Chapter 7

640 14 0
                                    

Chapter 7 

Save 

Nang matapos gamutin ni Calvin ang sugat ko ay hinatid na niya ako sa harap ng department namin. Tahimik lang kaming dalawang naglalakad habang napapatingin ang iilang estudyante sa amin, marahil ang iba ay nasaksihan ang nangyari sa canteen meron naman iba na nalaman lang sa kuwento ng mga nakakakita. Hindi ko nalang sila pinansin, ganon din ang ginawa ni Calvin dahil taas noo siyang naglalakad habang nakahawak ang kaniyang kamay sa dalawang bulsa. 

"Dito nalang ako, salamat" nakangiting wika ko sakaniya. Napatango siya dahil sa sinabi ko. 

"Kabisado mo na ba ang sched at room mo?" Tanong niyang nag-alala sa akin. Nakalimutan ko kasi sa canteen kanina ang bag, nandoon din ang cellphone ko. Siguro ay kinuha ni Misha iyon nung umalis din sila. 

"Oo. Don't worry" sagot ko sakaniya. Ngumiti siya tiyaka tumango. Tinuro ko na ang looban ng building tiyaka kumaway sakaniya. 

Tahimik akong naglalakad papunta sa classroom namin. Mukhang kumalat sa university ang nangyari kanina. Isang eskandalo nga naman ang nangyari kanina lalo na at sumisigaw pa si Alexa. Mabuti nalang at hindi kami napunta sa students affair, iyon ang pagkakakaalam ko. 

Pumasok ako sa classroom namin tiyaka tiningnan ang katabi ng upuan ko kung nandoon si Misha. Ngumiti siyang kumaway sa akin nang magtama ang paningin namin tiyaka ako napangiti. Napatingin sa braso ko si Misha kaya siya napangiwi. Umupo na ako sa upuan ko na katabi niya. 

"Kumusta na yung sugat mo? Ayos lang ba?" Tanong ni Misha sa akin, hindi nga ako nagkamali kanina na dinala ni Misha ang gamit ko sa room. Tumango ako sa tanong niya. 

"Oo ayos lang. Hindi naman ganon kalala" sagot ko sakaniya. Napatango si Misha dahil sa sinabi ko. 

"Good. Ang brat talaga ng Alexa ba iyon. Feeling girlfriend pa. Ayan napahiya siya" natatawang kuwento sa akin ni Misha na akala mo ay hindi ko alam ang nangyari "Alam mo ba noon, pinapabayaan lang yan ni Calvin hindi niya pinapansin. Naawa rin kasi siya pero ngayon" nagkibit-balikat siya na ayaw na niyang dugtungan. 

"Baka napuno na siya?" Kung dati niya pa kinukulut si Calvin malamang napuno na iyon, lahat tayo ay may limitasyon kahit gaano pa kahaba ang pasensiya ng isang tao. 

"Hindi eh. Kung mapupuno si Calvin dati pa. Pero ngayon niya lang pinatulan. Nung nadawit ka" ngiwi ni Misha na para bang pinagsisihan niya ang huling salitang binanggit niya. Hindi ko nalang iyon pinansin. 

"Hindi naman siguro. Baka hanggang ngayon nalang ang limitasyon niya" sagot ko sakaniya, tumango nalang sa akin si Misha kahit na kita ko sa mukha niya ang hindi pag sang-ayon pero tumango ito para pigilan ang sarili niyang may sabihin. 

Dumating na ang prof namin at in-announce ang mga topic na kailangan pag-aralan para sa prelims. Next week na kasi ang prelims namin kaya hindi regular class ang next week. Kailangan ko narin mag-aral dahil baka mawalan pa ako ng scholarship kahit na matataas ang mga perfromance, class standings at quizzes ko, iba parin ang departmental exam. 

Nang matapos ang klase namin ay sabay ulit kami ni Misha, gusto niya kasi akong laging kasabay kaya kahit na nahihiya naman ako ay sumasabay narin ako sakaniya. May kung anong bumabagabag sa akin na alam kong siya lang ang makakasagot.

"Mabuti nalang hindi kami natawag sa student affairs kanina?" Iyon ang kanina pang bumabagabag sa isip ko. 

"Hindi ka lang pinatawag" sagot sa akin ni Misha. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

"Hindi ako pinatawag? Bakit? Pinatawag ba sila?" Tanong ko. Nagtaka si Misha dahil mukhang wala akong alam pero sinagot narin ang tanong ko. 

"Nung umalis kayo ni Calvin pinatawag kami dahil may officer na nakakita sa nangyari. Sinabi rin ni Jeff na susunod nalang si Calvin. Baka hindi ka na sinabihan ni Calvin dahil wala ka naman kasalanan" tumango ako sa sinabi ni Misha. Baka nga siguro. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now