34 - Knife-Edged

37.2K 992 869
                                    

34 - Knife-Edged

Kaetherine's POV:

Samo't saring emosyon ang bumalot sa dibdib ko nang makumpirmang ito talaga ang babaeng kaharap ko ngayon. Noong una, ayaw ko pang maniwala pero nang umikot na ito at sinalubong ko ang malalamig niyang mga tingin ay napako na lang ako sa kinatatayuan ko.

Napabalik naman ako kaagad sa realidad nang batiin ako ng buong pamilya nito pabalik. Doon ko rin namalayang sinalubong na pala ako ni lola para kunin ang iba kong dala at saka inayang maupo sa tabi niya.

Nagsunod-sunod naman ang pagsermon ko sa sarili nang mapagtantong mali pa ako ng napwestuhan. Naging katapat ko kasi ang dalawa. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang dahil habang kinukuha ni Rai ang atensyon ko ay ramdam na ramdam ko rin ang nanunusok nitong mga tingin.

Gusto ko mang papaniwalain ang sarili kong hindi totoo ang nakikita ko at imposibleng sa dinami-rami ng tao ay siya pa ang sinasabing nakatatandang kapatid ni Rai ay parang niloloko ko lang ang sarili ko.

It was no doubt that they are sisters dahil may pagkakahawig ang dalawa. Lalo sa bandang mga mata. The thing is, bakit hindi sila magka-apelyido? I would immediately realize that they are sisters as soon as I heard their surname.

What truly frenzies me ay bakit sa dinami-rami ng tao e siya pa? Because all this time, ang babaeng matagal kong iniwasan at pinigilan ang sariling huwag balikan ay kapatid lang pala nito.

Tuloy gulong-gulo ang isip ko at napaporma na lang ang kamay ko pakamao. Parang hindi ko yata bigla naiintindihan ang mga pangyayari.

Doon mabilis pang nanumbalik sa isip ko ang mga nangyari magmula sa party hanggang sa nangyari ng gabing 'yon, pagkatapos ng gabing 'yon hanggang ang mga nangyari sa nakalipas na dalawang buwan at ngayon, sa araw na 'to.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at napangiti na lang nang mapait sa nag-iisang ideyang nangibabaw sa isipan ko.

Ilang beses ko na ba itong iniwan na lang bigla? Dalawa? At sa dalawang beses na 'yon ay kapwa hindi ko napaghandaan ang muli naming pagkikita.

Hindi ko maiwasang kabahan, makaramdam ng takot at lalong magalit sa sarili. At naiilang man, sinilip ko ito nang palihim at doon nakita ang bumabalot ditong seryosong awra.

Wala na ang atensyon nito sa akin pero hindi rin nito binibigyang pansin ang ibang taong nasa paligid namin na ngayon ay may sariling kwentuhan ulit. Tahimik lang ito sa gilid at tila nasa malalim na pag-iisip.

Malamang tulad ko rin ay iniisip na nito ang sitwasyon namin dahil sino bang hindi? At sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ito pakikitunguhan ngayon.

Kung dapat bang pakitunguhan ko ito tulad ng dati na para ko pa rin itong propesor o bilang kapatid na ni Rai. O gawa ng nangyari noong huling dalawang buwan ay harapin ko ito bilang... ewan. Hindi ko na alam.

Sa kabilang banda, mukhang hindi rin naman nito magugustuhan kung iyong huli. Gawa ng sobrang mali ang nangyari noong gabing 'yon at idagdag pa ang koneksyong mayroon kami ngayon ng kapatid niya.

Doon lihim na lang akong napabuntong-hininga bago ibalin sa apat naming kasama ang atensyon ko.

"Anyway, Rielle, you were saying something a while ago. Perhaps, Kaeth and you know each other?"

Biglang tanong ni Mr. Riordan sa kanya matapos ang maikling kwentuhan nila saka ito tumingin din sa akin. Awtomatikong natahimik naman ang lahat habang natuod naman ako sa pwesto ko.

Mayamaya'y natatakot man ay unti-unti kong nilingon ang gawi ulit nito at doon nagtamang muli ang paningin namin. Gusto ko man sanang alisin din dito agad ang atensyon ko dahil patagal nang patagal ay bumibigat na ang paghinga ko at tila nanadya pa ito dahil ang tagal nitong sumagot, ay hindi ko magawa.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon