Chapter 18 - Both Yours

9.6K 439 292
                                    

Don't forget to follow me on IG: panicspen
 
 

 
Zach

"Zach!"

     Natigil ako sa paglalakad at liningon ang tumawag sa akin. Sa aking likuran, natanaw ko si Yna na madaling naglalakad palapit, iniiwasan ang iba pang estudyante sa hallway.

     "Bakit?" bungad ko nung makalapit sya. Sabay naming tinahak ang daan palabas ng building.

     Inayos muna ni Yna ang umalong buhok. "May gagawin ka ba ngayon?" tanong nya.

     May dalawa akong assignment pero sa isang araw pa naman ulit ang klase sa mga subject na yun. "Wala," sagot ko. "Bakit?" tanong ko ulit.

     "Kain tayo sa labas," aya nya.

     Pagtanggi kaagad ang naisip kong isagot. Gusto kong umuwi kaagad para makasama na si Eros. Kahapon ng gabi at sa mga subject namin kanina, nakita kong problemado sya. Malakas ang kutob ko na hindi iyon dahil sa akin kasi sigurado akong wala pa akong nagagawang mali.

     "Ay, kaya lang–Eros!" magdadahilan sana ako nung makita si Eros pagtahak nya sa pasilyo mula sa kaliwang parte ng building. Walang Chris na nakabuntot sa kanya ngayon.

     Lumingon si Eros sa pagtawag ko. Nung makita kaming dalawa ni Yna biglang nagsalubong ang kilay nya.

     "Pauwi ka na?" tanong ni Yna kay Eros.

     Tumango ito, palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Oo."

     "Tara," aya ko kay Eros, "kakain kami sa labas ni Yna. Sama ka."

     Nanatili ang mata ni Eros sa akin. Para syang aburido, yung tipong suot ko ang paborito nyang damit pero hindi nya magawang magalit dahil nasa pampublikong lugar kami.

     Dahil dun hindi ko napigilang tignan ang sarili. Uniporme ko naman ang suot ko. Kung may iba pa syang problema sa akin wala na akong ideya. Kahapon ko pa tinaktak ang utak sa paghahanap ng pwede kong nagawang mali.

     "Pass ako," malamig na pagtanggi ni Eros. "May dapat pa akong tapusin."

     "Ikaw naman, Eros," sabi ni Yna kasabay ng pagtapik sa balikat nya. "Unwind ka naman minsan. Sama ka na sa amin."

     "Sorry pero wala talaga ako sa mood," pagtatapos ni Eros sa usapan. "Enjoy kayo," paalam nya bago pinagpatuloy ang paglalakad.

     "Okay," anunsyo ni Yna. "Mukhang tayong dalawa lang."

* * *

     Napunta kami sa isang coffee shop di kalayuan sa La Trinidad. Kalahati sa mga upuan ay okupado ng mga nagkakape at kumakain at ilang nakatambay para sa Wi-Fi. Maganda ang shop, malamlam ang ilaw at maaamoy pagpasok pa lang ang sarap ng kape.

     Hinayaan ko nang si Yna ang umorder para sa aming dalawa dahil pinilit nyang sya ang magbabayad kasi sya ang nagyaya.

     "Dun tayo," turo ni Yna sa bakanteng lamesa sa may salaming pader ng shop.

     Dala-dala ko ang tray na naglalaman ng dalawang tasa ng kape, balot ang ibabaw ng puting bula, at dalawang slice ng blueberry cheesecake. Linapag ko isa-isa ang laman nito pagdating sa lamesa.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon