Chapter 15

68.7K 2.3K 216
                                    


***Chapter 15***

"MISS ROXANNE, ARE YOU OKAY?" Napatingin ako kay Seren nang marinig ko itong nagsalita.

"H-Ha? What is it again?" I asked.

My mind was really pre-occupied of what happened earlier in the cafe. Gusto kong isipin na ito si Xander but I need evidence to proved it. Maaaring aksidente lang ako nitong natawag sa ganoong pangalan.

After he called me Roxie, hindi na ito nagsalita nang dumating ang order naming dalawa.

Wala kaming imik kanina habang nagbibiyahe patungo sa kumpanya nito. And my luggage, pinahatid nito iyon sa driver nito.

Nagsalita ulit si Seren at ginawa ko ang lahat para pakinggan at tandaan lahat ng mga sinasabi nito. Pilit kong inaalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Ilang oras pa ako nitong tinuruan at itinuro ang mga iba pang ginagawa bilang sekretarya bago ito nagyayang mag break sa cafeteria ng kumpanya.

"Matagal ka na bang sekretarya ni Mr. Ford?" Tanong ko kay Seren habang kumakain kami ng sandwich. Baka sakali ay makahanap ako ng impormasyon mula dito.

Tumango ito.

"Siguro mga tatlong taon na. Actually, lately lang naman talaga siya nagpapakita ng personal dito. He was a busy man but he can handle the company very well. Tahimik lang pero mabait 'yon. Napakabait na boss. Manang-manang sa Daddy niya, the retired CEO. Usually, makikita mo lang talaga siya laging kaharap ang computer o kaya laptop niya. Hindi rin palangiti pero guwapo naman kaya ayos lang." Pagkukuwento nito at mahina pang natawa.

Pinakinggan ko lang ito.

"And I heard, hindi pa siya nagka-girlfriend kahit kailan. Crush nga siya halos ng mga kababaihan dito, including me. Oh, don't get me wrong. I'm getting married na but I can't help it. Sino ba naman ang hindi magkaka-crush sa isang guwapong nilalang na katulad niya? Ang ganda pa ng katawan and I'm sure daks siya." Patuloy nito at humagikhik.

Hindi ko mapigilang matawa sa tinuran nito. I like her personality. Kanina ko pa ito napapansing madaldal at naaalala ko si Freih sa katauhan nito.

"What is daks, anyway?" Inosenteng tanong ko.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Oh my god! You don't know that?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Napapangiwing umiling ako.

"My god, girl! Where are you came from?" Kunwari ay maarteng usal nito at natawa. "Daks is ahm, malaki. You know? 'Yong ano niya? Malaki? Alam mo 'yon?" Anito at humalakhak.

Napaawang naman ang labi ko.

"You mean, malaki ang junior niya?" Natatawang tanong ko.

Mas lalo siyang humalakhak. Natigil lang ito nang bahagya ko itong sawayin dahil pinagtitinginan kami ng ibang empleyado sa cafeteria.

"Okay. I'll stop na." Anito at inayos ang sarili.

"So, magiging personal assistant ka ni Mr. CEO?" Kapagkuwan ay tanong nito.

"Yeah, ganoon na nga. Kailangan ba talaga niya ng personal assistant aside from having a secretary?" I asked.

Seren just shrugged her shoulders.

"Secretary lang niya ako at never niya akong naging personal assistant. Pero ang alam ko ay may personal assistant talaga siya. Baka nag resign din kaya nangangailangan. Being a personal assistant is not only to assist him on his daily business but to assist him on his personal tasks." She explained.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon