Chapter 9

597 17 0
                                    

Chapter 9

Again

Pagkatapos ng prelims ay hindi na ganon ka-busy, 'di katulad nung week before prelims. Nagtext din ang mga senior na magkakaroon kami ng practice sa sabado, pagkatapos ng NSTP namin. Magkakaroon kasi ng play at dance troupe ang napili para sa pagsayaw. 

Kakatapos lang ng subjects namin. Break namin ng isang oras kaya naglipit na kami ng gamit ni Misha. 

"What the hell did Alexa to you yesterday?" Tanong ni Misha habang nag-aayos kami ng mga gamit namin. 

"I'm okay now" sagot ko sakaniya. Nanatiling nakakunot ang noo niya sa sinabi ko. 

"Tinatanong ko kung anong ginawa niya sayo" sagot ni Misha tiyaka sinabit sa balikat niya ang kaniyang bag, ganon din ang ginawa ko tiyaka kami sabay na naglakad palabas ng room. 

"Wala na iyon, naintindihan ko naman kung bakit niya nagawa iyon. Siguro ay sanay lang siya na ikaw ang kasama ni Calvin na babae tapos ngayon kasa-kasama niyo na ako" kunot noo parin ang binigay na tingin sa akin ni Misha. 

"Nakiusap ba si Jared sa iyo na huwag mong isumbong sa student affairs si Alexa?" Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Kahit wala siya nakakasagap siya ng balita ah. 

"Hindi. Walang sinabi sakin si Jared. He save me" sagot ko kay Misha. Umupo kami sa isang silong malapit sa fountain ng school namin. 

"Nag-alala sayo si Calvin" sagot niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. "Hinintay ka kasi nila tapos ang tagal mong dumating" dagdag pa niya. 

"Natanggap ko nga yung mga texts niya kahapon pagkatapos ay pumunta siya sa amin" nagulat si Misha sa sinabi ko kaya magalaw siyang bumaling sa akin na hindi parin makapaniwala. 

"What did you say?" Gulat na gulat na tanong niya. Mukhang hindi pa siya naniniwala na para bang nagkamali lang siya ng dinig. 

"Yung mga texts niya narec-" hindi ako pinatapos ni Misha. 

"Hindi. Hindi iyan ang gusto kong marinig" medyo inis pa niyang wika. 

"Ano? Na pumunta siya samin kahapon?" Ngayon ay namilog na ang mata ni Misha nang inulit ko ang sinabi ko sakaniya. 

"OMG! Are you serious?!" Sigaw niya pa sakin na para bang kinikilig pero nawala ang ngiti at kilig niya "Teka, teka. You mean pumunta siya? Kasama niya ba si Jeff?" Tanong niya sa akin. 

"Hindi, hinatid niya muna raw si Jefd bago siya pumunta sa amin" nakakabinging tili ang pinakawalan ni Misha. 

"OMG! OMG!" wika pa niya habang niyuyugyog ang balikat ko. Taka ko siyang tiningnan. 

"Teka nga, bakit ba ganyan ang reaksiyon mo?" Tanong ko sakaniya. Para siyang aswang na binudburan ng asin na ewan. 

"Hays. Manhid" binitawan niya ako at madramang umiiling. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya

"Huh?" Takang tanong ko sakaniya. Napailing siya sa sagot ko na naguguluhan sakaniya. 

"Anyway, nagawa mo ba yung assignment sa next subject?" Pagbabaliwala niya sa akin. Tumango ako sakaniya. 

Lumipas ang mga araw na ganon ang naging sistema naming tatlo. Lagi nila akong hinahatid sa bahay. May kung ano sa mga titig nina Jeff at Misha na para bang nang-aasar. Minsan nga ay bigla nalang nag a-ayiiee nang wala man lang dahilan. 

Sabado na, ito ang unang practice namin. May mga practice pa kami after class. Kung ano ang free time namin, dun ang practice namin. Pagkatapos ay t'wing sabado naman ay buo kami. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon