First Draft - Chapter 19

9.1K 190 82
                                    

Eros

Nagising ako sa amoy ng masarap na almusal. Tinatawag pa ako ng kama pero kailangan ko nang bumangon dahil may pasok, at natulungan ako ng nadatnan ko sa lamesa. Isang disenteng almusal.

"Good morning, Love," bati ni Zach mula sa kusina. May dala-dala syang dalawang tasa ng kape na linapag sa lamesa.

Namulat ko nang mabuti ang mata dahil sa tinawag nya sa akin. Wala pa akong kinakain pero puno na ang tyan ko. "Love ka dyan?" Hinila ko ang silya, ang upuang ginamit ni Zach kagabi, para makapwesto na sa harap ng lamesa.

"Bakit? Love naman ang ibig sabihin ng pangalan mo, ah," balik ni Zach. "Kain na. Balak ko sanang magluto kaya lang walang lutuan dito kaya nagpa-deliver na lang ako." Umupo sya sa katabing upuan, may malapad na ngiti sa labi. "Kumpleto na ang umaga. Good morning kiss na lang ang kulang."

"Zach," sambit ko sa pangalan nya, pilit kong isinantabi ang huli nyang sinabi. Minata ko ang pagkaing nakahain sa lamesa-tapsilog na talaga namang nakakatakam. "Hindi mo kailangang gawin to."

Agad nabura ang ngiti nya. "Oo, pero gusto ko." Inabot nya ang isang tasa ng kape sa akin. "Alam ko kung ano ang timpla mo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Ganun pa man, hindi ko matatanggihan ang kape.

"Parang ako," pagpapatuloy ni Zach. "Dark, bitter and too hot for you."

"Zach," sambit ko ulit sa pangalan nya.

Tuluyan nang nawala ang masayang vibes ni Zach. "Alam ko, Eros," iritableng sabat nya kaagad. Napunta ang tingin nya sariling kape. "Pero, please, hayaan mo ako," pakiusap ni Zach. "I'm trying to make everything right. Wag mo sana akong tanggalan kaagad ng tsansa na patunayan ang sarili ko. Hayaan mo muna akong iparamdam na mahal kita. Kung sa dulo wala pa rin, okay, titigil ako. Pero hindi ngayon."

Gustong-gusto ko na ring magmakaawa kay Zach na huwag na nyang ituloy ang mga plano nya. Alam kong mabuti ang intensyon ni Zach ngunit hindi iyon makakatulong sa akin ngayon. Maghahagis lang sya ng uling sa bagang hinihipan ko upang mamatay.

Dahil, kahit saang anggulo ko tignan, tama nga si Dan: nagseselos ako. At binugbog ako ng selos na yun nung makita ko silang magkasama kahapon, nakuha pa nilang ayain akong sumama sa kanila-mga walang pakiramdam. Sa pag-iisip habang naglalakad, baldado na ako pag-uwi. Nahiga na lang ako magdamag ngunit sumapit na ang gabi at lahat, hindi pa rin ako makatulog.

Paulit-ulit sa isip ko ang mga tanong kung nasaan na sila at anong ginagawa nila para abutin ng gabi. At sa pagdating ni Zach, naputol ang natitirang sipi ko ng kontrol.

Rumagasa ang emosyon sa sistema ko na parang ilog sa kalagitnaan ng bagyo. Hanggang sa nagyelo ito nung itanong ni Zach kung nagseselos ako. Isang malaking oo ang sagot pero pinilit ko iyong ibaon sa dilim.

Bakit ako nagseselos? Anong bang karapatan ko para magselos? Kanino ako nagseselos?

Kay Zach dahil akala ko pinopormahan nya ang babaeng sa tingin ko ay may gusto sa akin o kay Yna dahil. . . Mali. Hindi dapat.

At dahil sa kalituhang iyon, pinasabog ni Zach ang sikreto nya. All this time mahal pala nya ako. Wala pala syang gusto kay Yna. May malisya ang mga halik nya. Hindi pala iyon simpleng kanta sa liligawan nya kundi harana para sa akin. Isama pa ang lahat ng katarantaduhan na nagawa ni Zach dahil sa pesteng love na yan.

Hindi pa ako nakatanggap ng romantic love mula sa ibang tao at hindi pa ako nakaramdam nun para sa iba. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi ito yun. Kung pagmamahal nga ito, hindi dapat sumasakit nang ganito ang ulo ko.

Humigop na lang ako ng kape. Tumalon sa saya ang kaluluwa ko dahil sa sarap at init ng inumin. "Nakuha mo nga," sambit ko.

Napatunghay si Zach, bumalik ang liwanag sa mukha.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon