08 - Bittersweet

31.9K 1K 2.2K
                                    

08 - Bittersweet

Kaetherine's POV:

Maaga akong bumangon para ayusin ang mga gamit ko para sa contest mamaya. Hindi ko na kasi naasikaso ito kagabi dahil sa pagod at kakaisip sa sinabi ni Ms. Rielle na pagkatapos din ay iniwan na lang ako. Pagka-empake ko agad na rin akong pumasok sa banyo at naghanda.

Nagsuot lang ako ng oversize hoodie jacket at ipinares ito sa black ripped jeans ko. Naglagay lang din ako ng liptint sa labi at pulbos para kahit papaano ay mukha naman akong presentable. Hinayaan ko na lang din na nakalugay ang buhok ko na lagpas balikat ang haba. 

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na rin akong dumeretso sa kusina at naghanda ng almusal. Mayamaya ay pigil-hininga naman akong pumasok sa kwarto ni Ms. Rielle. 

Inilibot ko ang paningin sa buong silid para tignan kung nasa loob pa ito pero ni anino nito ay hindi ko nakita. Aalis na sana ako nang marinig ko naman ang pagragasa ng tubig mula sa banyo nito. Mukhang naliligo ito. 

Dali-dali ko namang inilagay sa side table nito ang black coffee na gusto nito kasama ang sticky note na tulad ng gawa ko no'ng nakaraan.

Akmang pipihitin ko na sana ang doorknob nang biglang narinig ko naman ang paglabas nito ng banyo. Sunod-sunod tuloy ang paglunok ko at tila nawalan ng kulay ang mukha ko.

Narinig ko ang papalayong lakad nito mula sa gawi ko na nakapagpalakas lalo ng tibok ng puso ko. Ibig sabihin lang no'n naglakad ito patungo sa side table niya kaya napapikit na lang ako nang mariin.

"I said stop doing this. Keep these things out of my room, NOW." Maawtoridad nitong sabi kaya ako naman ay natarantang kinuha ulit ang mga inilagay ko sa side table niya.

"S-Sorry po." Sabi ko rito't dali-daling umalis sa kwarto nito pero muli pa itong nagsalita kaya napapitlag ako sa gulat at nahulog ang dala ko.

"Ghad. What are you doing?" Inis na saad nito.

"S-Sorry po lilinisin ko na lang po mamaya." Turan ko rito at nagmadali ng lumabas nang may pag-iingat ng akmang lalapit na ito sa akin.

Hindi ko kasi sinasadyang matapon ang dala-dala kong kape na ngayon ay nagkalat na sa kwarto nito. 

Gustuhin ko mang agad na linisin ang kalat na nagawa ko sa kwarto nito, ang kaso tumapon sa akin ang kape. Mabilis na pagpasok sa loob ng kwarto ang ginawa ko para magpalit ng damit dahil alam kong galit na galit na naman ito sa nangyari na pagkakalat ko sa kwarto niya.

Laking pasasalamat ko na lang talaga na tolerable naman iyong init ng kape kaya hindi masyadong mahapdi. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na rin ako.

Nakita ko naman itong nakasandal sa tapat ng kwarto niya na halos katapat naman nang sa akin. Bahagya pa itong nakatingala pero nang mapansin ako nito'y napatingin na ito sa akin.

Hindi ko rin alam kung guni-guni ko lang ba na tumigil ang paningin nito banda sa katawan kong natapunan dahil bukod sa imposible ay nakita ko na lang na nakatingin na ito sa gawi ng kusina at may katagalang tinignan iyon.

Magsasalita na sana ito nang bigla namang may nag-ring na telepono. Alam kong hindi akin iyon kaya inasahan ko nang sa kanya ang tawag.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko alam kung namalikmata na naman ba ako o mukhang nainis talaga ito. Nakita ko naman sa phone nito na si Kelly ang tumatawag at agad naman nitong sinagot iyon.

Buong pagtataka ko pa itong dahil sa nakita kong inakto nito. Magkagalit ba sila ni Kelly kaya siya naiinis?

"Oh, yes yes... Okay... Alright...I'll be there."

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon