20 - Untouchable

42.8K 1.4K 3.3K
                                    

20 - Untouchable

Kaetherine's POV:

'THE END'

Nagsalubong ang dalawang pulang kurtina sa entablado at lumitaw ang ending spotlight sa unahan. Hudyat na wakas na ang musical play na mahigit dalawang oras din naming itinanghal.

Masigabong palakpakan na sinabayan pa ng hiyawan, pagbati, papuri at palitan ng mga ngiti ang nangibabaw sa mini theatre. Ang iba sa amin nagsakitan pa nang pabiro sa tuwang sa wakas natapos na rin ang musical play namin.

"Wala na tayong practice mamaya aaaahhh!" Tili ni Jenny pagdating niya sa backstage. 

Lahat naman ay biglang nagsipag-ingay lalo na ang mga kasama nitong gumanap sa play. Nitong mga nakaraang araw kasi ay lagi silang late nakakauwi dahil sa mga practice.

Napansin ko namang nagliligpit na ang iba ng mga ginamit namin kanina kaya tumulong na rin ako. Bawal kasing may maiwan na gamit dahil may magpe-perform pa na section mamaya.

Ligpit dito, ligpit doon ang nangyari sa backstage. Ginugol ko ang atensyon dito kahit ilang beses na rin akong tinawag nina Andrea sa labas para mag-picture. Nakarami naman na kasi kami kanina bago mag-start 'yong play. 

Isa pa, ayaw kong lumabas dito. 

Nanikip na naman ang dibdib ko nang maisip ang dahilan kung bakit kanina pa ako iwas na iwas na lumabas sa backstage. Iniiwasan ko kasing makita ito ngayon. Ayaw ko ng lumala pa ang panlulumbay na nararamdaman ko simula noong araw na inaya ako nitong umalis.

"Sipag mo naman. Magtira ka naman ng ililigpit namin 'no, 'te?" Umangat ang tingin ko kay Charlotte nang biglang sumulpot ito sa harapan ko. 

Tinabihan ako nito at tinulungang tupiin ang mga costume na nagkalat dahil sa pagmamadali kaninang magbihis ng mga kaklase namin. Ang dami kasing scenes na iba-iba ang suot ng mga bida kaya kahit sa'n na lang maipatong ang mga costume kanina ay ayos na kaya ang kalat.

"Char, kung titingin ka sa paligid ang dami pang kailangang iligpit. Costume pa nga lang 'to pero kung ipipilit mo, sige ikaw na lang magligpit. Madali naman akong kausap," natatawa kong sabi.

Kung ililibot kasi namin ang paningin sa buong backstage nagkalat ang mga kawayan, cartolina, karton, costume, styro, spotlight, at kung ano-ano pa. Basta na lang kasing itinabi kanina ang mga ito dahil sa pagmamadali parati na mag-ayos para sa next scene.

"Alam mo, ayos lang namang magkwento ka. Makikinig naman kami. Kaysa nagmumukmok ka at kung ano-anong ginagawa mo para lang—"

"Ayos lang ako, Charlotte. Nagkwento na rin naman ako sa 'yo no'ng nakaraan." Siguradong putol ko rito. Napabuntong-hininga naman ito.

"Sige, ikaw bahala. Pero kung magbabago isip mo, nando'n lang ako sa kabilang ibayo't doon tayo sa gedli mag-usap. Hayaan mo na 'yong iba naman ang magligpit. Namumuro na sa 'kin 'tong mga walang ambag na 'to e." 

Natawa naman ako sa huling sinabi nito bago ito tuluyang tumalikod. Marami pa kasi sa mga kaklase namin ang walang natuilong. Tipong kahit ngayong nagliligpit na lang ay ayaw pa ring magsikilos. 

"Guys, 96/100 daw tayo sabi ni ma'am!" Anunsyo ni Margot pagpasok nito sa backstage. 

Nang mapalingon naman dito ang lahat ay napahiyaw sa tuwa ang ilan sa amin. Pero may iba ring nagreklamo, katulad ni Gerry dahil bakit daw hindi na lang ginawang perfect score ang grade namin.

"Aba, edi ikaw ang magreklamo kay Miss pati na rin sa ibang judge. Saka wala ka namang ambag nagreklamo ka pa," pabalang na sagot ni Margot dito.

"At goods na nga rin 'yong 96 kasi 'yong section kahapon na nag-perform, 87 lang daw ang grade nila kay ma'am. Saka wala talagang makaka-perfect do'n kilala niyo naman 'yon," dagdag pa na sabi nito. Nagsipagtanguan naman 'yong iba.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon