05 - Dispute

32.1K 1K 1.1K
                                    

05 - Dispute

Warning: Self-harm

***

Kaetherine's POV:

"Wala pang isang araw, Rielle! Ano?! May nahanap ka na agad?!"

"What?! No! She is just my student and I just insisted on her temporarily living with me because she got no house, and you know me!"

"And you expected me to believe that?!"

"Yes, I am because you know that I am like this. I am always concerned about my students!"

"And you also knew that I hate you being like that! You know what? Let's stop this argument. We're now strangers anyway. I just thought wrong that we can fix things up, but to my surprise, you ruined it all. Goodbye, Ms. Griyego." After that, I heard a slamming door. 

Doon tuluyan na akong nagising and if I am guessing things right, they are fighting. Kaya kahit nahihilo pa ako lakas-loob na akong lumabas at nakita na lang na nanghihinang napaupo si Ms. Rielle sa sahig. 

Sa sobrang guilty ko dahil sa nangyari at tingin ko alam na rin nito ang naabutan kanina ng kasintahan nito ay walang pagdadalawang-isip ko itong nilapitan. 

"S-Sorry, ma'am." Mahina kong hingi ng paumanhin dito pero hindi ako nito kinibo. Kaya napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Maybe I should start explaining now?

"Gusto ko lang naman pong—" 

"Just leave. And please, stay away from me." Madiin nitong saad dahilan para mahinto ako sa pagsasalita dahil kahit mahina ito ay mababakas ang pagkagalit nito ngayon sa akin.

Hindi ko naman ito masisi na umakto nang ganito dahil kasalanan ko naman talaga. Kung hindi ko sana ginawa 'yon edi sana ayos na sila ng girlfriend niya, 'di ba? At ano ba kasing pumasok sa kokote ko kanina? Maging tuloy ako mismo gusto kong pagalitan ang sarili kung bakit ko ba 'yon ginawa. Ang tanga-tanga lang e. 

Binalingan ko pa ulit ito tingin pero nakita ko lang itong tulala at mababakas ang lungkot at pagod sa mukha nito. Doon lalo tuloy akong binalot ng konsensya. 

"Sorry po ulit. Hindi ko po talaga sinasadya. Hahanap na rin naman po akong apartment agad para makaalis dito. Ako na lang din po ang magpapaliwanag sa kanya ng lahat. Sorry po ulit, ma'am." Buong sinseridad kong sabi but she just gives me a weak smile at muli na ulit nitong tinuon ang tingin sa labas. 

Katulad ng nangyari no'ng first morning ng pag-stay ko sa penthouse nito ay maaga rin akong umalis at nag-almusal na lang ulit sa coffee shop kahit na mamaya pang tanghali ang klase ko.

Wala rin namang problema dahil dala-dala ko ang laptop ko. Balak ko na kasing ituloy ang script na ginagawa ko kagabi pa. Madali na lang naman 'to at mabilis ko ng matatapos dahil nagka-cut na lang naman ako ng scenes na hindi naman importante at makakaapekto sa kwento kung mawawala. 

Saka ibino-bold ko na lang din naman ang pangalan ng characters na magsasalita sa mga linyang 'yon. Kailangan kasi hangga't maari dalawang oras lang ang performance. E humigit kumulang tatlong oras din ang kwentong napili namin. 

Eto lang ang pinagkakaabalahan ko hanggang dumating ang oras ng klase ko at agad na rin akong pumunta sa classroom at nagbasa-basa tungkol sa first subject ko dahil baka biglang sumpungin na naman si Ms. Racquel at magpa-quiz pa sa statistics. Mahilig pa naman 'yon ng surprise quiz.

Hindi naman sa mahina ako sa mathematics pero medyo slow kasi ako pagdating sa numbers at kahinaan ko talaga ang pag-cocompute. Kaya kailangang aralin ko talaga ito parati. Sa dami kasi ng procedures minsan doon ako nangungulelat pero kahit na gano'n nag-eexcel pa rin naman ako. Hindi naman kasi ako magiging top student ng batch namin kung hindi 'di ba? 

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon