chapter 2

43 2 0
                                    


Chapter 2

SI H ay myembro ng bandang RLS. Sikat na sikat ang banda nila mapa layo man na bansa. Binubuo sila ng walong nag sisigwapuhang lalaki sa industriya.

Si Flinn Wadner ang lider ng banda, nababalitaan ko na nagpakasal na daw ito,pero hindi ko naman kilala kung sino ang pinakasalan nya,at nasisigurado ko ring hindi alam ni Leryang iyon. Ilang yirs ko nading hinahanap ang babaitang yun! Pero ang lukaret na wala na parang bula.

Si Lindon Fleeden,Vin Wyatt,Tadius Amer,Si Rosh Wensllow,Zake Rualdez,David Prestern at ang pinakamamahal kong si H. Wala man syang nilagay kong ano ang tunay nyang pangalan ay naging malaking tagahanga nya ako.

Lahat sila ay biniyayaan ng panginoong diyos ng anghel na imahe. Mga bilyonaryo ikanga sila. Pero nakakapagtaka at nagawi sya sa ganitong sitwasyon. Siguro ay may nagtangka sa mahal ko.

Bahala na kung balang araw ay makaalala na sya. Basta ngayon ay nasapiling ko sya. Dreaming comes true nga siguro ito. Kaya grabs lang ng fortunety.

Basta yun nga ata yun!

Nakanguso ako habang tinitignan sya na nakatughay lang sa isang gilid. Mag aalas dose na ng tanghali at narito parin ako sa Tetanic. Ayaw ko kasi siyang iwan,baka saan mapunta.

Sinuri ko ng tingin ang katawan nya. Magulo ang kanyang abuhing buhok,at batak ang maskulado nyang likod sa harapan ko. Mariin kong kinagat ang labi ko dahil ng lumingon sya ay mas naaninag ko ang mukha nya.

Bumuka ang labi ko ng mas lalo nyang iharap ang katawan saakin,kaya nakita ko ang nagsasampalan nyang abs sa paningin ko. Halos mag sugat ang labi ko ng itutok ang paningin sa namumukol nya doon.

Bakit parang galit na galit iyong kanya?

Lagi bang ganon iyon?

Parang laging handang sumabak sa gyera.

Sandali kong tinutok ang mata ko sa mukha nya at nakita ang mga dumi doon. Bakit kahit may dumi ang kanyang mukha ay pogi parin sya?. Nasaan ang hustisya?

Napatayo ako." Waiting kalang dyan ha?. Mag iigib lang ako ng tubig pan ligo para sayo." Nakangiti ako habang sinasabi sa kanya.

Nakatingin lang ang mga magaganda nyang mata saakin.

" Yu. Kennat? Understanding me?" Pag ka-klaro ko.

Kumunot lamang ang noo nya saakin.

" Uki. Ganito nalang ha?. Yu,will taking a bathing? Because,yu are mud in... Body's uki?" Tinaas ko ang thumbs up ko at ngumiti sakanya.

Tumagilid ulit ang ulo nya.

" Huh?"

Napahampas ako sa noo ko.

" Sige. Basta yu staying her? Wag kang aalis ha? Magagalit ako sayo pag aalis ka." Tinaasan ko sya ng kilay.

Akala ko ay magtatanong nanaman sya pero nginitian lamang nya ako.

N-ngumiti sya!?

" Y-yu,understanding m-me?" Nag buhol buhol ang dila ko dahil sa ngiti nyang iyon.

" Yeah... Shota." Halos gumulong ako sa sinabi nya.

Shota daw!

" H-ha?" Tila na impatso ang boses ko.

" I will never..." Napalunok ako ng harangan nya ako ng isang bisig nya. " Leave." Bulong nya sa mukha ko.

Pagkatapos ay tinalikudan ako at kain kain nanamn ang dala dala kong mangga kanina.

Bakit, parang sumasang ayon ako sa binitiwan nya?. Parang gusto kong pagkatiwalaan sya na hinding hindi nya ako iiwan.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now