Chapter 31

69.8K 2K 500
                                    

***Chapter 31***

This is a short update only but it will surely break your heart.🤭 See you on the next update.

TULALANG NAGLAKAD AKO papalabas ng hospital.

Pabalik-balik sa utak ko ang sinabi ng doktor.

"Congratulations, Misis. You're 7 weeks pregnant." Masayang sabi ng doktora sa akin pagkatapos kong magpacheck-up.

I was dizzy and I am having a morning sickness everyday. Nagkahinala ako lalo pa at mahigit isang buwan na akong hindi dinadatnan kaya naisipan kong magpacheck-up sa OB.

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko. I'm pregnant. Inaasahan ko na iyon pero hindi pa rin ako makapaniwala.

I am pregnant with Xander's child. Our child. Our baby. Hindi ko mapigilan at napangiti ako.

"I'm pregnant." Naluluha ngunit nangingiting usal ko at hinaplos ang tiyan ko.

Tinungo ko ang kotse ko at nagmaneho pabalik sa Ford's Technology. Hindi alam ni Xander kung saan ako pumunta. Sinadya kong hindi magpaalam.

We act like a normal couple in front of everyone. Pero kapag kaming dalawa lang ay hindi ko ito kinakausap. Hindi ko ito kinikibo kahit ilang beses na ako nitong sinusuyo.

Ilang beses itong nagtangkang lapitan ako, kahit sa pagtulog ay tinatabihan ako nito. But I was cold. I can't stand talking to him after he confessed what he did with Rian.

But I didn't break up with him, tho. I just can't. Mahal na mahal ko ito at hindi ko ito kayang bitawan sa kabila ng ginawa nito. Hindi ako bibitaw hangga't kaya ko.

Maybe I just need time to accept everything. Alam ko na balang araw ay tatanggapin ko ang nangyari hindi dahil nakalimutan ko na kundi dahil mahal ko ito.

Nag-uusap lang kaming dalawa kapag nasa trabaho dahil kinakailangan. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero nagmamatigas ako. Kailangan ko lang ng panahon. Panahon para matanggap ang lahat. At sana ay maintindihan nito iyon.

Habang papasok ng building ng Ford's Technology ay iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Xander ang tungkol sa kalagayan ko. Pero may karapatan itong malamanan na buntis ako. Ito ang ama at karapatan nito iyong malaman.

Sumakay ako ng elevator at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng relasyon namin ni Xander pero naniniwala akong maaayos namin ito.

Alam kong sinusubok lang kami at hindi ang isang Rian lang ang makakasira sa amin.

Natigil ako sa pagpihit ng pinto ng opisina ni Xander nang makarinig ng iyak mula sa loob. May kausap si Xander sa loob at naikuyom ko ang mga kamao nang makilala ang boses na iyon.

Si Rian.

Dalawang linggo na nitong ginugulo si Xander na hindi naman pinapansin ng binata. Iniiwasan nito si Rian hangga't maaari.

"Xander, please. Kausapin mo ako." Narinig ko ang pagmamakaawa nito.

Napabuntong hininga ako at itinulak ang pinto. Parehong napalingon ang dalawa sa akin at kaagad na kinalas ni Xander ang mga kamay ni Rian na nakahawak sa braso nito.

"Umalis ang pusa, dumating ang daga." Naiiling na sambit ko.

"Rian, umalis ka na. Tatawagan ko ang Mommy mo para sunduin ka. Please. Nag-usap na tayo, hindi ba?" Pagtataboy ng binata sa babae.

Umiling si Rian.

"No. You have to listen to me, Xander. Kahit ngayon lang pakinggan mo ako." Pagmamatigas nito.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon