Chapter 38

76.1K 2.2K 335
                                    

***Chapter 38***

This chapter is dedicated to you SweetAnihl28 😍💛😘❣️❤️🤗😘😘 Thank you for being one of my loyal readers.😘 Lablab po.🤗😘😍

"NATHAN, AYOKO!" Gigil na tanggi ko sa sa binata habang kausap ko ito sa cellphone.

He wants me to attend the seminar. May gaganaping seminar sa Baguio bukas kasama ang iba't-ibang business assiociates at ako ang pinipilit nitong maging representative ng kumpanya nito on behalf of him.

Ang dahilan nito? Tinatamad ito.

"I am still your boss, Roxanne." Sambit nito sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga ako.

"Okay." Walang magawang pagpayag ko.

Narinig ko itong tumawa sa kabilang linya.

"Don't worry, isang araw lang naman. Uuwi din kayo kaagad pagsapit ng gabi. Do you want me to provide you a driver?"

"Huwag na. I can drive." Sambit ko at napapalatak nang makita ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas.

Nagpaalam ako kay Nathan at pinatay ang tawag. Inayos ko ang grocery bags na dala ko. Nagsisisi tuloy ako dahil lumabas ako ngayong araw na 'to. Sana pala ay inutos ko na lang sa katulong namin ang pamimili ng groceries.

Tinungo ko ang kotse ko sa parking lot at ipinuwesto sa backseat ang mga pinamili ko.

Napagpasyahan kong sugurin ang malakas na ulan. Titila din naman siguro agad.

Padilim na nang nagmamaneho ako sa daan. At sobrang traffic pa. Ilang minuto akong nagtiis sa traffic hanggang sa makarating ako sa maaliwalas at madilim na daan.

Panay ang tingin ko sa rearview mirror dahil kanina ko pa napapansing may sumusunod sa akin. And that car was familiar.

I just shrugged my shoulders and continued driving.

Malakas pa din ang ulan kaya dahan-dahan lang ako sa pagmamaneho. Muli akong napatingin sa kotseng nakasunod sa akin. Tila binabantayan ako nito dahil dahan-dahan din ito sa pagmamaneho, walang balak mag overtake kahit napakaaliwalas ang daan.

Napamura ako nang biglang tumigil ang kotse ko. Sinubukan kong paandarin ulit iyon pero mukhang tumirik na talaga.

Lumabas ako ng kotse ko kahit malakas ang buhos ng ulan. Inis na sinipa ko ang gulong ng kotse nang makitang flat iyon. Tumirik na nga, na-flat pa.

Napasabunot ako sa buhok ko nang maramdamang basang-basa na ako ng ulan.

Napalingon ako sa kotseng tumigil malapit sa akin at napabuntong-hininga. Hindi na ako nagulat nang makitang si Xander ang bumaba mula doon. Kanina pa lang ay iniisip ko ng ito ang sumusunod sa akin mula sa grocery store.

Hindi ko ito pinansin at binuksan ang pinto ng kotse ko. Kinuha ko ang cellphone sa loob at napasimangot ako nang makitang drained na iyon.

Bakit ang malas ko yata ngayon?

Lumingon ako sa paligid ko. Umaasang may taxi na dadaan. Hindi pinansin ang lalaking ngayon ay pinapayungan ako.

"Roxanne." Tawag nito sa akin.

Napabuntong-hininga ako at hinarap ito. Nagkasalubong ang mga mata namin.

"Bakit ba kung sino pa ang mga taong ayaw nating makita, siya pa ang lumilitaw?" Seryosong sambit ko.

"Ihahatid na kita." Usal nito, hindi pinansin ang sinabi ko.

"No thanks. Kaya ko ang sarili ko." Tanggi ko.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon