14 - Hankering

35K 1K 1.1K
                                    

14 - Hankering

Kaetherine's POV:

Kasalukuyang nagkakagulo ang buong klase dahil ilang araw na lang gaganapin na ang play na iniatas sa amin. Habang ako naman ay tahimik na lang na pinapanood sila. Tapos na kasi kagabi pa ang script kaya heto at wala na akong magawa.

Nang ilibot ko ang paningin, mayroong may discussion sa sequencing ng buong play, mga nagkukumahog sa pagtapos ng mga props, may mga naghaharutan at pa-chill-chill lang at syempre ang huli, iyong mga kaklase kong nag-eensayo ng kani-kanilang mga linya.

"So, do you mind helping your other classmates rather than just staring at them, Ms. Ortega?" Natigilan naman ako sa ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na boses nito.

Kahit pa kasi hindi ko ito lingunin, lamig pa lang ng boses nito ay alam na alam ko ng suot na naman nito ang paborito niyang ekspresyon. Unti-unting nilingon ko naman ito't humingi ng paumanhin. 

"A-Ah, opo... sorry po ma'am." 

Sa pag-angat ko ng tingin dito ay sakto namang nagtama ang paningin namin. Doon nalunod na naman ako sa mala-kulay karagatan nitong mga mata at hindi maiwasang mamangha na naman sa taglay nitong kagandahan.

Suot-suot nito ang tipikal na salamin niyang may grado. Walang bahid na kahit na anong kolorete ang mukha nito pero agaw-pansin pa rin ang itsura nito. Natural na kasing mamula-mula ang pisngi't mga labi nito. Imbis din na makabawas sa kagandahan nito ang medyo magulo nitong buhok ay nakadagdag pa yata.

Agad naman akong nakabawi sa aming dalawa saka nag-iwas ng tingin at doon lihim na sinaway ang sarili sa matagal na pagtitig dito. Napatikhim pa ako bago tuluyang ibalin ang paningin sa hawak-hawak nitong bulto ng mga papel na natitiyak kong hard copy ng gawa namin ni Thalia na script.

"Uhm, kumusta po pala 'yong script? Ayos na po ba?" Basag ko sa katahimikang nangingibabaw sa amin. Pero sa totoo lang kanina ko pang umaga napapansin ang ilangan sa aming dalawa.

Nahalata ko ito noong makauwi kami galing seaside, which is kagabi lang at simula no'n ay para na kaming nag-iiwasan nito. Hindi ko rin alam. 

Idagdag pa ang pagkanta nito kanina para tulungan ang mga kaklase ko sa isang parte ng play namin na hindi nila makuha ang tono. Syempre hindi ko pinalagpas ang pagkakataong iyon at pinanood ito kahit nasa malayong pwesto ako.

Doon habang ako ay nahuhumaling sa boses nito na hindi ko inaasahang napakaganda ay hindi ko na naman alam kung pinaparusahan ko ba talaga ang sarili ko. Imbis kasi na pinipigilan ko na ang nararamdaman ko para rito ay lalo lang yata akong nahulog dito kanina.

Pero alam ko naman din sa sarili kong ang sarap talaga sa tenga ng boses nito na para akong inaaya sa ibang mundo kasama siya kaya hindi ko ito magawang hindi panoorin. Idagdag pa ang bawat pagngiti nito kanina habang kumakanta.

Tuloy titig na titig ako rito dahilan para mahuli na ako nitong nakatingin sa kanya kahit nasa malayong pwesto ako. Doon nanigas ako sa kinatatayuan ko at kitang-kita ko kung paanong ang ngiti nito ay unti-unting nabura. Sa takot na makita ang magiging reaksyon nito'y mabilis ko ng binawi ang paningin ko rito.

Magmula noon ay nanatili na akong nakadistansya rito at iniiwasang mapatingin sa kanya. Kaya eto ako ngayon at hindi malaman kung paano aakto sa harapan nito. Nanatili pa ito sa ganoong ayos kaya naman kakaba-kabang nagpakawala na ako ng tawa.

"A-Ay oo nga po pala, final na po pala 'yong s-script. Sorry po, lutang lang. S-Sige po, tutulong na po pala ako." Matawa-tawa kong pahayag dito at dapat ay tatalikuran na ito nang maramdaman ko naman ang pagpigil nito sa aking umalis nang hawakan nito ang kamay ko.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon