Chapter 17

643 20 1
                                    

Chapter 17

Like

Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Tila nagkamali lang ako ng dinig sa sinabi niya. Hinigit niya palapit ang beywang ko dahilan ng paglapit ko pa sakaniya. Magtatanong na sana ako kung anong ibig niyang sabihin nang biglang sumigaw si Jeff.

"Oh harap naman kayo rito!" Sigaw niya dahilan para humarap kami sakaniya habang hawak parin ako ng dalawang kamay ni Calvin sa beywang. "One... Two... Three.. Another pose"

Tulala akong iniwan ni Calvin doon kung hindi lang ako nilapitan ni Misha para magkaroon kami ng picture. Hinila na ako ni Misha papunta sa table namin, nandoon sina mama dahil mukhang si Calvin na ang inaasikaso pagkatapos ng iilang mga bisita, ngayon pa lang kasi nila nakita si Calvin.

Umupo na ako sa upuan ko kanina, ang kaso nga lang sina mama na ang katabi ko. Sa harapan namin sina Calvin, Jeff at Misha. Nakaupo rin kasama namin sina ate Anj at Anjo, si tita Anya ay nakikipagkuwentuhan pa sa ibang kamag-anak namin. Nagpaalam si Lorencio na makikipagkuwentuhan muna sa mga dati naming kaklase, dahil ngayon nalang niya nakasama ang iba. Iba talaga kapag nasa kolehiyo kahit na yung iba ay sa iisang unibersidad lang kayo nag-aaral pero hindi na katulad nang dati na lagi kayong nag-uusap.

"Hindi naman kasi sinabi ni Kriseta na may darating pa siyang kaibigan" wika ni mama sabay baling sa akin, ngumiti si Calvin dahil don.

"Ang sabi niya kasi ma, hindi siya makakapunta" tiningnan ko si Calvin na medyo naiilang tiyaka ko binaling ang tingin ko kay mama.

"It's my fault po, I'm planning to surprise her tho" kibit-balikat na sagot ni Calvin. Bahagyang napaubo si ate Anj sa iniinom niyang soft drinks sa sagot ni Calvin kaya napatingin sakaniya si mama pagkatapos ay makahulugang tumingin sa akin.

"Mawalang galang na iho, pero bakit kailangan mong isurpresa ang anak ko?" Tanong ni papa na mayroong pilit na ngiti. Ngumiti naman pabalik si Calvin.

"Pa, syempre birthday ko ngayon!" Pagpapalusot ko kay Papa, mukhang naghihinala na sila base sa reaksiyon ni ate Anj.

"I heard from Krizette po that her brother have a leukemia" kumunot ang noo kong napatingin kay Calvin pero nakatingin siyang diretso kay Papa "May alam po akong foundation for that. Their vision is to help less fortunate family to treat leukemia" bahagyang napa-angat ang tingin ni Karlo dahil sa sinabi niya. "I can recommend you po" dagdag pa niya. Gulat akong nakatitig sakaniya. Akala ko hindi na niya alam ang tungkol dito.

"Talaga ba iho?!" Hindi matago ang saya at excitement sa mata at sa boses ni mama. Halata ang kagalakan dahil sa sinabi ni Calvin.

"Pasensiya na iho pero nakakahiya naman iyang inaalok mo sa amin" bahagya akong napatango kay Papa. Masyado na ngang nakakahiya lalo na sumasabay pa ako sakanila pag-uwi at ilang beses na niya akong nalibre ng pagkain.

"Pa! Kailangan na natin kapalan ang mukha natin para kay Karlo" bulong ni Mama para kay Papa pero narinig ko iyon. Bahagyang napatingin sa akin si Calvin bago tumingin ulit kay Papa.

"This gonna be my birthday gift for Krizette po" magalang na wika ni Calvin. Wala na yatang ginawa ngayong araw si Calvin kung hindi gulatin ako sa sinasabi niya.

"But this is too much" sagot ko sakaniya kaya ngayon ay ramdam ko na nasa amin ang mata nina Mama.

"You deserve too much" wika pa niya. Bahagyang umubo ulit si ate Anj dahil don.

"Tanggapin niyo na ang alok niya tito, it's for Karlo naman" singit ni ate Anj para mapapayag si Papa "Bayaran mo nalang ang kabutihan niya Krizette kapag naging abogado ka na o kaya kapag nakapag trabaho ka na pagkatapos mo sa Political Science" dagdag pa ni ate Anj para mapapayag ako. And it sounds convincing.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now