Chapter 30

66.2K 1.8K 333
                                    

***Chapter 30***

Hi to Mou270687 💛💛😍😍😘😘 This chapter is dedicated to you. 😘

PS: 'Yong babaeng papatayin ko sa story ko, gagawin ko talaga soon. Hahahaha.🤭🤭 Abangan niyo na lang. 😂😂 Maybe sa next story ko. Wahahaha.

HINDI AKO MAKAGALAW SA KINATATAYUAN KO. I was so shocked and I trembled more.

Rian woke up and her eyes widen when she saw me. Kaagad nitong tinignan ang sarili at binalot ang katawan ng kumot.

"Roxanne." She murmured.

Nag-umpisa itong umiyak dahilan para magising ang katabi nito.

Pupungas-pungas na nagising si Xander at napaungol ito at napahawak sa ulo. Bumangon ito at nagtatakang tinignan si Rian.

"What happened?" He asked.

Impit na umiyak si Rian.

"W-We had sex, Xander." She cried more.

Naikuyom ko ang mga kamao sa narinig. Para akong sinaksak sa puso sa narinig ko. At ang iyak nito, masakit iyon sa mata. She looks fake.

Napalingon si Xander sa kinaroroonan ko at nanlaki ang mga mata nito. Kitang-kita ko ang pamumutla nito.

"R-Roxanne." Dali-dali itong bumaba mula sa kama, walang pakialam kahit wala itong saplot.

Hindi ko ito hinintay na tuluyang makalapit sa akin. Lumabas ako mula sa kuwartong iyon at pinipigil ang iyak na pinulot ang mga saplot ni Xander sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay ko. Nanginginig ang buong laman ko.

Naglakad ako pabalik sa kuwarto at mahinahong inabot kay Xander ang mga damit nito.

"Get dressed." Sinabi ko iyon sa pinakamahinahong tono.

"R-Roxanne. L-Let me explain, please." Nagtangka itong hawakan ako pero kaagad akong umiwas.

Tumingin ako kay Rian na patuloy pa ring humihikbi. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawa at mapait na ngumiti.

"Ilang araw niyo ng ginagawa 'to? You were fucking each other without me knowing?" May pait sa boses na tanong ko, nang-iinsulto.

"Roxanne, please pakingga-"

Napatigil sa pagsasalita si Xander nang masama ko itong tinignan.

"Papakinggan ko kayo habang nakahubad? Anong gusto niyo? Mag threesome tayo dito habang pinapakinggan ang mga paliwanag niyo?" Mataas ang boses na sambit ko.

Hindi ito nakapagsalita. Halo-halo ang emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito. May pait, sakit at pagsisisi. At hindi ko gusto ang nakikita sa mukha nito. Hindi ako handa sa magiging paliwanag nito. Hindi ko iyon kayang pakinggan at lalong hindi ko matatanggap.

Tumalikod ako.

"Magbihis kayong dalawa at hihintayin ko kayo sa labas. Harapin niyo ako ng disente ang mga hitsura niyo." Usal ko at lumabas ng kuwarto.

Nang makarating sa salas ay nanghihina akong napaupo sa malapad na sofa.

Malakas kong sinuntok ng paulit-ulit ang dibdib ko para maibsan ang sakit niyon. Pero alam kong walang epekto iyon. Mas lalo lamang iyong nasasaktan na tila sinasaksak ako ng kutsilyo ng paulit-ulit.

Kailangan ko si Xander. Kailangan ko siya pero bakit ganito ang naabutan ko? Bakit ganito ang bumungad sa akin?

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko dahil iyon lang ang alam kong paraan para hindi ako mapaiyak. Not in front of them. Not in front of Rian. Hindi ko ito bibigyan ng dahilan para mas maging masaya.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon