Chapter 16

602 16 1
                                    

Chapter 16

Logic

"It must be" Misha pause, mukhang gulat na gulat dahil sa sinabi ni mama.

"Hindi. Baka nagkamali lang si mama. Wala naman siyang nasabi sa akin tiyaka diba sabi niya hindi siya makakapunta?" Kumbinsi ko kay Misha o sa sarili ko?

Tumango-tango si Misha sa sinabi ko tiyaka pinagpatuloy ang pag-aayos sa buhok. Nagtagal kami dalawampu't minuto. Hanggang sa pumalakpak na siya tiyaka ngiting-ngiting tumingin sa akin.

"Ayan! Perfect!!" Proud na wika niya habang binigay niya sa akin ang salamin para makita ko ang repleksiyon ko.

Ang ganda ng pagkakagawa ni Misha sa buhok ko pati narin sa paglalagay niya ng kolerete sa mukha ko. May talento rin pala siya sa gantong bagay.

"Wait lang! Sabay na tayong lumabas. Mag-ayos lang ako ng mabilis" wika niya tiyaka umupo. Kinuha na niya ang ilang mga make up niya na mukhang kabisado na niya ang paglalagay dahil sa bilis nito.

Huling ginawa niya ang paglalagay ng lipstick sa lips niya tiyaka pa siya humalik sa hangin pagkatapos ay maarteng nilagay ang takip ng lips stick tiyaka niya ito binitawan sa make up kit niya.

"Done!" Dagdag na wika pa niya "Let's go" anyaya pa niya sa akin "Dapat kayong dalawa ni Lorencio ang magkahawak kamay ngayon, nasaan na ba siya?" Tanong sa akin ni Misha na akala mo ay alam ko ang nangyayari sa labas e nasa loob kami ng kuwarto.

"Baka nandiyan narin siya sa labas" dinig ko narin ang speaker na hiniram nina mama sa kapit-bahay namin. Nagpapatugtog na sila nang masisiglang kanta.

Takip-silim nang nakalabas na kami ni Misha sa bahay, marami narin mga tao na kamag-anak namin. Pinaghalong pink at violet ang pinagdecorate namin. Tinulungan din kami nina Misha kanina na mag decorate. Sinalubong kaagad ako ni mama, kaya hindi ko na nasuyod ang paligid kung sino ang sinasabi niyang kaibigan namin sa Manila.

"Puntahan ko muna si Jeff" pagpapaalam sa amin ni Misha tiyaka ngumiti sa akin, ngumiti lang din ako sakaniya tiyaka tumango.

"Lalo kang gumanda kapag nakaayos ka" wika ni mama tiyaka hinaplos ang mukha ko. "Nandito na sina tita Lelen mo" wika pa niya tiyaka ako dinala sa grupo ng mga kamag-anak namin.

Kinamusta nila ako pati ang pag-aaral ko sa Manila, malugod ko naman silang sinagot sa mga tanong nila. May iilan din sakanila na nagbigay sa akin ng sobre na may laman na pera bilang regalo.

"Nako. May boyfriend na ba 'yang anak mo?" Tanong nang isang tita ko kay mama.

"Wala pa naman siyang pinapakilala sa amin" sagot ni mama nang nakangiti.

"Kahit na mag boyfriend ka iha, basta huwag mong papabayaan ang pag-aaral mo" dagdag pa ni tita na habilin sa akin. Tumango ako tiyaka matamis na ngumiti sakaniya.

"Opo, marami pa po akong pangarap para sa akin at para kina mama" sagot ko tiyaka tiningnan si mama nang nakangiti, ganon din ang ginawa ko kina papa at Karlo.

"Si Lorencio pa lang ata ang kilala kong malapit sakaniya" singit naman ni papa. Bahagya akong umiling habang nakangiti sa sinabi niya.

"Magkaibigan lang kami ni Lorencio, pa" sagot ko sakaniya. Ayaw ko na bigyan nila nang kahulugan ang pagkakaibigan namin ni Lorencio.

"Lorencio? Yung bang anak ni Lorna at Tensyo?" Tanong ng isang tito ko. Natatawang tumango si papa sa sinabi ni tito.

"Yung scholar ni Mayor? Mabait na bata iyan, masipag at matalinong estudyante" pagmamalaki ni tito, tauhan kasi siya ni Mayor kaya siguro kilala niya si Lorencio "Naaasahan din siya ni Mayor" dagdag pa nito.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon