Chapter 7 - Table for Four

11.8K 515 311
                                    

Eros

"Anong meron?" tanong ni Chris, ang tingin sa akin ay parang may ginawa akong masama sa kanya. Yung tipong linagyan ko ng bunot ang bag nya para mauwi sa kanila.

     "Bakit?" tanong ko.

     Ang mga estudyante ay parito't paroon sa harapan naming dalawa. Nakatayo kami sa pasilyo sa tapat ng dati naming classroom sa College Algebra, ang klase sa naturang silid ay patapos na. Maaga kaming pinalabas dahil nag-quiz lang kami sa huli naming subject bago ang lunch.

     "Good mood ka," puna ni Chris. "Kanina ka pa nakangiti nang walang dahilan. Anong meron?"

     "Huh?" Agad kong binura ang ngiti sa labi ko. "Wala naman."

     "Hmm," tumango-tango si Chris, ang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon nya. "Nitong mga nakaraan laging salubong ang kilay mo. Ngayon ikaw na si Mr. Sunshine, masayang background music na lang ang kulang. Lugmok na lugmok ka pa kahapon nyan, ha."

     "Uhm," nagkibit-balikat ako, "maganda lang siguro ang tulog ko."

     "Bakit nga pala tayo nandito?" tanong ni Chris.

     "May kasabay tayo mag-lunch," sagot ko. Sakto naman na natapos na ang klase. Lumabas na ang prof at nagtayuan na ang mga estudyante para sumunod.

      "Ah!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Chris, maging ang ilang dumadaan. Tinuro pa nya ako kaya napunta rin sa akin ang tingin ng mga ito. "Kaya tayo nandito at kaya ka ngingisi-ngisi ngayon. . . may liniligawan ka ba sa mga first year, Eros?" Mga freshmen kasi ng Psychology ang mga ito. Nagsipaglabasan na sila para mag-lunch. "Pedo ka pala, ah."

      "Pedo ka dyan," pag-alam ko. "Ayan, hindi nakikinig sa Abnormal Psychology kaya hindi alam ang criteria para sa pedophilia." Nagkibit-balikat lang si Chris. "At wala. Wala akong liniligawan sa mga freshie, wala akong liniligawan sa kahit na anong year."

     Tumango-tango sya.

      "Eto na sya," anunsyo ko paglabas ni Zach. Agad lumiwanag ang mukha nya sa kanyang pagngiti. Iba rin ang dala sa kanya ng libreng lunch–yun ang kapalit ng practice namin kagabi dahil ayaw nya ng hotdog.

     "Sasabay sya sa atin mag lunch?" bulong ni Chris. "Bakit? Close kayo?"

     "Ililibre ko kasi sya," sagot ko. "Tinulungan nya ako sa problema ko kagabi."

     "Yun lang? Sana ako na lang—" natigil si Chris nung tuluyang makalapit si Zach. Tinanguan nya ito at umarteng walang pag-angal na naganap.

     "Oh, kasama pala si Chris," sabi ni Zach. "Saan tayo?"

     "Foodtaym," sambit ko.

* * *

     Nauwi ang panlilibre ko kay sa Zach sa pagsagot na rin sa lunch ni Chris. Maliit na bagay lang naman dahil mas makakatipid kung pangbarkada na meal ang paghahati-hatian naming tatlo.

      "Ano ba yung naitulong sayo ni Zach?" tanong sa akin ni Chris. Nasa kanan ko sya, si Zach sa harapan ko at ang upuan sa kaliwa ko ay bakante.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon