Chapter 13

600 10 0
                                    

Chapter 13

Off

Hindi na ako nagtanong kay Jeff tungkol sa mabilis at walang paalam na alis ni Calvin. Ayaw ko naman maghimasok lalo na parang silang dalawa lang ang nakakaalam. And it seems emergency.

I am worried because he seems scared and worried too.

Sa front seat ako pinaupo ni Jeff, nakahiga na kasi sa back seat si Misha. Nanahimik lang ako dahil ayaw ko rin maghimasok sa problema nilang dalawa ni Misha.

"I'm sorry, naabala ka ba ni Misha?" Tanong ni Jeff habang seryosong nakatingin sa kalsada, minsan ay sumusulyap siya sa side mirror. Mabilis akong umiling sa tanong niya.

"No, hindi naman abala sa akin si Misha, kaibigan ko siya kaya ayos lang" mabilis na sagot ko sakaniya, tumango siya kasabay ng pagsulyap niya sa side mirror.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga tiyaka binilisan ang takbo ng sasakyan, nagulat ako sa mabilis niyang pagpapatakbo kaya inabot ko sa kamay ko ang handle para makakapit, tiningnan ko si Jeff na seryoso parin ang pagmamaneho, lumiko siya sa iilang kanto na hindi pamilyar sa akin hanggang bumagal ang takbo niya at nakabalik na kami sa high way.

"A-ayos ka lang ba?" Naiilang na tanong ko sakaniya. Umigting ang panga niya bago sumagot s akin.

"Yeah, Nag practice lang ako sa race" kumunot ang noo ko nang may naalala.

"Diba pinagbawalan ka sa race?" bigla siyang ngumiti sa akin na peke.

"I can break the rules tho" natatawang sagot niya habang nagkibit balikat pero wala akong naramdaman na humor don.

Katahimikan ang nangibabaw sa amin, napatingin ako kay Misha na mahimbing ang tulog sa likod. Bakas ang pagod sa mukha niya, may iilang takas na luha pa ang natuyo sa gilid ng mata niya.

"Mabuti nalang walang pasok bukas, mukhang sasakit ang ulo niya" sabi ko kay Jeff, napatango siya sa sinabi ko tiyaka sinilip si Misha sa rear mirror.

"May nasabi ba si Misha sayo tungkol sa amin?" Bigla kong natikom ang bibig ko sa tanong niya. "Ah pasensiya kana kung hindi ka naging kumportable sa tanong ko. Alam mo na siguro na nagkaroon kami nang hindi pagkakaintindihan" marahan akong tumango sa sinabi niya.

"Oo narinig ko nga sa fountain, nasabi niya rin sa akin" sagot ko sakaniya, napatango siya sa sinabi ko.

"Alam kong nawawalan na siya ng tiwala sa akin pero mahal na mahal ko siya. Hindi ko lang talaga matanggihan si mama, may sakit siya sa puso baka lalong lumala kapag sinuway ko siya" napatango ako sa sinabi ni Jeff, pareho silang may punto sa pinaglalaban nila. "But then, I need to choose because the women I love is hurting. And I think I need to break my mom's order" gulat ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya.

Alam kong mahal niya si Misha pero kaya niya bang suwayin ang utos ng mama niya? Lalo na baka malagay pa ito sa alanganin na sitwasyon pero alam ko naman na ayaw niyang nasasaktan at nagdududa si Misha, Misha don't deserve pain, she deserve love like how she love other people.

"Pero okay lang ba sa mama mo?" Kinakabahan na tanong ko sakaniya, mapait siyang ngumiti.

"Janica mom's and my mom were best friend since then, napagkasunduan na kapag nagka-anak sila ay ipapakasal nila" he shrug his shoulder.

"Pero nasabi sa akin ni Misha na that was your ex?" nag-alangan na tanong ko pa sakaniya. Tumango siya sa tanong ko.

"Yup, she was. Napilitan lang ako kay mommy non kahit na ang totoong mahal ko ay si Misha" he pause "You know it's hard to choose between the two woman I love" tumango ako, naintindihan ko ang sitwasyon niya.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now