Special Chapter 1

13.9K 422 317
                                    

Eros

Medyo malawak naman ang espasyo sa paligid ngunit pakiramdam ko ay nakadikit sa akin ang pader. At lalo akong nahirapang huminga sa pagpasok ni Zach. Agad nagtagpo ang aming mga mata, hindi ito nagkalas maging nung isara ni Zach ang pinto ng banyo sa kanyang likuran at naglakad sa akin palapit.

     Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Kailan pa naging ganito kagwapo si Zach? Nakasuot lang naman sya ng puting sando at maiksing short, dahilan para malantad ang magandang hubog ng kanyang katawan–na palagi ko namang nakikita.

     O baka dahil sa kakaibang tingin ng mga mata ni Zach ngayon? May apoy sa likuran ng mga ito na lalong nagpatingkad sa tsokolate nitong kulay. At sa kanyang bawat paghakbang, nararamdaman ko ang init sa aking katawan.

     Ilang araw akong nakaiwas sa kay Zach sa pamamagitan ng mga walang kwentang dahilan. Alam kong alam nya ang totoo, hindi dahil ayaw ko kundi dahil hindi ako handa. Ngayon, makalipas ang ilang gabing research sa tingin ko handa na ako.

     Pero iba pa rin ngayong kaharap ko na si Zach. Natuon na lang ang atensyon ko sa labi nya na sumunog sa lahat ng inaral ko. Hanggang sa wala na sa sampung pulgada ang layo namin sa isa't isa. Damang-dama ko ang paghinga nya, at tinangay nito ang abong natitira sa akin.

     Wala na lahat. Ako na lang at si Zach at ang init na namamagitan sa aming dalawa.

     Lumalim bigla ang tingin ni Zach. "Pwede ba kitang halikan?"

     Bumalik sa likuran ng mga mata ko ang mga unang pagkakataong nagsalo kami sa halik. Kung paano nya kinontrol ang sitwasyon at ako na parang dahong sumabay sa daloy ng ilog.

     Hinila ko si Zach palapit sa akin, ang sando sa kanyang dibdib ay lukot sa kamay ko. "Basta galingan mo."

     Bakas ang sorpresa sa ngiti ni Zach, malamang hindi nya inaasahang sasabayan ko sya. "Sa tingin mo kailangan mo pa iyang sabihin?"

     Sinagot ko ang ngiti ni Zach kasabay ng pag-iling. Alam ko kung gaano katalentado ang mga labing iyon. Ngayong nasa isang relasyon na kami, pinapalasap nya sa akin iyon araw-araw.

     Sinarado na ni Zach ang distansya naming dalawa, ng aming mga labi. Mas humigpit ang kapit ko sa damit nya, kinailangan ko pang humawak sa kanyang tagiliran para lang makatugon sa halik. Ang kamay nya ay nasa braso ko at ang isa ay nasa kanang pisngi.

     Hindi katulad ng inaasahan, hindi mapusok ang halik ni Zach. Parang nasa amin ang lahat ng oras sa mundo. May ritmo, may diin at babaw, at may pagmamahal.

     Namalayan ko na lang ang pag-alis ng kamay nya noong mapunta ito sa laylayan ng damit ko. Hinila nya ito pataas dahilan para maputol ang aming halik, awtomatikong tumaas din ang kamay ko upang malaya nya itong mahubad sa akin. Tinapon lang nya sa sahig ang damit ko bago hinubad din ang suot nya.

     Napunta ang mata ko sa makinis na kutis ni Zach. Sa kanyang collarbone, hulmadong dibdib at tiyan, pababa sa manipis na buhok mula pusod hanggang. . . Bumalik ang mata ko sa mukha nya.

      Nakatingin lang din si Zach katawan ko. Hindi ako hulmado kagaya nya, pero sinalamin ng mata nya ang tingin ko sa kanya kanina. At naramdaman ko, sa oras at lugar na iyon, gusto nya ako.

     Tanginang research yan. Pareho kaming lalaki kaya alam ko kung saan at paano sya masasarapan.

     Ako na ang nagpatuloy sa naunsyami naming halik. Sinungkit ko ang hinlalaki sa garter ng suot nyang shorts. Napangiti si Zach sa pagitan ng halik namin ngunit hindi tumigil. Hinayaan nya akong ibaba ito sa kanyang hita, sya na ang nagpatuloy sa paghubad at pagsipa rito palayo sa amin.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon