Chapter 33

71.5K 2.1K 547
                                    

***Chapter 33***

Short update only. Papasilip ko lang sa inyo kamiserablehan ng bebe Xander natin. 🤭😂

GALIT NA GALIT na napasabunot ako sa sariling buhok habang nakatingin sa screen ng computer na nasa harapan ko.

Sa sobrang frustrasyon ay tumayo ako at malakas na ibinagsak ang computer sa sementong sahig. Paulit-ulit ko iyong inihampas sa sahig. Nagkapira-piraso iyon.

Hindi pa ako nakuntento at kinuha ko ang laptop ko at malakas na inihagis iyon sa pader. Nagkahiwa-hiwalay ang mga parte niyon.

Naghanap pa ako ng puwede kong ihagis. Lahat pati mesa ay binaliktad ko at mga alak na may laman ay inihagis ko sa pader. Nagwawala ako at alam ko na konting-konti na lang ay mababaliw na ako.

Muli akong napasabunot sa buhok ko. Ano pa ang puwede kong gawin? Ano pa? Hindi ko mahanap si Roxanne. Halos maglilimang taon na pero hindi ko pa rin ito makita.

I did searched for her. I've been tracing and hacking everything but it's all useless! I still can't find her!

Magaling itong magtago.

The last time I heard her voice was when she called her mom. Simpleng "I love you, Mommy. Don't worry, I'm fine here" lang ang narinig kong sinabi nito at kaagad na itong nawala. I did everything to hacked her but she's too fast to hide her location.

Ilang beses na din akong nagmakaawa at nakiusap sa mommy nito pero wala akong napapala. Her mom was angry at me for hurting her daughter.

Mababaliw na ako. Sobrang mababaliw na ako. Pinagsisisihan ko ang lahat. Pero tama nga pala ang sinasabi nila na nasa huli ang pagsisisi.

After I brought Rian to the hospital that day, I did investigate. Dahil naramdaman kong may mali, may hindi tama sa sitwasyon. I watched the CCTV on Rian's condo and I saw how she put a drug in my drinks.

Pinaimbestigahan ko ang drogang nilagay nito sa inumin ko and I found out that it was a hallucinating drug. And I was just hallucinating that day. Nothing happened between me and Rian. And the child that she was carrying wasn't mine.

Kung ginawa ko lang sana iyon ng mas maaga. Kung nalaman ko lang sana iyon ng mas maaga, hindi sana mawawala ang babaeng mahal ko. Ang pinakamamahal kong si Roxanne.

Naging tanga ako, naging gago dahil nagtiwala ako kay Rian. Nagtiwala ako sa kababata ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa nito iyon sa akin. Napag-alaman kong may problema ito sa pag-iisip at matagal na itong may gusto sa akin kaya nagawa nito ang mga bagay na iyon.

Yes, I found out everything but it was too late. The woman I loved left me because I fucked up!

Wala sa sariling naglakad ako patungo sa kama at kinuha sa ilalim ng unan ko ang baril.

I was about to shoot my head when someone took the gun from me and punched me hard on my face.

Bumulagta ako sa sahig sa sobrang lakas ng suntok na iyon. Nang tumingin ako sa taong iyon ay sumalubong sa akin ang berdeng mga mata nito. Nag-aapoy iyon sa galit.

"J-James." I murmured.

Hinawakan ako nito sa kuwelyo at malakas na hinila patayo. Malakas ako nitong isinandal sa matigas na pader.

"You want to kill yourself? Bakit? Wala na ba kaming halaga para sa'yo? Kaming mga kaibigan mo?!" Galit na sigaw nito.

Nanghihinang tumango ako.

"I want to die because my life is a messed, Phyton! My life is useless withour her! She's my life and everything but I couldn't find her! I am so fucking useless!" I shouted.

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kuwelyo ko.

"Ayusin mo ang sarili mo at huwag kang magmukmok! You've been doing this for almost five years now! Ilang beses mo ng pinagtangkaan ang buhay mo! Ganyan na ba talaga kahina ang loob mo? Kung gusto mong mabawi at makita ulit ang mahal mo, ayusin mo ang sarili mo! Hindi ka dapat sumusuko, putang ina ka!" Sigaw nito at muli akong sinuntok sa mukha.

Napabulagta ako ulit sa sahig. Fuck! Kahit kailan talaga ay napakalakas ng suntok ni Phyton!

Hinihingal na napaluhod ako sa sahig at tinignan ang iba ko pang mga kaibigan na nakatunghay sa akin mula sa pinto. Awa ang nakikita ko sa mga mata nito.

I looked at Edsel at nakikita ko sa mga mata nito ang pang-uunawa. Ganito din ba ang pakiramdam ni Edsel noon kay Christine?

"E-Edsel." Diretso akong tumingin sa mga mata nito. At sunod kong tinignan si James.

Napayakap ako sa mga binti ni Phyton habang nakaluhod. Yumugyog ang mga balikat ko at ipinakita sa mga kaibigan ko ang kahinaan ko.

I cried hard and they saw it.

"P-Pakiusap, tulungan niyo ako. Tulungan niyo ako. Hindi ko na kaya! Mababaliw na ako! Hindi ko na kaya!" Humagulhol ako ng iyak, walang pakialam kahit nakikita nila iyon.

Mas humigpit ang pagyakap ko sa mga binti ni James. Sinuntok ko ng paulit-ulit ang dibdib ko.

"I know I deserved this but fuck! It's too painful to handle!" Iyak ako ng iyak at hinayaan lang ako ng mga kasama kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

I heard James sighed.

"You have to be strong in order for you to find her, Xander. Nandito lang kaming mga kaibigan mo para sa'yo. Huwag mo sanang kakalimutan ang bagay na iyan. At nasasaktan kami na nakikita kang nasasaktan. Please, stop it. Alam kong masakit pero tibayan mo ang loob mo. Hindi sinusukuan ang pag-ibig, Xander. Hindi solusyon ang pagkakamatay sa problema mo. Wake up and stand up." James said and he pulled me up.

Parang anak ako nito na pinunasan ang mga luha sa mukha ko.

"Nandito lang kami para sa'yo. Magpakatatag ka, Xander. Alam kong balang araw ay makikita mo din siya. At paano ka hihingi ng tawad sa kanya kung papatayin mo ang sarili mo? Lahat tayo we deserved a second chance. We just hurt them and they need space that's why they chose to stay away from us kasi nga nasaktan natin sila. It's our choice if we want to fix everything that we'd broke. Ayusin mo ang sarili mo at humingi ka ng tawad sa muling pagkikita niyo. Ayusin mo ang nasira mo." Mahabang litanya nito at niyakap ako.

Muli akong umiyak. Para akong bata na nakatanggap ng advice mula sa ama ko. At mas lalo akong naiyak ng sabay na lumapit ang pinsan at mga kaibigan ko para yakapin ako. Sabay-sabay nila akong niyakap.

They saw the vulnerable me but I promised that it will be the last. I promised to be strong after this.

Tama ang sinabi ni James. Hindi sinusukuan ang pag-ibig. At hindi ako susuko, gaano man kahirap hindi ako susuko para sa babaeng mahal ko.

Babawiin ko ito. Hindi lang ako ang nahirapan at nasaktan. Alam kong mas nasaktan ko ang babaeng mahal ko. Ito ang mas higit na nasaktan sa aming dalawa.

And when I see her, hope I can make it right this time. Sana ay mapatawad pa ako nito.

Alam kong huli na ang lahat pero hindi ko ito susukuan.

To be continued...

A/N: Nagising akong 3am and then I wrote this. Mahigit isang oras ko lang siyang sinulat.😂😂

Sana all the time,di' ba? Para oras-oras may update. Pft. 😂😂

Lablab. ❣️ Anyways, papasok na ako sa work. Hahaha. 'Till my next update. 🤗😍😘

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon