Chapter 21

75.7K 2.1K 254
                                    

***Chapter 21***

NATATARANTANG BUMANGON ako mula sa kama nang makita mula sa bintana ng kuwarto ko na mataas na ang sikat ng araw.

"Oh my god!" Dali-dali akong tumakbo patungo sa kuwarto ni Xander.

Bilang secretary/personal assistant nito ay isa sa mga trabaho ko ang gisingin ito at ipaghanda ng masusuot. I've been doing this for one month now. At nakakatawang isipin na girlfriend na ako nito/nililigawan ay ako ang mga umaasikaso sa mga personal na bagay para sa binata.

But work is work. Kapag nasa trabaho ay civil kaming pareho sa isa't-isa at kapag nasa labas ng trabaho ay napaka-clingy nitong boyfriend/manliligaw.

No, scratch that. Paminsan-minsan ay clingy ito kahit nasa trabaho at minsan ay wala itong pakialam kahit may mga empleyadong nakapalibot sa paligid naming dalawa. Basta't nagagawa lang nito ang mga gustong gawin nito kapag ako ang kaharap nito.

"Xand-" Natigil ako sa pagsasalita nang pagbukas ko ng kuwarto nito ay wala ito doon.

Pumasok ako at tinignan ang bathroom at nagbabakasakaling naliligo lang ito. But he wasn't there.

Napakunot ang noo ko at bumalik sa kuwarto para kunin ang cellphone ko. Kaagad ko itong tinawagan.

"Goodmorning, puso ko." Kaagad na bungad nito.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti at kapagkuwan ay napailing. Pinaninindigan nitong tawagin ako sa ganoong endearment.

"Goodmorning." I murmured. "Nasa work ka na ba? I'm sorry na-late ako ng gising, hindi tuloy kita naasikaso." Kagat-labing usal ko.

Narinig ko itong mahinang tumawa mula sa kabilang linya.

"Puso ko, it's saturday today and we have no work." Anito.

Napakamot ako sa batok nang mapagtantong sabado nga pala ngayon.

"Nakalimutan ko." Natatawang usal ko.

He just chuckled.

"Pero bakit wala ka dito sa bahay mo? Nasaan ka?" Kapagkuwan ay tanong ko.

"Nandito ako sa bahay niyo. I'm with your mom." He said and my eyes widen.

"What?! Anong ginagawa mo diyan?" Gulat na tanong ko.

"Isn't it obvious? I'm courting your mom. I need her approval and blessings." He happily said.

Napakamot ako sa noo ko.

"Kiel, you should have wake me up. Sana nasamahan kita diyan." Usal ko.

Knowing my mom, papahirapan nito si Xander. Kaya nga hindi ko ito ipinapakilala sa mommy ko kahit gustuhin ko man.

"It's okay. You slept soundly earlier when I entered your room so I have no heart to wake you up. Your mom was so kind and adorable. She's beautiful and I know now where your beauty came from." He chuckled.

I rolled my eyes. Binobola na naman ako nito.

"Nasaan ka? Kasama mo si mommy?" Tanong ko.

"Actually, nandito ako sa bahay niyo para magpaalam. We'll go somewhere. Two days tayo doon. I'll introduce you to my friends. Maligo ka na at magbihis. Hihintayin ka ni Alex at siya na ang maghahatid sa'yo." Napakunot ang noo ko.

"Saan naman tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta mag-ayos ka na. I'll wait for you. Don't worry about your clothes, I've already packed your things this early in the morning. And please, wear comfortable clothes. Don't wear short shorts, understood? I'll kiss you until you're out of breath as a punishment." Anito.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon