Chapter 20

703 15 0
                                    


Chapter 20

Claw

Prelims of Second sem is done! Sabay kaming nagpasa ni Misha ng papel bago lumabas ng classroom. Bahagya akong napatalon nang makita si Calvin sa harapan ng classroom namin habang nakalagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa tiyaka nakasandal sa pader. Kaagad siyang umayos ng tayo nang makita niya kami, hindi man lang inalis ang kamay niya sa kaniyang bulsa.

"Wow. Aga ah?" Asar sakaniya ni Misha "Where's Jeff?" Agad na tanong nito. Nagkibit balikat si Calvin dahilan ng pagtaas ng kilay ni Misha.

"A date?" Pang-aasar na tanong ni Calvin kaya hinampas siya sa braso ni Misha. Calvin chuckled. "Jealous eh?" Asar pa niya.

"No! I'm not. Patay na patay sa akin iyon so why would he date someone else?" Confident na tanong ni Misha. Nailing nalang si Calvin.

"He just buy something" sagot sakaniya ni Calvin tiyaka bumaling sa akin na may matamis na ngumiti. "How's exam?" Sabay lapit niya sa akin. Hindi napalampas ng mata ko ang pag make face ni Misha sakaniya dahilan nang pang ngiti ko.

"It's okay" sagot ko tiyaka nagkibit-balikat. Ayos lang naman dahil naka-review ako kaya nasagutan ko ng tama ang halos lahat.

"Let's have a date?" Nakangiting yaya niya. Namula ako bigla dahil narinig panigurado ni Misha ang sinabi niya.

"Wow. Date! May label ba kayo?" Asar sakaniya ni Misha. Masamang tumingin sakaniya si Calvin pero dinilaan lang siya ni Misha. "What? I'm just telling the truth" pang-aasar pa niya.

"Oh? Jeff didn't buy something. He's with his ex" masungit na sabi ni Calvin na tila napikon sa sinabi ni Misha. Nagbago agad ang itsura ni Misha tiyaka nag walk out.

Sinamaan ko kagad ng tingin si Calvin pero nagkibit-balikat lang siya.

"I'm just telling the truth tho" sagot niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil don "But he just bump to her earlier, I'm just teasing Misha" ngisi niya. Kaagad kong hinampas ang braso niya dahil don. Natawa siya sa ginawa ko, mukhang hindi man lang nasaktan. Sabagay, sino ba naman ang masasaktan e ang tigas ng braso niya? "Violent now?" Ngisi niya sa akin. Inikutan ko lang siya ng mata.

Nagsimula na akong maglakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil sa pang-aasar ni Calvin. Hindi ko alam kung mas gusto ko pa ba yung tahimik na siya o yung ganto siya kapang-asar ngayon. Bahagya akong nagulat nang maramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko tiyaka bumulong sa akin.

"You're walking the wrong way" bulong niya tiyaka niya ako iginaya papunta kung saan naka-park ang kotse niya.

Habang naglalakad kami ay nagtanong siya tungkol sa exam kaya ganon narin ang ginawa ko. Kapag malapit narin kasi ang exam, hindi kami masyadong nagtetext dahil nagrereview kami. Pero lagi niya akong in-update kung anong ginagawa niya, saan siya pupunta o kung ano pang kailangan niyang i-update sa akin. Feeling ko tuloy mayroong kami, kahit na wala naman.

May babaeng nagmamadali habang maraming hawak-hawak na yellow sheet, mukhang work sheet sa mga accountancy student. Tumitingin siya sa orasan, mukhang malelate na ata siya kaya nagmamadali siya. Prelims pa naman ngayon.

Mukhang araw niya ata ngayon dahil nabangga niya pa si Calvin dahilan ng pagkahulog ng mga hawak-hawak niyang papel. Dali-dali siyang lumuhod para pulutin ito. Kaagad din namin siyang tinulungan ni Calvin.

"Natashia" gulat na banggit ni Calvin sa pangalan niya. Napatingin tuloy ako sa babae habang napahinto kaming tatlo sa pagpulot ng nga gamit niya.

Tiningnan ko ang mukha ng babae. She is beautiful. Mukhang laki rin siya sa mayamang pamilya, her skin screaming it. Bahagyang napa-awang ang bibig niya nang tumingin siya kay Calvin na mukhang gulat na gulat.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now