Chapter 23

710 17 0
                                    

Chapter 23 

Mabilis

Hindi nabanggit ni Calvin sa akin ang problema o kung ano man iyong biglaang emergency na tinawag sakaniya ng kapatid niya. Naghihintay ako ng message sakaniya bago ako matulog. 

Bigla akong nagising mula sa pagkakatulog ng maramdaman kong mag vibrate ang cellphone o kaya kaagad ko itong kinuha. 

“Excited na mabasa ang text?” Asar ni ate Anj bago bumaling na paharap sa akin. Napasinghap ako sa pang-aasar niya pero binaliwala ko lang iyon tiyaka binaling ang atensiyon ko sa cellphone ko. 

Calvin:

Did you ate dinner? 

Me:

Yup! Ikaw?

Calvin:

Yup. Can I call?

Tumayo ako para sana lumabas ng kwarto. Gusto ko kasing uminom ng tubig. 

“Inom lang ako ng tubig ate” Paalam ko kay ate. Napangisi naman siya sa sinabi ko. 

“Sus. Style mo bulok! Ayos lang naman kung tatawagan ka ni Calvin” natatawang asar sa akin ni ate “I don’t mind I just listen” natatawang dagdag pa niya. Napailing nalang ako sa sinabi ni ate. 

Pagkalabas ko ng kuwarto ay tiningnan ko muna ang dalawa kung natutulog na ba. Pero kumunot agad ang noo ko nang makita ko silang busy pa sa cellphone nila. 

“Anong oras na, bakit hindi pa kayo natutulog?” Nakuha ko ang atensiyon nila saglit pero bumalik sila sa paglalaro. Napailing nalang ako sa reaksiyon nila, sayang at hindi nila naranasan ang mga laro sa labas ng bahay. Ngayon paramihan sila ng stars sa mobile games na nilalaro nila samantalang kami noon paramihan ng sugat sa tuhod. Hays, bakit ba ako ganito? Sign na ba ito na tumatanda na ako? 

“Tapusin lang namin itong game ate, rank ito” sagot sa akin ni Anjo. Napangiwi ako sa sinabi niya. 

“Basta pagkatapos niyan matulog na kaagad kayo ah? Babalikan ko kayo mamaya kapag hindi pa kayo natutulog kukunin ko na ang mga cellphone niyo” narinig ko ang pang-angal sakanilang dalawa pero sinara ko narin ang pintuan. 

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig tiyaka ko nilagay sa lamesa ang baso ko na may tubig tiyaka umupo. Nagreply ako kay Calvin na pwede na siyang tumawag. Wala pang isang minuto nang natanggap ko ang tawag niya kaya agad ko itong sinagot.

“Hey” baritonong boses na wika niya. Siguro ay nasa kama na siya at naghahanda na para matulog. 

“Hmm” sagot ko sakaniya dahil saktong pag-inom ko ng tubig kaya hindi ko na siya nabati ng maayos. 

“About earlier, I’m sorry if I cancelled our date” seryosong wika niya. Napangiti ako dahil don, hindi ako galit o nagtatampo sakaniya dahil hindi natuloy ang date namin. Naintindihan ko naman na kailangan siya sa kumpanya nila, hindi naman siya tatawagan ng kuya niya kung hindi siya kailangan at hindi importante ang presensiya niya. 

“Sabi ko naman sa iyo na wala iyon. Naintindihan ko na may emergency sa kumpanya niyo.” paninigurado ko sakaniya mukhang hindi kasi naniniwala sa akin, mukha ba talaga akong excited kaninang sinabi niya na pupunta kami sa Intramuros?

“Schedule nalang natin kapag wala kang ginagawa” wika niya. Kaya siguro minahal ko ang lalaking ito dahil napaka thoughtful niya. He’s always making sure that I’m happy and I don’t need to worry about anything. 

“Hmm. Sabihin mo lang kailan ang free schedule mo. Baka kasi matime-ing-an na sa paghatid ko kay Karlo yung free time mo” sagot ko. 

“Okay, hatid natin si Karlo pero daan muna tayo sa Intramuros” lalo akong napangiti sa sinabi niya. Sabagay para makapasyal din naman kahit papaano si Karlo dito sa Manila. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now