Chapter 32

70.9K 2.1K 329
                                    

***Chapter 32***

"MOMMY!"

Napalingon ako sa batang patakbong lumalapit sa akin. Lumapad ang ngiti ko at umupo. Ibinuka ko ang mga braso ko at kaagad ako nitong sinugod ng yakap.

"I missed you, Mommy! I love you!" Masaya at malambing na sabi nito at malutong akong hinalikan sa pisngi at labi.

Natatawang pinugpog ko ng halik ang buong mukha nito. Pinanggigilan ko ito. Humagikhik naman ito habang kinikiliti ko ito.

"I love you too my baby Alexynne." Usal ko at binuhat ito.

Pumasok ako sa loob ng bahay at kaagad ko itong pinaupo sa salas.

"What do you want for dinner, sweetie?" I sweetly asked.

Kumunot ng noo nito na parang nag-iisip. Pagkatapos ay malapad na ngumiti sa akin.

"I want your adobo, Mommy! I really really really really really like it." She said and happily clapped her hands.

She looks so cute. So adorable. And she is my baby. My four years old baby Alexynne Padilla.

I chuckled and kissed her on her cheek.

"I'll cook your adobo, then." I smiled and turned on the Television.

Hinayaan ko itong manood ng cartoons sa salas habang nagluluto ako sa kusina.

Nang matapos akong magluto ay inilipat ko sa tupperware ang adobo. Tinitigan ko iyon habang pinapatong sa mesa. May naaalala ako sa adobong ito. He used to like my cooking back then.

Napailing ako at pilit na inaalis sa isip ang lalaking winasak ang puso ko. It's been almost five years pero parang kahapon lang nangyari iyon. Ang sakit at hapdi sa puso ko ay nananatili pa rin. At mukhang hinding-hindi ko na maalis sa buong pagkatao ko ang sakit na pinaranas nito.

After what happened in his office, I decided to leave his house without him knowing. And I didn't leave him any trace. I did my best to hide from him and I immediately flew here in Australia. I know he have his ways to track me but I have my ways, too. We are both good in computers and technologies.

Kahit anong gawin nito ay hinding-hindi ako nito mahahanap kung sakali ngang hinanap ako nito. Nagdesisyon akong kalimutan na ito at lumayo ako. Wala na kaming dapat na pag-usapan pa.

What he did and what he said was enough for me to stay away from him.

Siguro ay hindi lang talaga kami ang para sa isa't-isa but I'm still thankful that I met him. He gave me the precious one that I will treasure for the rest of my life.

My Alexynne.

Naging matibay ako at nanatiling lumaban para sa anak ko. Ang anak ko na muntik ng mawala sa akin noon.

At ang anak ko lang ay sapat na. Sobra-sobra pa. She's my sweetest and most loving angel. My sweetheart.

Ito ang dahilan ko para maging masaya ako ulit kahit na alam kong may kulang. At ang kulang na iyon ang hinding-hindi ko na matatanggap pa sa buhay ko. Ako at si Alexynne na panghabang-buhay na magkasama ay sapat na para sa akin.

Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ng katok mula sa labas.

Narinig ko ang pagtakbo ni Alexynne. Marahil ay tinungo nito ang pinto para pagbuksan ang kung sinuman ang nasa labas.

"Mommy! Daddy Tan-tan is here!" She excitedly screamed.

Napangiti ako at napailing.

Inayos ko ang sarili at lumabas ng kusina. Naabutan ko ang anak ko na karga-karga ni Nathan. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Lumitaw ang pantay at mapuputing ngipin nito. Mas lalong umaliwalas ang guwapong mukha nito.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon