Chapter 42

81.5K 2.1K 190
                                    

***Chapter 42***

I BIT MY BOTTOM LIP when I saw Xander in the living room.

Kakahatid ko lang kay Alexynne sa kuwarto nito at hinayaang maglaro doon.

Xander was talking with my mother. Nang makita ako ni mommy ay maayos itong nagpaalam kay Xander.

"Better to talk with him. Karapatan niyang malaman na may anak kayo. Pupuntahan ko lang si Lexynne." My mom said and she tapped my shoulder.

Napabuntong-hininga ako at nilapitan si Xander. Sa nakikita kong ekspresyon nito ay alam kong naguguluhan ito. Iba-ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito at ang iba ay hindi ko kayang pangalanan.

Umupo ako sa tabi nito.

"S-She's my daughter." It was not a question but a statement from him.

Dahan-dahan ay tumango ako. I was ready for him to get mad. Inaasahan kong susumbatan ako nito dahil ipinagkait ko ang anak namin ng ilang taon. But I was shocked when he kneeled in front of me.

Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay ko at sinalubong ko ang mga mata nitong puno ng kalungkutan, sakit at pagsisisi.

"Where I have been all these years? Paano ko hinayaang harapin mo ang ilang taon na wala ako sa tabi mo kasama ang anak natin? Napabayaan kita. Napabayaan ko kayo ng anak ko." Punong-puno ng pait ang boses nito.

"Xander."

"I know that someone like me is not worthy for you. Galit ako. Hindi sa'yo kundi sa sarili ko. Naiintindihan kita kung nagawa mong itago sa akin ang anak natin. I felt like I'm the useless man on earth. I am worthless." Pumipiyok ang boses nito, pinipigilan ang pag-iyak sa harapan ko.

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay nito.

"Don't say that. We are both the victim here, Xander. I thought we'll gonna give it a try? We'll save our relationship, remember?" Umangat ang isang kamay ko para haplusin ang pisngi nito.

"And I am selfish for demanding you that, Roxanne. Wala akong karapatang hingiin sa'yo iyan sa kabila ng mga pinagdaanan mo."

"Xander, stop saying nonsen-"

"You nearly lost our daughter, Roxanne. Even you nearly lost your own life." Medyo tumaas ang boses nito.

Did my mom said something?

Tumayo ito at napasabunot sa buhok nito. He looks in pain and frustrated at the same time.

"Xander-"

"Nabundol ka ng kotse noong mismong araw na iniwan kita sa opisina ko. Fuck, Roxanne! I didn't even know that! I was useless!" Natigilan ako sa sinabi nito.

So, he knew. My mom and her mouth.

"That was in the past, Xander." Tumayo ako at hinarap ito.

It was true. I nearly lost my life and my baby that time. Iyon ang araw na iniwan ako ni Xander sa opisina nito. Naglakad ako and it was partly my fault. Masyado akong nawala sa sarili ko noon dahil sa mga nangyari at hindi ko napansin ang paparating na sasakyan. Nabundol ako.

Takot na takot ako noon nang makitang maraming dugo ang lumabas sa akin at umaagos sa mga hita ko.

I shouted for help. And that was the time when Nathan saved me.

Kaagad ako nitong itinakbo sa ospital at ilang araw akong nakaratay doon. I was just thankful that the doctor saved me and the baby. At ang pagligtas ni Nathan sa akin ay habang-buhay kong tatanawing utang na loob sa binata.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon