Chapter 17

67.7K 2.2K 214
                                    

***Chapter 17***

NAPABUGA AKO NG MARAHAS NA HININGA habang hinihintay ko ang order kong expresso sa loob ng starbucks.

Naikuyom ko ang mga kamao ko at nanggigigil ako. Pang limang beses na akong inuutusan ng masungit kong boss ngayong araw na ito para bilhin ang paborito nitong kape. At kailangang made in Starbucks iyon.

Eh dati kahit anong kape naman, gusto nito! Talagang gusto lang ako nitong pahirapan! Halatang-halata na gusto ako nitong pahirapan!

"Ugh!" Naiinis na sambit ko.

"Ma'am, ayos lang po kayo? Mukhang pagod na pagod ka. Napapansin ko kanina ka pa pabalik-balik dito at iisa lang ang inoorder mo." Pansin ng cashier na nasa harapan ko.

"Oo nga, eh. Nandiyan lang sa harap 'yong Ford's Technology at panay utos ng boss ko. May dalaw yata." Naiinis na usal ko na ikinatawa ng cashier.

Inabot nito ang order ko at umusal naman ako ng pasasalamat. Kaagad akong lumabas ng starbucks at nag-umpisang maglakad at tumawid sa daan patungo sa napakalaking building ng Ford's Company.

"May araw ka din sa aking masungit ka." Nakasimangot na usal ko habang nasa elevator ako.

Ang sakit-sakit na ng paa ko lalo pa at naka high heeled shoes ako. Nag-umpisa itong magsungit sa akin ng todo pagkatapos ng usapan namin noong gabing sinabi ko na kaibigan ko lang si Xander at alam kung naapektuhan ito.

Nakakasiguro ako na hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

Napapailing ako habang palabas ng elevator. For almost two weeks na akong ginagawang alalay ng lalaking iyon. At pinaninindigan nito ang pagsusungit at pag-uutos ng kung anu-ano sa akin.

Pumasok ako sa opisina nito at tinungo ang table nito. Padabog kong ipinatong sa desk nito ang dala kong kape.

Abala ito sa laptop nito at ni hindi man lang nagpasalamat sa akin. Nanatili ang mga mata nito sa laptop nito at abalang nagtitipa. Ni hindi man lang ako nilingon.

"Sir, you have a meeting with Mr. Clemente at 4:00 o'clock in the afternoon. At huwag niyo pong kakalimutan ang party mamayang gabi at 7:00pm sharp." Nag-angat ito ng tingin sa akin at kunot noo akong tinignan.

"Party?"

Tumango ako.

"It's a masquerade party, Sir. Mr. Delos Santos invited you to attend on his birthday, right? He is one of your big and important clients so yeah, you have to attend there." I said and I gave him my most fake smile that I could ever give.

Isinandal nito ang likod sa swivel chair at pinagkrus nito ang mga braso. Mataman ako nitong tinitgan at bumaba ang mga mata nito sa labi ko.

"I want to crushed your lips just to erase that fake smile of yours." His deep baritone voice said and his gazed never leave my lips.

I suddenly zip my mouth and pouted. He stand up from his seat and he walked towards me.

Hinarap ako nito nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Napaatras naman ako nang ilang pagitan na lang ang mukha nito sa mukha ko.

"And I want to crushed your lips more when you pouted." He said with a husky and sexy voice.

Ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa mga mata ko at muling bumaba ang mga tingin nito sa labi ko.

I gulped when he took one step forward. Ang lakas ng tahip ng dibdib ko at muli akong napaatras. Pero bawat pag-atras ko ay humahakbang din ito papalapit sa akin hanggang sa naramdaman ko ang desk nito sa bandang likuran ko.

I saw how he smirked on me. And hell! He looks so sexy while doing that!

"A-Ano po ang ginagawa niyo, Sir?"Nauutal na tanong ko.

He didn't speak but he leaned in to me. Sobrang lapit ng mga mukha namin at mga labi naming dalawa at isang maling kilos lang ay alam kong dadampi ang mga labi nito sa labi ko.

"Sa susunod na bibigyan mo ako ng pilit na ngiti, you know what will happened." He warned and I stilled when his thumb finger touches my lips,caressing it.

Ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko nang hawakan nito ang mga labi ko.

"Why? You'll kissed me?" Lakas loob na tanong ko.

"Huwag mo akong susubukan. Baka mapaso ka." Anito at umangat ang gilid ng labi nito na parang nanunutya. Nang-aakit ba ang bruhong ito?

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Bakit nakakapaso ka ba?"

He took one step backward away from me and he put his hands in his pockets.

"Try me. Kapag hinawakan na kita, pati katawan at kaluluwa mo ay masusunog and you'll scream for more, Miss Padilla." He smirked again and he returned to his seat.

I rolled my eyes at him but I admit that my body temperature suddenly raised up of what he have said.

Naglakad ako patungo sa desk ko hindi kalayuan sa mesa nito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nito at dito ako nito mismo ipinuwesto sa loob ng opisina nito.

Samantalang noong ang dating sekretarya nito ay doon nakapuwesto sa labas ng opisina nito.

Naupo ako sa upuan ko at inasikaso ang ibang gagawin ko. Paminsan-minsan ay pasulyap-sulyap ako sa boss ko na abala na naman sa harap ng computer nito.

Nangalumbaba ako at bahagyang nakaramdam ng lungkot. Hindi ba puwedeng bumalik kami sa dati? Why did he have to pretend, anyway? Namimiss ko ang dating Xander na halos ituring akong baby sa pagiging sweet nito. Namimiss ko ang mga yakap nito at ang comfort na ibinibigay nito.

Napabuntong hininga ako at hinubad ang high heeled shoes ko. Bahagya akong yumuko at hinilot-hilot ang nananakit kong talampakan.

Wala akong pakialam kahit makita pa ako ng boss ko. Kasalanan din naman nito kung bakit nananakit ang mga paa ko ngayon. Utusan ba naman ako ng limang beses na ibili ito ng kape at ang opisina nito ay nasa top floor pa, sinong hindi mapapagod?

I continued massaging my feet and I stilled when I saw a pair of leather shoes in front of me.

At bago pa man ako makapagsalita ay lumuhod na sa harapan ko ang nagmamay-ari ng sapatos na iyon at hinawakan ang paang hinihilot ko.

Napakagat labi ako nang marahan nitong minamasahe ang paa ko.

"S-Sir." Usal ko.

"I'm sorry, pinagod kita. Sa ibabaw ng kama ka dapat pinapagod at hindi sa paglalakad." Anito at muntik ko pa itong mahampas kung hindi ko lang nakikitang seryoso ang mukha nito.

Hindi na lang ako umimik at dinama ang masarap na pagmasahe nito sa paa ko. Hindi ko mapigilang pumikit at  mapaungol sa sobrang sarap niyon.

At napamulat ako nang itinigil nito ang ginagawa. Salubong ang mga kilay nito nang magsalubong ang mga tingin namin.

"What?" Pasupladang tanong ko at pinipigilan ang ngumiti.

"Do you really have to moaned?" He asked, frowning.

Binawi ko ang mga paa mula dito at isinuot ang shoes ko. Inilapit ko ang mukha sa muka nito.

"Why? Are you having a hard on, Mr. Ford?" I seductively asked and I laughed when I saw the shock on his face.

Dali-dali akong tumayo at naglakad papalabas ng opisina nito.

Akala niya siya lang marunong mang-akit? Aba siyempre, hinding-hindi ako magpapatalo.

'Tsk. Xander. Xander.'

To be continued...

A/N: Another update for you. Enjoy po.🤗💛😘😍

PS: Matagal-tagal akong makakapag-update doon sa stand alone story ko. 'Yong The Princess.

Medyo naka-focus pa po kasi utak ko kay Xander Kiel. Hahaha. Hope you understand and hope you can wait po. Maraming salamat. Lablab.😘💛🤗

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon