Chapter 35

75.1K 2.1K 240
                                    


***Chapter 35***

"I WANT YOU TO COME WITH ME, please." It was Nathan, my boss.

Ilang araw na kaming nandito sa Pilipinas at ngayon ay sumunod si Nathan para humingi ng pabor.

"Nathan, please. Bakit ba ang kulit mo?" Naiinis na usal ko.

"Please, Roxanne? Just one night?" Muling pakiusap nito.

Umikot ang mga mata ko.

"My God, Nathan! She was just your ex! Apektado ka pa rin ba hanggang ngayon?" Nang-iinis na tanong ko.

Sumeryoso ang mukha nito.

"Inimbitahan niya ako sa mismong araw ng engagement party niya. Kaya ako pupunta para hindi niya isiping apektado ako." Anito at napabuntong-hininga.

"Just help me just for once, please? You just have to pretend that you're my girlfriend for a night? Please?" His eyes was begging.

Napailing ako.

Kahit ayaw nitong aminin ay alam kong apektadong-apektado ito sa nalalapit na engagement party ng pinakamamahal nitong ex. Kaya naririto ito ngayon, galing Australia para kulitin akong magpanggap na girlfriend nito.

Napabuntong hininga ako. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa lalaking ito.

"Okay. Just for tonight, okay?" Lumapad ang ngiti nito at malutong akong hinalikan sa pisngi.

Natatawang tinampal ko ito.

"Nasasanay ka ng hinahalikan ako sa pisngi." Natatawang saway ko.

"Eh di palitan natin. Sa labi na lang?" Pilyong tanong nito.

Pinanlakihan ko ito ng mga mata.

"Gusto mong madurog 'yang labi mo?" Taas-kilay na tanong ko.

"Kung madudurog sa halik mo, why not?" Natatawang tugon nito.

I just sighed.

"Lumayas ka na at aasikasuhin ko pa ang ibang gamit namin ng anak ko. Don't worry, maaga akong mag-aayos para sa engagement party ng ex mo." Usal ko at diniinan ang salitang ex.

Sinimangutan ako nito.

"You still think that I am still in love with my ex, don't you?" He asked.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Bakit hindi ba?"

Tumahimik ito at hindi makasagot sa tanong ko. Napabuntong-hininga ito.

"You're still in love with your ex, too." He said.

This time, ako naman ang hindi makaimik. At mapait akong ngumiti.

"Hindi niya deserved ang pagmamahal ko." Kibit-balikat na usal ko.

Nagpatango-tango ito.

"Hindi nila deserved ang pagmamahal natin." Anito at kinabig ako sa bewang. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Mahalin na lang kaya natin ang isa't-isa? Baka tayo ang nakatadhana, palagay mo?" Mahinang tanong nito.

Malapad ko itong nginitian.

"Sige." Pagpayag ko na ikinagulat nito. Nanlaki pa ang mga mata.

"S-Seryoso ka?" Gulat na tanong nito.

Mahina ko itong itinulak at natawa.

"Ang suwerte mo naman kapag nagkataon." Natatawang sambit ko.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon