Chapter 10 - The Act

11K 499 176
                                    

Eros

Sabay kaming pumasok ni Zach. Hindi kami masyadong nag-usap sa paglalakad namin, maging nung kumakain kami. Wala yung normal na vibe nya, marahil dahil sa nangyari kagabi. Kung dahil sa halik o sa pagdugo ng ilong o pareho, hindi ko alam.

     Siguro magiging ganto na kami araw-araw ngayong sa iisang unit na lang kami tumutuloy. Ang panget naman siguro na hindi pa kami maghintayan tuwing umaga; depende na lang kung kukupad-kupad sya, mauuna talaga akong umalis.

     Hanggang sa makarating kami sa una naming classroom. Umupo ako sa karaniwan kong upuan, sa unahang sulok malapit sa pinto, at tumabi sa akin si Zach.

    "Uhm," pagkuha ko sa atensyon ni Zach, "Ba't dyan ka?"

     Napasimangot si Zach na parang normal lang iyon at hindi ko dapat kwestyonin. "Roommates na tayo, Eros. Anong masama kung seatmates din?"

     Okay, mukhang maayos na nga ang lagay nya.

     "Dyan si Chris," sabi ko.

     Sakto namang pasok ni Chris sa silid. Agad napunta ang mata nya sa akin at kay Zach sa tabi ko.

     "Zach, ako dyan," sabi ni Chris.

     "Hmm? Kahit saan naman pwedeng umupo, diba? Wala namang seating arrangement," sagot ni Zach, nakatingala sa nakatayong si Chris.

     Inayos ni Chris ang pagkakasukbit ng isang strap ng bag sa kanyang balikat. Mukhang hindi maganda ang gising dahil bakas na asar sya agad. "Oo, pero dyan ako palaging umuupo."

     Hinila ni Zach ang bakanteng katabing upuan palapit sa kanya. "Pwede ka naman dito."

     "Tapos paaalisin ako ng palaging nakaupo dyan kasi dyan nga sya palaging umuupo," pagbibigay diin ni Chris. "Wala ngang seating arrangement dito, Zach, pero common sense naman na hindi ka dapat nang-aagaw ng upuan ng iba."

     "Guys," singit ko dahil nakakakuha na sila ng atensyon. "Upuan lang yan."

     "Ang totoo nyan," panimula ni Zach bago tumingin sa akin, "may problema kasi. Pakiramdam ko babalinguynguyin na naman ako. Kay Eros lang ako komportable at mukhang sya lang dito ang komportable rin na tulungan ako kapag dumugo ulit ang ilong ko kasi hindi na nya first time."

     "Hindi na first time?" naguguluhang tanong ni Chris bago binaling sa akin ang tingin.

     Bigla akong nataranta sa pagbigay nila sa akin ng spotlight. "Ah, oo," sagot ko. "Kagabi kasi nag-nosebleed sya," alanganin kong sagot. Wala akong balak na ikwento ang mga pangyayari bago dumugo ang ilong ni Zach.

     "Kagabi?" hindi makapaniwalang tanong ni Chris. "Magkasama kayo?"

     "Oo," pagkumpirma ni Zach. "Iisang apartment building lang kami. Pero kagabi sa iisang unit na rin kasi tinutulungan ko sya sa role nya sa Mahiwagang Batis at para makatipid kami pareho."

     Bumalik ang tingin sa akin ni Chris. Wala syang sinalita pero ang mga mata nya ay nagtatanong kung totoo ba ang mga iyon.

     "Ako na lang magpapaliwanag kay Kristel," ang kaklase naming nakaupo sa tabi ni Chris na maaagawan nya ng pwesto dahil sa pagsingit ni Zach, "pagdating nya," sabi ko para matapos na ang usapan. Baka maungkat pa ang nangyari kagabi.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon