Chapter 21 - Be Careful What You Wish For

8.7K 394 126
                                    

Eros

Bawat araw palala nang palala ang sitwasyon namin ni Zach.

     Halos hatinggabi na sya umuuwi. Hindi ko na sya naabutan paggising sa umaga. Sa klase na lang kami nagkikita, minsan lumiliban pa sya.

     Ang hirap. Lalo na kapag nakikita ko syang nakatingin sa akin. Punung-puno ang mata nya ng pagsisisi, pangungulila, pagmamahal at sakit. Hindi ko akalain na kaya ko iyong iparamdam sa isang tao. At hindi ko rin lubos akalain na maramdaman iyon sa isang tao.

     Naliwanagan ako sa tulong ni Dan pero lalo lang akong natakot. Mali ang pagmamahal namin ni Zach sa isa't isa at mukha akong lang ang handang gawin ang tama.

     Ilang araw na nung tuluyang tigilan ni Zach na kausapin ako. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na huminto na sya dahil sa bawat pagtanggi sa pakiusap nya ay parang pinipiga ang puso ko. Ayaw kong bumigay pero ayaw ko rin syang mawala.

     Bakit kasi hindi na lang kami bumalik sa dati? Masaya naman kami sa mga kalokohan namin. Sa pagpraktis sa Mahiwagang Batis araw-araw. Sa seryosong usapan bawat gabi. Sa sabay na almusal tuwing umaga. Bakit kailangan pang gawing komplikado ng nararamdaman namin ang lahat?

     Ngayon, tumutuloy nga kami sa iisang bahay pero parang hindi magkakilala. Ang hirap at ang sakit. Pero dapat kong kayanin para sa aming dalawa.

     Walang magandang patutunguhan ang pagmamahal namin sa isa't isa. Isa iyong apoy na hindi lang kami ang masusunog, pati ang mga tao sa paligid namin ay matutupok.

     Kaya para iwasan sya at magpalipas ng oras, bawat hapon ay tumatambay muna ako sa Botanical Garden, mag-isang hinaharap si Mario.

     Naglalakad ako papunta sa hardin nung may biglang sumabay sa akin.

     "Sa Haunted Garden ka na naman?" tanong ni Yna, ang mahaba nyang buhok ay umaalon sa paglalakad.

     Pinagmasdan ko si Yna. Sa sandaling magkakilala kami, masasabi kong maganda ang pagdala nya sa sarili. Wala syang insecurity sa katawan, kung meron man ang galing nyang magtago. At hindi lang ganda ang meron sya.

     Siguro kung may gusto sya sa akin, kahit hindi na sya si S. A., at umamin sya bago si Zach, baka iba ang sitwasyon  ngayon.

     "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Yna.

     Napailing kaagad ako. "Wala," sagot ko.

     "Grabe ka kasi kung makatingin," puna nya.

     "Sabi nga nila," tugon ko. Napangiti ako sa alaala ng makailang ulit na pagtitig kay Zach. Ano kaya ang nasa isip nya tuwing nahuhuli ako? Kaya ko ba nagawa yun dahil unknowingly may gusto na ako sa kanya? "Oo," sagot ko sa naunang tanong ni Yna. "Papunta ako sa garden."

     "Sama ako," sabi nya.

     Tumambad sa amin ang malawak na damuhan paglabas namin sa Engineering Building, ang Botanical Garden ay natatanaw na.

     "Nagtataka pa rin ako kung bakit dito ka tumatambay," sabi ni Yna. "Mas maganda naman yung garden sa may Music & Art."

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon