Chapter 14

586 16 0
                                    

Chapter 14

Plan

Isang normal na araw, nagkaroon ng biglang suspension sa iilang mga subjects kaya heto kami ngayon ni Misha naglilibot sa campus. Ngayon lang namin naisipan maglibot dahil ngayon lang ang free time namin tiyaka ang laki ng university kaya nakakatamad din libutin. Hindi kagaya nung High school and Senior High School na malilibot mo nang ilang oras lang ang buong campus.

"Punta tayo sa Business department!" Masiglang wika ni Misha. Napailing ako habang umiiling, alam ko naman na gusto niya lang sulyapan si Jeff sa business department.

"Hindi ba kayo nagsasawa sa mukha nang isa't-isa?" Pagbibiro ko sakaniya. Hinigpitan niya pa lalo ang kapit niya sa braso ko tiyaka siya umiling.

"Hindi. Kapag kasi mahal mo na talaga, kahit na segu-segundo pa kayong magkasama hindi kayo magsasawa. At hindi nakakasawa ang pagmamahal" nakanguso niyang sagot sa akin. Napatango ako sa sinabi niya.

"Ikaw ba? Hindi ka pa talaga na-inlove?" Tanong sa akin ni Misha sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Umiling agad ako sa tanong niya.

"Hindi pa" naitanong na niya ito dati, ewan ko lang kung bakit naitanong niya ulit ngayon.

"Talaga? Yung totoo?" Hindi parin makapaniwalang tanong niya sa akin. Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Hindi nga. Naitanong mo na dati iyan ah?" Tanong ko sakaniya. Ngumuso siya sa sinabi ko.

"Akala ko kasi nahihiya ka lang aminin sa akin iyon dati kasi hindi pa tayo ganon ka-close" kibit-balikat habang nakangusong sabi niya.

"Hindi pa talaga, tiyaka seventeen palang ako no! Ang bata ko pa" wika ko sakaniya. Napatango siya sa sinabi ko.

"How about Calvin?" Napahinto ako sa tanong niya dahilan nang paghinto niya sa paglalakad.

"Napano si Calvin?" Namangha siya sa naging reaksiyon ko kaya ako na ang humawak sa kamay niya tiyaka kami naglakad.

"Apektado ka sakaniya?" Tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?" Kunwaring tanong ko sakaniya.

"Anong tingin mo kay Calvin?" Biglang pag-iiba niya. Napasinghap ako sa tanong niya bago sumagot.

"Kaibigan. Magkakaibigan naman tayo diba?" umiling-iling siya sa sagot ko.

"Nung una pa lang alam ko na may kakaibang nararamdaman sayo si Calvin" bahagya akong nagulat sa sinabi niya "Atin-atin lang ito ah? Pero ganyan din yung naramdaman ni Jeff noon kay Calvin, hindi naman talaga pala-salita at pala-libre iyon eh. Tapos ang sungit pa! Pero nung pinakilala kita, biglang nag-iba" kuwento niya sa akin. Natatawa akong umiling sa sinabi sa akin ni Misha.

"Imposible naman. Tingnan mo nga, iniiwasan niya ako ngayon" kibit-balikat na sagot ko. Nagulat na may halong pagka-mangha ang naging reaksiyon ni Misha dahil sa sinabi ko.

"OMG!" Maarteng saad nito na may patakip pa sa kaniyang bibig sa gulat "Edi miss mo siya?" Tila nabuhayan siya dahil sa sinabi ko kaya naitanong niya iyon.

"Ang sabi ko, iniiwasan niya ako. Wala akong sinabing namimiss ko siya" pagpapaintindi ko sakaniya, mukhang iba ang pagkakaintindi niya.

"Hindi e. You will not notice it if you are not seeking for his presence" makahulugang sagot nito sa akin. Tinaas-baba niya pa ang kilay niya para asarin ako.

"Ayun si Jeff" sabay turo ko kay Jeff na ngayon ay kasama si Calvin. Pareho silang nakapamulsa habang naglalakad. Mukhang hindi napansin ang presensiya namin sa department nila.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now