24 - Severed

63.1K 1.7K 6.8K
                                    

24 - Severed

Kaetherine's POV:

Matapos kong sagutin ang pang-anim na tanong ni Ms. Rielle sa 'kin sa klase niya ay buntong-hiningang bumalik ako sa pagkakaupo. Simula kanina pa kasi ako nito tinatawag para mag-recite o mas akmang sabihin na buong linggo na kaming ganito.

Lagi raw kasi akong nakayuko sa klase niya. Noong una hinayaan ko lang dahil kahit na sino namang professor ayaw ng gano'n. Pero simula nitong Wednesday nagsimula na akong magtaka. 

Tuwing yumuyuko naman kasi ako sa klase niya hindi naman literal na nakayuko talaga ako, nagsusulat naman ako ng notes para hindi magmukhang bastos. Kaya ngayon hindi ko alam kung dahil talaga 'to sa pagyuko ko o dahil sa nangyari ng gabing 'yon kung bakit ngayon ito panay tawag sa 'kin.  

Pakiramdam ko galit ito pero wala naman siyang dapat ikagalit dahil simula naman ng gabing umamin ako sa kanya ay umiiwas na rin ako. O bago pa nga mangyari ang gabing 'yon. 

Hindi naman din ako nagpapansin sa kanya kaya ko ginagawa 'to at hindi ko rin naman gustong pansinin niya pa ako. Kundi ang pagyuko na lang kasi ang naiisip kong paraan para kahit papaano umabante naman ako sa ginagawa kong pagmo-move on dahil kung araw-araw ko naman kasi siyang makikita at matititigan sa klase alam kong hindi ako uusad.

"Kung ako sa 'yo iangat mo na 'yang tingin mo para hindi ka na natatawag. Be professional na lang din tulad niya." Napalingon ako kay Charlotte na katabi ko lang nang bulungan ako nito.

"Alam mong hindi pwede e," mahinang tugon ko habang binuksan ko ulit ang notebook ko para magsulat.

"Pwede kung gusto mo." Natigilan ako nang marinig 'yon. "Set aside your feelings when you are at the university, Kaeth. Hindi naman pwede na ano? Ganito na lang parati? Remember, October pa lang. Malayo pa ang tatakbuhin ng taon na 'to."

Napabuntong-hininga naman ako dahil sa sinabi nito saka muli itong nilingon. Alam ko naman din 'yon at gets ko naman ang punto niya.

"Kahit ngayong linggo lang, Char." Iyon na lang ang tangi kong nasabi at nakakuha naman ako rito ng tingin na ayaw na ayaw kong nakukuha.

Ayaw na ayaw kong kinakaawaan ako kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. Tuloy nagawi ang paningin ko sa totoong iniiwasan ko.

Halos maubusan naman ako ng hininga nang masalubong ko ang mga titig nito. Ang mga mata nitong kulay asul na tagos hanggang buto kung makatingin at gustong tunawin ang buong pagkatao ko. 

Kalaunan naman mabilis ko ng iniiwas ang paningin ko bago pa man ako umasa sa wala. May kung anong emosyon kasi ang unti-unting dumaloy sa mga mata nito ngayon na tila sinasabing gusto akong makausap at tila pa ayaw nitong pakawalan ang mga mata ko.

"Edi nakita mo ang sinasabi ko." Napalingon ako kay Charlotte nang bigla ulit siyang magsalita at kunot-noo itong binalingan ng tingin. Anong ibig niyang sabihin?

Akma sanang tatanungin ko pa lang ito pero tumunog naman ang bell, senyales na tapos na ang klase. Kanya-kanya tuloy kaming ayos ng gamit dahil may practice pa ang klase namin sa gym.

"Uy partner tayo, 'di ba?" sulpot ni Rider sa harap ko.

"Yep," maikli kong sagot dito at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

May performance kasi kami sa PE na by partner at nagpupumilit itong siya na lang ang partner ko. Wala naman akong nakikitang problema kaya pumayag na lang din ako.

"Sabay na tayo sa pagpunta ng gym ha, okay lang ba? Pero daan muna tayong canteen. Nagugutom na kasi ako—"

"Friday cleaners stay."

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon