Prolouge

205 5 0
                                    


Prolouge

" NAKAKAINIS!."

Kamot kamot ko ang ulo ko habang tinitingnan ang perang bente otso. Pano na to!? Pagdating ko sa bahay ay yari ako sa itay kong lasenggero,baka mabugbog ako kasi wala akong mabibigay sakanyang pang kain.

Pag uwi kasi non sa inuman,ay dapat may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Ano nang gagawin ko?. Alangan namang magbenta ako ng kidding? Baka makulong paako pag nagkataon.

Kidding ba yun o kidney?.

Ah,basta! Mangungutang nalang ako kina aling Tasing. Kunti lang kasi ang nabenta kong sampaguita kanina. At naabutan pa ako ng ulan,kaya sumilong muna ako. At heto nga naabutan ako ng dilim,at nakasirado na ang mga bahay bahay.

Mag aalas dose na kasi ng umaga. At umuuwi si papa tuwing ala una, at hindi ko alam kung gising pa ba ngayon sila aling tasing. Naku! Sana gising pa nga sila.

Nawala ang kaba sa dibdib ko ng makita ang nakabukas na tindahan nila aling pasing. Nagsimula akong naglakad papunta doon.

Noong una ay nakangiti pa sya sa dalawang kostumer nyang naka itim. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba ng makita ang mga mukha ng mga lalaki. May nunal sa ilong ang isang lalaki.

Tinitigan ko ito ng mariin at nalamang kulangot pala iyon.

Ang isa naman ay may malaking itim sa paligid ng mata.

" Aling tasing,pwede pong umutang?" Bumaling ako sakanya.

Naramdaman ko ang tingin ng mga lalaki sa likod ko,pero binalewala ko ito. Siguro may crash sila saakin. Crash? Yun nga ata yun. Sori sila pero may iba na akong mahal!.

Napalingon ang matanda saakin at bigla nalang nagtaas ng kilay.

" Sirado na kami, kasi gabi na! Shoo! Alis nga." Pagtataboy nya.

" Sige na po! Isang utang nalang talaga. Babayaran ko naman po bukas." Kinislap ko pa ang mga mata ko para makumbinsi sya.

Bumuka ang malaki nyang ilong." Babayaran mo?" Mabilis akong tumango sakanya.

Wala syang pasubaling pumasok sa loob at may hinalungkat. Binigay nya saakin iyon. At nahulog ang panga ko ng makita ang kanda haba habang listahan.

" Babayaran mo lahat yan?"

Napalunok ako.

" Ah..eh..." Napahawak ako sa lalaumanan ko ng makita ang bill nito. Putcha! Bakit umabot ng kinse mil ito?!

Napatingin ako kay aling tasing na nakapameywang saakin.

" Ano na? Babayaran mo ba yan?"

" Pwedeng... Sampo,kada araw?"

" Aba! Kung hindi mo mababayaran yan! Wag ka ng umutang. Letcheng to! Hindi naman pala magbabayad,inistorbo pa ako!." Napapikit ako sa sigaw nito. At saka lumapit sa mga lalaking kausap kanina.

" Sori ser. Ano nge pele yeng teneneng me kenene?" Kumekembot na tanong nito.

Nakita kong sinipat paako ng tingin ng lalaking may kulangot sa ilong, tumaas ang balahibo ko,hindi dahil sa kaba,kundi dahil sa ilong nyang punong puno pala ng kulangot.

" Did you see a man,wearing a venom shirt here?"

Aalis na sana ako ng mapahinto sa sinabi ng lalaki kaya napalingon ako sakanila.

Bakit kilala nila yung venom shirt? Ang alam ko kasi ay nag iisa lang ang nakakasuot ng ganoong damit.

" Venom ano ser?" Nalilitong sabi ng matanda.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now