02 - Solicitous

45.1K 1.2K 1.7K
                                    

02 - Solicitous

Kaetherine's POV:

Kinonfirm ko naman agad ang friend request nito at doon sunod-sunod ng nag-pop ang mga messages nito. Kung gaano kasunod-sunod ang pagtunog ng cp ko gano'n din kasunod-sunod ang lunok ko.

Kinakabahan man pinindot ko na rin ang chat nito. Napapikit pa ako nang mapindot ko na ito nang tuluyan.

Habang binabasa ang mga chat nito para ko pang naririnig ang boses nito. Galit at halos bugahan na naman ako ng apoy kahit pa nasa chat na lang.

Have you arrived, Ms. Ortega?
4 hours ago ‧ Sent from mobile

Accept the damn request!
4 hours ago ‧ Sent from mobile

Did you already forget about what I've told you?!
4 hours ago ‧ Sent from mobile

How could you be so irresponsible?!
4 hours ago ‧ Sent from mobile

You are making me worried sick!
3 hours ago ‧ Sent from mobile

I even told you to message me when you got home, ghad!
3 hours ago ‧ Sent from mobile

Still not following me huh, Ms. Ortega.
2 hours ago ‧ Sent from mobile

Napakagat na lang ako ng labi at nagsimulang mag-type ng isasagot ko rito. Ang lakas pa rin pala nitong magpakaba kahit na sa chat na lang siya kausap.

Yes, ma'am. I'm sorry
I forgot about it po.
Seen.

Lalo namang dinaga ang dibdib ko nang makitang na-seen nito agad ang reply ko at doon ko lang napansing online pala ito. Napalunok tuloy ako.

Gera na naman.

You made me worried as
hell, Ms. Ortega! Sa susunod
kahit simpleng jgh sana
marunong ka and what
happened to the reminder we
talked about? And you don't
even bother to add me!
Just now

Kagat-kagat ko ang labing kong binasa ang reply nito. Ultimo pag-tytype niya para siyang nasigaw at galit. Hindi ba siya napapagod?

Naiintindihan ko naman na nagkakaganito siya dahil nga nakalimutan ko ang bilin niya pero nakakapagod na hanggang gabi ganyan siya.

Pero sige na, alam ko namang ako ulit ang may kasalanan dahil nakalimutan ko ang mga bilin niya. Lalo na 'yong i-message nga siya dahil nga naman ito ang huling nakasama ko at kargo de-konsensya niya pa kapag may nangyari sa akin.

Opo, ma'am. Sorry po ulit.
Just now

👍

Just don't forget to add your classmates to our group page.
Just now

Maikling reply na lang nito napalabi tuloy ako. Ay tapos na? Sayang gusto ko pa sana awayin e. Haha. Joke lang.

Yes, ma'am. I will po.
Goodnight po.
Seen

Mabilis na reply ko rito at hinintay pa kung may reply pa ito pero sineen na lang talaga ang chat ko. Sungit talaga, wala man lang goodnight? Sleepwell and sweetdreams? Charot.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon