Chapter 29

61.6K 1.8K 231
                                    

***Chapter 29***

"OKAY KA LANG BA?" May pag-aalala sa boses ni Xander habang nakatingin ito sa akin.

Napatango ako kahit sobrang masama ang pakiramdam ko. Mabigat na mabigat pero hindi ko iyon ipinahalata. Nginitian ko pa ito. Ayokong mag-alala ito sa akin.

"Okay lang ako. Napagod lang siguro. Kailangan ko lang ng pahinga." Usal ko.

Tutal ay sabado naman ngayon at walang pasok kaya magpapahinga ako ng mabuti.

Akmang magsasalita pa ito nang tumunog ang cellphone nito. Tinignan nito ang cellphone at kapagkuwan ay napatingin sa akin.

Pilit akong ngumiti.

"She needs you again. Puntahan mo na siya. Okay lang ako, huwag kang mag-alala." Pagtataboy ko sa binata.

This is our daily routine for two weeks now. Naging okay sa akin ang lahat, binabalewala ko kahit halos araw-araw ay binubulabog ni Rian si Xander. Laging tinatawagan at palaging dinadahilan ang depression nito.

I almost perfect the art of pretending. I pretended that it was just okay for me. But deep inside me, hindi ko gusto ang mga nangyayari. Pero dahil mahal ko si Xander at may tiwala ako sa binata ay pilit kong iniintindi ang lahat.

Rian is Xander's childhood friend at ayokong pagbawalan ang kasintahan. Ayokong isipin nito na sinasakal ko ito sa relasyon naming dalawa.

"Sigurado ka bang okay ka lang? You look pale. Dadalhin muna kita sa hospital bago ko puntahan si Rian." Hindi nawawala ang pag-aalala sa mukha at boses nito.

Matamis ko itong nginitian.

"Okay lang ako, ano ka ba? Kailangan ko lang ng pahinga. Sige na, alis na. Dito lang ako sa bahay at kung aalis man ako, I promised malalaman mo agad." Usal ko at dumukwang para halikan ang binata.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay nginitian ako nito.

"Uuwi din ako kaagad. Will you cook for me? Gusto ko 'yong adobo mo." Paglalambing nito at hinapit ako sa bewang.

Natatawang napailing ako. Paborito nito ang adobo. Noong minsang pinagluto ko ito ay sarap na sarap ito. Well, natuto na talaga akong magluto. Kay Freih ako nagpatulong hanggang sa alam ko na kung paano ang magluto.

"Opo. Ipagluluto kita. Be here before dinner, okay? Send my regards to Rian." I smiled at him.

Hinalikan ako nito sa huling pagkakataon at nagpaalam. Napabuntong-hininga ako nang makaalis ito at wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.

Why does it feel that Rian was stealing my man away from me? Kapag dumating ba ang pagkakataon na kailangang mamili ni Xander sa pagitan naming dalawa ay sino ang pipiliin nito?

I know how Xander treasured Rian. Nakikita ko ang kasiyahan sa mukha nito kapag kinukuwento nito si Rian sa akin. Will he choose Rian over me?

Mabilis akong nagpailing-iling sa naisip. Hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na iyon. At walang kailangang pagpilian si Xander sa pagitan naming dalawa ni Rian. Alam kong mahal kami ni Xander sa magkaibang paraan. Mahal nito si Rian bilang kaibigan at parang kapatid na rin. At mahal ako nito bilang girlfriend nito.

Naglakad ako patungo sa kusina pero bigla ding napatigil nang makaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa pader malapit sa akin. Ilang araw na akong nagkakaganito.

Kumukurap-kurap ako para maalis ang pagkahilo at kaagad kong natutop ang bibig ko nang maramdaman na parang nasusuka ako. Parang hinahalukay ng todo ang tiyan ko.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon