Chapter 44

86K 2.2K 216
                                    

***Chapter 44***

NAPAKURAP-KURAP ako nang sumalubong sa akin ang liwanag pagkamulat ko ng mga mata.

Napakunot ang noo ko at inobserbahan ang paligid. And then I realized that I'm in a hospital.

Pabalikwas akong bumangon nang maalala si Roxanne.

"Fuck!" Napamura ako nang maramdaman ang kirot sa dibdib ko.

"Easy, bud." Kaagad akong nilapitan ni Prince at akma akong ihihiga ulit sa hospital bed nang mahigpit kong hinawakan ang braso nito.

"S-Si Roxanne. Is she okay? The baby? Okay lang ba sila?" Sunod-sunod na tanong ko.

Hindi ito kumibo at napabuntong-hininga.

"Magpahinga ka muna. Kaka-opera lang sa'yo." Sambit nito, hindi pinansin ang tanong ko.

"Prince." May babala sa tinig ko.

"Magpapahinga ka o sasakalin kita? You choose." Seryosong sambit nito.

Akmang magsasalita pa ako nang pumasok si James.

"She's stable now." Kaagad na sambit nito at diretsong tumingin sa akin.

"But..." Hindi nito matuloy ang sasabihin. Nakapaseryoso ng mukha nito.

Kaagad akong nakaramdam ng kaba. Ramdam ko ang pamumutla ko.

Did something happened? Did she lost our baby?

"But you have to rest." Anito at ngumiti.

Narinig ko din ang mahinang pagtawa ni Prince.

"Mukha kang gago. Putlang-putla." Sambit ni Prince.

Tiningnan ko sila ng masama.

"Okay na okay ang mag-ina mo. Roxanne was a fighter. Ayaw niyang mawala ang baby niyo. Good thing that Rian can't shoot that well. Nadaplisan lang kayong pareho." Paliwanag ni James.

Nakahinga ako ng maluwag at nakaramdam ng kasiyahan. I'm really so proud of my Roxanne.

And speaking of Rian, pinilit kong agawin ang baril nito but she's hysterical, and that time alam kong nawawala na ito sa tamang katinuan. Kung saan-saan na nito pinapaputok ang hawak na baril.

She even killed herself. Binaril nito ang sarili nito. I tried to prevent her from doing that - dahil kahit papaano ay naging kaibigan ko ito- but I failed. Ni hindi ko namalayang tinamaan ako ng bala sa dibdib.

At sobra-sobrang takot ang naramdaman ko nang makitang duguan si Roxanne at pakiramdam ko ay mababaliw ako nang banggitin nito ang tungkol sa pinagbubuntis nito. She's pregnant again with my baby.

Our baby.

"I want to see her. Please." Pakiusap ko kay James.

"Kaya mo ba?" Tanong nito.

Tumango ako.

Napabuntong-hininga ang dalawa kong kaibigan at inalalayan ako papunta sa private room ni Roxanne. Paika-ika ako dahil sa tama ng bala sa binti ko.

Nang makarating sa kinaroroonan ni Roxanne ay naabutan namin doon si Christine. Ngumiti ito sa akin at sabay na nagpaalam ang tatlo para mabigyan ako ng pagkakataong masolo si Roxanne.

"Huwag kang magtatagal diyan. Kailangan mong magpahinga. May magbabantay naman kay Roxanne, don't worry." Bilin ni James bago lumabas.

Lumapit ako kay Roxanne at tinitigan ko ang mukha nito. Mahimbing itong natutulog.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon