06 - Promise

32.8K 1K 1.6K
                                    

06 - Promise

Kaetherine's POV:

Pagkagising ko ay dumeretso agad ako sa cr para maligo at mag-ayos papasok. Nang matapos ako ay pumunta naman ako sa kusina para magluto ng pancakes at bacon and eggs para sa almusal.

Pinagluto ko ito dahil gusto ko sanang kahit sa ganitong paraan malaman niyang seryoso talaga ako sa sinabi ko. Saka para na rin magkasundo na kaming dalawa. 

Ang hirap kasi nang may kagalit ka tapos kayong dalawa lang sa iisang bubong tapos parati mo pa siyang nakikita kahit nasa ibang lugar ka.

Isa pa, gusto ko rin talagang makita na itong okay ulit kaya siguro ultimo pati pagkukunwaring may sakit ako gagawin ko na para lang din makausap ang dati niyang nobya.

Malapit na akong matapos sa pagluluto nang makita kong palabas na rin si Ms. Rielle sa kwarto nito. Napatingin naman ito sa gawi ko at bahagya pa itong nagulat nang makita ako sa kusina.

"You're still here?" Tanong nito at agad inilibot ang buong paningin sa kusina. "What are you doing?"

"Uhm, cleaning?" Sagot ko rito nang pabiro. Pero nanatiling malamig ang tingin nito kaya binawi ko na rin kaagad ang biro ko.

"Joke po. Good morning po. Nagluluto po ako ng breakfast natin. Upo na po kayo." Masayang aya ko rito.

"No, thanks. I need to go first; I'll be eating outside." Malamig nitong turan sabay hawak nito sa handbag niya.

"P-Pero Ms. Rielle—" Pipigilan ko pa lang sana ito pero agad na akong natigilan nang matalim ako nitong binalingan ng tingin.

"Just don't forget to lock the door." Sabay balibag nito sa pinto.

Wow. That's rude. So rude.

Hininto ko na ang ginagawa ko tutal naman ako lang ding mag-isa ang kakain. Sinimulan kong ubusin ang pancakes na niluto ko at ibinaon ko na lang ang bacon and eggs. Kumuha na rin ako ng ilang tinapay para kung sakali man ay pwede itong ipalaman.

Maaga pa pero parang pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa ginawa ni Ms. Rielle. Ang sakit lang hindi niya man lang kasi nakita 'yong effort ko na paghandaan siya pati na rin 'yong sincerity na gusto kong magkaayos na kami.

Habang naglalakad ay napabuntong-hininga na lang ako at hindi sinasadyang mapalingon sa Brew's, 'yong cafe na madalas kong pinagtatambayan. Natanaw ko roon ang dalawang pamilyar na pigura ng mga babae.

Hindi naman ako nagdalawang-isip na pumasok at umupo malapit sa lugar nila. Hindi nila ako napansin dahil sa masinsinang pag-uusap nila at dahil pinilit ko talagang itago ang sarili ko para hindi nila ako makita.

"Please Clara, give us a chance." Sabi ni Ms. Rielle hawak-hawak ang kamay ni Nurse Clara habang ito naman ay hindi pa rin nililingon si Ms. Rielle.

"I c-can't. If you want me back, then prove to me Rielle na it's worth coming back to you. Paghirapan mo naman ako." Halata naman ang pagkagulat nito sa sinabi ni Nurse Clara.

"And... that girl Kaeth, what's the real score between you and her?"

"What?! None. I mean she is just my student, really. You just misinterpreted things." Depensa nito.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon