumunta na sila sa CR.

Dalawang minuto ang nakalipas. Nakaramdam din ako na maiihi ako dahil siguro sa juice na ininom ko at tubig. Sumunod ako sa dalawa. Habang papunta ako sa CR bigla ko silang nakitang nagtatalo kaya nagtago muna ako sa pader, hindi ko alam kung bakit ako nagtago e pwede naman akong magpakita.

"Jeff, I know may alam ka tungkol sa pagkalawa ni Calvin!" Inis na wika sakaniya ni Misha "Look, hindi lang ikaw ang kaibigan niya. Kaibigan niya rin ako at si Krizette! Kaya bakit hindi mo masabi sa amin?" Tanong ni Misha.

"Wala na akong connection sakaniya. Kung may connection lang sana ako sakaniya edi sana nasabi ko na agad na gusto siyang makausap ni Krizette. Panigurado lilipad ulit iyon pabalik dito sa Pilipinas" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jeff.

"What? He's not here in the Philippines?!" Gulat na tanong ni Misha. Mukhang parehong hindi namin alam iyon.

"He talked to me, he said he's going to US. Doon na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya, bago siya umalis nagkausap kami. Then, he permanently cut his connection with us. Ayaw din magsalita ng mga pinsan niya" sagot pa niya. Napaawang ang labi ko dahil sa impormasyon na nalaman ko.

"Pero paano si Krizette?" Nag-aalalang tanong ni Misha kay Jeff. Napasinghap ako bago ako nagdesisyon na magpakita sakanilang dalawa.

"Krizette" gulat na tawag sa akin ni Misha. Napaharap din sa akin si Jeff. Tipid akong ngumiti, at least nalaman ko man lang kung nasaan siya.

"Is he okay there?" Tanong ko. Napanguso ako ng maalala ko na pinutol niya pala lahat ng pwedeng connection sa amin. "Ah wala ka na palang connection sakaniya" malungkot na dagdag ko.

"I'm sorry, Krizette" pagpapaumanhin ni Jeff sa akin.

"Ayos lang" ngiti ko sakaniya kahit na may sakit akong naramdaman sa puso ko.


Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon