Chapter 4

700 13 0
                                    

Chapter 4 

Audition

"Wow! As in, wow!" Hindi parin makapaniwala si Misha. Bilib na bilib pa siya sa desisyon ni Calvin. Napailing lang ng isang beses si Calvin dahil sa reaksiyon ng kaibigan. “Ikaw ba talaga si Calvin? Yung kaibigan namin?” Nagtataka parin na tanong ni Misha. 

“Of course, tss” masungit na wika ni Calvin tiyaka kumain na. Umiiling lang habang natatawa si Jeff bago bumaling sa akin. 

“Nasabi mo na ba baka gabihin ka ngayon dahil sa audition?” Tanong sa akin ni Jeff. Muntik ko nang makalimutan iyon ah. 

“Oo nga pala. Salamat sa pagpapaalala” hindi pa ako nakapapagpaalam, mabuti nalang talaga pinaalala ni Jeff sa akin kung hindi baka mag-alala sina tita. 

Bahagyang umangat ang tingin ni Calvin mula sa pagkain niya nang marinig ang usapan namin ni Jeff. Jeff gave me a sweet smile. 

“Mabuti nalang napaalala ko baka mag-alala sila sayo eh” tiyaka siya kumain muna bago magsalita “Sabay ka ulit sa amin, gabi na masyadong delikado rito sa Manila” dagdag pa ni Jeff. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. 

“Hay nako! Ang dami pa naman masasamang tao sa tabi-tabi!” Dagdag pa ni Misha. Tahimik lang na kumakain si Calvin sa tabi ko. 

“Alexa will be there” saad ni Misha. Tiningnan ko siya kung sinong kausap niya, nang makita kong kay Calvin siya nakatingin ay napatingin na rin ako kay Calvin. Naghihintay siyang magsalita. 

“Then?” Bored na tanong ni Calvin sakaniya. Nagkibit-balikat si Misha sa tanong ni Calvin. 

“Nothing. I think she can change your mind for joining” kibit-balikat pang saad ni Misha. 

Kung ganon, baka si Alexa ay malapit sakaniya noon pero hindi na ngayon kaya iniiwasan niya? That is my conclusion. Napatingin sa akin si Calvin kaya nahuli niya ang seryosong tingin ko sakaniya, mabilis kong iniwas ang tigin ko tiyaka pinagpatuloy ang pagkain ko.

He let a sigh. 

“I don’t want to go near her because I don’t want her to assume” simpleng sagot ni Calvin, narinig ko ang mga kubyertos niya sanhi na nagpatuloy na siya sa pagkain. 

Kaagad nakapasok ng isang topic si Jeff para gumaan ang atmosphere. Mabuti nalang ay nagtagumpay siya rito. Nag-usap silang tatlo tungkol sa business. Napatingin sa akin si Jeff. 

“Bakit nga pala pinasok mo ang Political Science?” Tanong niya sa akin “Eto kasing si Misha may law firm sila kaya she needs basic information” pagsagot ni Jeff sa side ni Misha. 

“Ah. Gusto ko sanang pagpatuloy ang Law pagkatapos” sagot ko tumango si Jeff sa sinabi ko. 

“Hmm. So you want to be a lawyer” he said the obvious, I just nod “But did you know that lawyers are liars?” Kuryos na wika niya. Tumango ako. 

“Lawyers are indeed a good liars” sagot ko sakaniya. Kumunot ang noo niya na tila naguguluhan. 

“So are you?” Umiling ako sa tanong niya. 

“Kaya nga gusto kong maging lawyer para gumanda ang justice system dito sa bansa” sagot ko sakaniya. Napatango siya sa sinabi ko “I want to prove that not all lawyers are liars” dagdag ko pa. Bahagyang natawa si Misha sa sinabi ko tiyaka nagpunas ng tissue. 

“I respect what you just said” malungkot na wika niya sa akin “However there are things in this world that is not meant for what you want. Marami narin kaming narinig na ganyan ang gustong mangyari kaya gusto nilang maging lawyer but we can’t deny the fact na masyadong malabo iyon. Lawyers tend to lie because of their safety” kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon