18 - Funfair Date

39.3K 1.2K 2.1K
                                    

18 - Funfair Date

Kaetherine's POV:

Dahan-dahan kong ipinatong ang bouquet of roses, hugis pusong tsokolate at sobreng puti na napagkasunduan namin ni Nurse Clara na ilagay sa office table ni Ms. Rielle ngayong Sabado. 

Napailing-iling pa ako nang maalala kung gaano kalaki ang pagkadisgusto ko sa hinihingi nitong pabor sa akin noong nakaraan pero heto ako ngayon at pumayag din naman sa huli. 

Pagkauwi ko galing retreat kahapon ay muli itong nangulit. Gustuhin ko mang tumanggi dahil ayaw ko naman talaga at sobrang masokista ko naman kung tutulungan ko pa siya, sa huli ay inisip ko na lang din si Ms. Rielle. 

Her enthusiasm has been definitely rare since the previous night, and the way she smiles and laughs seems to be contagious. So, who am I to take that feeling away?

Lalo pa mukhang ang dahilan no'n ay nagiging in good terms na ulit sila. Kaya nga rin tinopak ako no'ng inspection of gadgets. Tapos napansin ko hanggang kagabi good mood pa rin ito. Sana lang talaga ay umayos na 'tong si Clara kundi maghahalo na ang dugo sa tinalupan.

Nang magawa ko na ang pakay ko ay mabilis na rin akong umalis dahil baka maabutan pa ako ni Ms. Rielle at masira ang plano. Paglabas ko ng building ay kakaunti lang ang tao dahil weekend at wala namang gaanong may klase.

Dumeretso kaagad ako sa trabaho at balak kong mag-overtime. Nakiusap din kasi si Nurse Clara na kung pwedeng bigyan ko raw silang dalawa ng privacy hanggang mamaya. Naiintindihan ko naman saka para rin magkausap na sila. Wala naman din akong balak pasakitan ang sarili ko na habang inaayos nila ang relasyon nila e nando'n ako.

Pagkadating ko sa fast food restaurant ay agad akong bumati sa ibang crew dahil policy 'yon sa pinagtatrabahuhan ko. Pagkatapos ay dumeretso agad ako sa banyo para magpalit ng uniform at mayamaya'y pumwesto na sa lobby area para maglinis.

Lumipas ang oras, matapos ang paulit-ulit na pagwawalis, paglalampaso, at pagpunas ng mga table at upuan, iniwan ko na muna ang lobby area para maghugas ng mga utensils sa kitchen area. Nagkakaubusan na kasi ng mga kutsara at tinidor dahil dumarami na ang mga tao. 

"Kaeth," agad na umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ng manager namin. 

May pagkamasungit ito at strikta sa trabaho kaya parati akong alerto. Doon napamadali tuloy ako sa paghuhugas. Baka kasi marami ng tao sa labas at hindi naman 'yon kakayanin ng isang nag-aassist sa customers lalo pa't lunch time na. Dalawa lang kasi kami no'ng kasabay ko sa shift sa lobby area.

"Saglit na lang po ito—"

"You can continue," agad na pigil nito. "May naghahanap lang sa 'yo sa labas kaya kita hinanap." 

Doon ay medyo bumagal na ulit ang pagkilos ko. Nang maproseso naman ang sinabi nito, kumunot ang noo ko.

"Ah, sino raw po? Wala naman po kasi akong inaasahang magpupunta sa 'kin dito." Alanganin kong pahayag kasi mamaya hindi naman pala ako 'yong hinahanap.

"Rider daw e," kibit-balikat na sagot nito. "Sige, ah. Una na ako. Pero bago ka pumunta ro'n tapusin mo muna 'yan." Bilin nito sa akin at umalis na. 

Doon napaisip naman ako. Si Rider? Ano namang kailangan no'n sa 'kin at ngayon talagang oras ng trabaho ko?

Kalaunan nilapitan ko ang lalaking naka-yellow v-neck shirt na tinernuhan ng black shorts nang matiyak na si Rider ito. Kumaway ito sa akin nang makita ako habang nakaplaster pa sa mukha niya ang malaking ngiti.

"Ano?" Masungit kong tanong dito nang makalapit sa kanya. Doon bumusangot agad ang itsura nito at tinapunan ako ng tissue na ginamit niya kanina. Tuloy kumulo ang dugo ko dahil doon.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon