chapter 6

34 1 0
                                    

Chapter 6

ANO BA 'TO?

Kanina pa kasi ako nakadungaw sa labas ng biglang umulan ng malakas. Hay! Paano ko mapupuntahan si bebe labs ko nito?

Wala sa bahay si papa,as visual,nag iinom nanaman yun
As usual siguro yun. Mag katunog lang kas
Napabuntong hininga ako at napag isipan nalang na suukin ang humahagulhol na langit. Sa sobrang lakas ng hangin at ulan ay parang nahahagip na ako nito.

Basang basa ako ng makrating sa kubo. Hindi ko inalintana ang pagkabasa ko ng makita ang Tetanic na hinahambalos ng malakas na ulan!

Dali dali akong umakyat sa taas ng malapit na akong mahulog pero nakakapit naman ako sa isang kahoy kaya nagpatuloy ako sa pag akyat.

Ginala ko ang tingin sa paligid at nanlumo ng makita ang sira sirang kahoy at may tumutulo pang tubig galing sa taas o dikaya ay galing sa bintana.

Biglang kong natutop ang bibig ko nang makita si H na na sa isang sulok nanginginig dahil basang basa at na kayuko.

Nakaramdam ako ng awa at mabilis na niyakap ang nanginginig nyang katawan.

" H..." Umangat ang mukha nya saakin." Este F-fenis. A-ayos ka lang ba?" Sinipat ko ang mukha nya,at napabaling ang tingin ko sa labi nyang nanginginig dahil sa lamig!

" Y-your'e late." Nangingilid ang luha ko ng makitang hirap syang bumigkas dahil sa lamig.

Mabilisan ko ulit syang niyakap. " Sori! Sori natagalan ako!" Usal ko.

Naramdaman kong hindi na sya sumagot kaya sinilip ko sya at naawa sa kalagayan nya. Nanginginig at namumutla ang kanyang labi. Tumayo kaagad ako at kinuha ang isang kumot sa kahon,mabuti at kunti lang ang basa non kaya tinaklob ko ang nanginginig nyang katawan gamit yun.

Inalalayan ko syang tumayo, at dahil nga malaki ang kargado nya at matangkad sya kaya medyo nahirapan pa akong ibaba sya.

Halos mag pa dausdos pa ako sa ilalim nang mahigpit ang paghawak ko sa puno kaya hindi ako nahulog, kapit kapit ko ang bewang niya para hindi rin sya mahulog.

Nang tuluyan ng makababa ay sumilong muna kami sa bubong ng isang bahay na abandunado. Naghintay kami doon bago tumigil ang ulan.

...

Isang oras ata kami naghintay bago tumigil ang pagbayo ng malakas na ulan.

Nakakalungkot isipin na ang mag ta-tatlumpong taon na ang kubo na iyon. Marami na ding nang yare, ma mi-missing ko talaga ang Tetanic.

Pero sya muna ang aasikasuhin ko.

Nandito sya ngayon nakaratay sa kama ko. Hinubad ko ang lahat ng damit nya para linisan sya at mapalitan ng bagong gusot gusot na damit. 'Di ko pa alam kung pipikit ba ako o ano,nang hubuin ko ang short nya,syempre dahil may pagnana—este mahal ko sya ay tinakpan ko ang isa kong mata,alangan namang takpan ko yung dalawang mata,edi hindi ko makikita kong paano isuot sa kanya yung short diba?

May hinanda na din akong champorado,sakaling magising sya ay meron syang makakain.

Nakakaawa ang lagay ng mahal ko. Kung pagtitigan ang gwapo nyang mukha ay namumutla talaga. Kinapa ko ang noo nya at nagulat nalang ng maramdaman ang init doon!

Kumuha kaagad ako ng tubig at panyo para ilagay sa noo nyang nag aapoy nang init.

Kinagat ko ang pag ibabang labi ng makitang mahikbig ang pagtulog nya.

Itatago ko muna sya ngayon dito sa bahay. Kahit na nanganganib ang buhay ko dahil pinapahanap sya saakin ni Wenong,itataya ko parin ang buhay ko.

Pinadaan ko ang mga daliri sa kanyang matangos na ilong,papunta sa mahahaba nyang pilik mata. Pati sa perpekto nyang panga. Bakit ba ang pogi pogi ng adonis na 'to?

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now