Chapter 10

649 13 0
                                    

Chapter 10

Performance

Hindi namin inasahan na marami rin palang makikipag practice t'wing alas kwatro hanggang alas sais. Karamihan sa kanila iyon ang vacant kaya tuwang-tuwa si Direct. Miyerkules na ngayon, mabuti nalang kaunti lang ang ipapasa bukas kaya pwede kaming mag-attend ng practice ni Misha.

"I didn't expect that you are almost complete!" Masiglang wika ni Direct habang winawagayway pa ang kaniyang kamay.

Estudyante lang din si Direct galing sa Arts deparment. Nasa third year college na siya, nakasalalay din dito ang grades niya. Minsan ay nagpapatawa siya pero strict na siya kapag practice na.

Nagsimula kaming magpractice gaya ng sinabi niya. Hanggang sa napagod kami at nagdesisyon siyang magkaroon kami ng twenty minutes break.

"Bili lang kami ng miryenda" paalam ni Jeff sa amin. Tumango si Misha sa kanila habang nakaupo at nag-uunat ng kamay at paa.

"Ayos ka lang? Ikaw ang maraming role ah" alalang wika sa akin ni Misha. Ngumiti ako sakaniya para huwag siyang mag-alala.

"Ayos lang, sanay naman akong ganto sa HUMSS" tumango siya sa sinabi ko. Mabuti na nga lang at napunta siya sa political science gayong ABM ang kinuha niya nung senior high.

"Nagkakamabutihan na kayo ni Jared ah" puna ni Misha. Na-enjoy rin kasi namin ni Jared ang role namin.

"Ah. Siguro nag-enjoy lang kami sa ginagawa namin and besides Jared is kind" kibit-balikat na sagot ko sakaniya.

"And he is not please" bulong niya na hindi ko masyadong naintindihan dahil biglang nagtawanan ang grupo nina Alexa sa gilid. "Nako, mga kulang sa pansin group" iritang wika ni Misha sa tabi ko.

"Ganyan lang siguro sila" sagot ko nalang kay Misha kaya napairap siya.

Nagulat kami ni Misha nang umupo si Direct Rey sa harapan namin tiyaka siya maarteng ngumiti sa amin. He fix is scarf.

"Hi, Girls!" Bati niya sa amin. Ngumiti ako sakaniya ganon din si Misha.

"Hi, Direct!" Bati sakaniya ni Misha tiyaka pa ito kumindat. Napangiwi na parang nandidiri si Direct kaya natawa kami ni Misha.

"You're good at acting huh," puna sa akin ni Direct, napangiti ako sa sinabi niya "Mabuti nalang hindi mo pinasukan ang under sa arts?" Dagdag pa na tanong niya sa akin.

Naramdaman ko ang pag-upo ng grupo nina Alexa kanina sa likod namin kasama ang iilan pa naming kasama sa dance troupe.

"We can't deny the fact na kapag arts ang basehan hindi ka aasenso sa Pilipinas. Well, swertihan lang siguro" kibit-balikat na sabi ko "Kagaya nung sinabi nang teacher namin sa Senior High, kapag manunulat ka, magugutom ka" sagot ko sakaniya "Bread winner kasi ako kaya kailangan practical keysa sa passion. Tho, gusto ko rin naman ang ginagawa ko ngayon" napatango siya sa paliwanag ko.

"Ganyan kasi ang mindset ng mga Pilipino pagdating sa Arts, mababa ang sahod, hindi aasenso" he smile and pause "But as you said I can't deny that it was indeed true. Pero kung laging ganyan ang mindset nang lahat, pwede sa susunod na heneresyon mamatay na ang sining sa bansa" malungkot na wika ni Direct. Napatango ako dahil may point siya roon.

"At ang mga Pilipino rin ang may kasalanan don. Let's admit the fact that if you don't have the standards of beauty made by them, even if you are graceful in dancing, even you have the golden voice or a very good acting without this" sabay muwestra ko sa mukha ko "they will not support you"

"I agree with you, isa yan sa malungkot na realidad sa bansa na kailangan pumasa ka sa standards ng pagiging gwapo at maganda sakanila bago ka nila suportahan" tumatangong sabi niya sa akin.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now