Chapter 6

630 18 0
                                    

Chapter 6

Brat

Pumasok agad si Calvin sa driver seat kaya agad binuksan ni Jeff ang passenger or back seat. Unang pumasok si Misha tiyaka ako hinarap ni Jeff. 

"Sa front seat ka ulit, wala sa mood yung driver e" nagtataka ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na sa front seat ako dahil wala sa mood si Calvin. 

Pero sa huli, wala akong magagawa dahil ako lang naman ang nakikisabay. Pumasok na ako sa front seat tiyaka nilapag ang bag ko. Wala sa dalawa ang nagtangkang magbukas ng topic samantalang seryosong nakatingin si Calvin sa dinadaanan habang umiigting parin ang panga niya, mahigpit din ang pagkakahawak niya sa manibela. 

Napabuntong hininga ako dahil mukhang walang magsasalita sa dalawa. Wala rin akong alam nai-topic kaya pinili ko nalang na huwag magsalita. 

Lumipas ang ilang minuto, pekeng umubo si Jeff bago magsalita. Nararamdaman niya siguro na walang magsasalita sa amin. 

"Ahm. Hahatid ba natin si Krizette sa tapat ng bahay nila?" Alanganin na tanong ni Jeff kay Calvin. Nakita ko ang pasimpleng pag siko ni Misha sakaniya para patahimikin. 

"Of course" matigas na sagot ni Calvin kay Jeff dahan-dahan itong napatango dahil sa sagot ni Calvin. 

"Ah hindi na. Ayos lang naman kahit sa kanto lang ako. Dalawang minuto lang ang lalakaran" singit ko. Nakakahita kasi lalo na at wala pa sa mood si Calvin ngayon. 

Tumingin ako sa rear mirror nakita ko ang pagsuway ni Misha sa sinabi ko pero wala siyang magawa dahil baka madamay siya sa galit ni Calvin. Hindi ko rin alam kung bakit wala sa mood si Calvin ngayon. 

"Ah. Hatid ka nanamin" nag-alangan singit ni Misha tiyaka ako pinagdilatan ng mata. "Delikado narin kahit na malapit lang ang inyo, tiyaka Calvin said so" kibit-balikat na sagot sa akin ni Misha. Tumango nalang ako sa sinabi niya. 

Muli ay naghari ang katahimikan sa aming apat. Tiningnan ko ang dalawa sa rear mirror. Nakita ko ang pagkuha ni Misha sa cellphone niya, mukhang may itetext base sa galaw ng daliri niya. Pagkatapos ay umilaw naman ang cellphone ni Jeff. Mukhang silang dalawa lang ang magkatext. 

Nag-iwas na ako ng tingin sakanila dahil baka magtaka pa sila kung bakit ko sila tinitingnan. Wala akong magawa kaya gusto ko sana silang panoorin kaso tinuon ko nalang ang tingin ko sa bintana para tingnan ang mga building na dinaraanan namin. 

Lumiko na si Calvin sa kanto namin. Tinuro ko rin sakaniya kung saan ako nakikitira. Saktong hininto niya sa tapat ng bahay nina tita. Mabilis kong kinuha ang gamit ko tiyaka tumingin sakaniya. 

"Salamat" nag-alangan pa ako kung ngingiti ako sakaniya kaya ang resulta mukha akong tanga sa ngiti ko. 

Tumango lang siya kasabay ng pag-igting ng panga niya. Nagpaalam narin ako kina Misha at Jeff na nasa likuran tiyaka mabilis na lumabas. Binaba ni Jeff ang bintana tiyaka nagpaalam sa akin, sumigaw din si Misha na nagpapaalam kaya nakangiti ko lang silang kinawayan. 

Napabuga ako ng hininga ng makaalis na sila. Napatingin ako sa paligid namin na hanggang ngayon ay nasa labas parin ang mga tao, nakatambay tiyaka nakatingin sa akin. Siguro ay pinag-uusapan na nila kung sino ang naghatid sa akin. Hay, mga tao nga naman basta may mapag-usapan lang wala nang pake sa nararamdaman ng taong pinag-uusapan nila kahit harap-harapan na. 

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si ate Anj na nakasilip sa bintana. Ngumiti siya sa akin, nakita ko rin ang mga paper works na ginagawa niya sa sala. 

"Ang babait naman ng mga kaibigan mo" nakangiting wika niya sa akin "mag jowa ba yung dalawa sa likuran?" Nakita niya pala sina Jeff dahil siguro sa pagbaba ni Jeff ng bintana. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now