12 - Imbroglio

30.9K 1K 2.3K
                                    

12 - Imbroglio

Kaetherine's POV:

Nagising ako sa sakit ng katawan nang may nagtulak sa akin sa kama dahilan para mahulog ako sa kinahihigaan ko.

Pikit-matang napadaing ako habang hinahaplos ko ang bandang pwetan ko. Nang buksan ko ang kabilang mata para sana bulyawan ang gumawa no'n ay bigla akong napabalikwas ng upo.

Binalot ng takot ang dibdib ko ng mga oras ding 'yon nang mapagtanto kung anong ayos ko at kung bakit may tumulak sa akin kung mag-isa lang naman ako sa kwarto.

Awtomatikong napalingon ako sa kamang katabi ko at nasalubong ang nanlilisik nitong mga mata. Doon napansin ko na ang itsura ng kabuuan ng kwarto, hindi ito ang kwarto ko kung hindi ng babaeng siguradong nag-uumapaw na naman ang galit sa akin ngayon.

"You need to tell me what happened." Malamig na pagkakasabi nito sabay tayo nito sa kama at lumabas na ng kwarto.

Agad akong pinamulahan ng mukha mapagtanto ko kung nasaan ako at sa uri ng ayos ko ngayon. Sht. Sht. Sht. Ang tanga ko.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa nangyari. Inayos ko agad ang sarili at lumabas na ng kwarto ngunit hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ay may narinig na akong nabasag kaya napamadali tuloy ako ng labas.

Nakita kong umiiyak na naman ito. Balak ko na sanang lapitan ito nang bigla na lang ako nitong sigawan at matalim na tinignan.

"Just fucking stay right there!!! And don't even go near me! Find a home and leave right away!" Galit na galit nitong saad.

Hindi ko tuloy maiwasang masaktan sa sinabi nito. Ang isipin pa nga lang na hindi ko na ito malalapitan ay tila winawasak na ang puso ko, ang iwan pa kaya siya? Gayong nakasanayan ko na ang presensya nito.

At saka may dahilan naman ako kung ba't nangyari ang 'yon e. Pero kahit na, ako ang nasa tamang pag-iisip. I should have stopped the kiss instead.

"I'm sorry—"

"Stop. Just leave." Malamig nitong saad saka narinig ko na lang ang pagpasok nitong muli sa kwarto.

Maluha-luha man at nakararamdam pa ng pagkahilo ay pumasok na ako sa tinutuluyan kong kwarto at nag-ayos papasok.

Lumipas ang oras, halos tulala lang akong tinapos ang araw. Ni hindi ko namalayang tapos na rin ang klase't dinala na lang ako ng mga paa ko sa tapat ng isang fast-food chain.

Doon naalala kong wala pa pala akong part-time job. Bukod kasi sa musical play namin na parating kinakain ang oras ko, idagdag pa ang practice ko sa mga contest na tuluyang ikinawala ng isip ko paukol dito.

Saka mas kailangan kong makahanap ng trabaho ngayon dahil sa nangyari kanina. Hindi naman ako makakaalis sa poder nito nang wala akong perang dala-dala.

Bitbit ko rin naman parati ang resumé ko para kung sakaling may madaanan akong mga hiring na tulad nga nito ay agad akong makapag-apply. Hindi na ako nag-atubiling pumasok matapos makita ang hiring sa entrance nito.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang malawak sa paglabas ko ng opisina at kahit papaaano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang matanggap ako sa trabaho.

Nang pauwi naman na nagdesisyon akong tumuloy na lang muna ulit sa dorm nina Andrea. Tutal tiyak ko rin namang hindi ako hahanapin no'n e. Ni hindi na nga yata ako no'n gustong umuwi pa. Baka nga hindi pa nito mapansin na hindi man lang ako nauwi.

"Hoy, Kaetherine! Alam mo ba kung anong oras na? Ha!?!" May sumpong na bati ni Andrea matapos nitong pagbuksan ako ng pinto.

Natawa naman ako nang makita ang ayos nito. Ayaw na ayaw kasi nitong naiistorbo ang pagtulog niya at sino ba naman kasing tao ang gusto 'yon.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon