chapter 22

50 2 1
                                    


Chapter 22

"ARE YOU SURE about this?" Si Papa.

Binuhat ko si Olive,dahil inaantok na nga,tanghali ng magpunta sila ng mall ni papa. Tinanong niya rin ako kung sigurado ba talaga akong magpunta ng states.

"Sa ikalawang buwan pa naman yun papa! Hindi naman ako nag mamadali." Iniiwas ko talaga ang usapan na iyon. Doon kasi sa states ko kulunin iyong perang ten million dollars. Ayojong malaman niya.

Bumuntong hininga siya.

"Pero,baka ma-miss ka ng bata." Tinutukoy niya si Olive.

Agad kong hinalikan sa tuktok ng ulo ang anak na natutulog. Alam kong hindi niya magugustuhan ag papunta ko doon,pero kailangan kasi.

"Ako na po ang makikipag -usap sakanya,sa bagay na iyan." Tiningna ko siya. Tumango nalang siya bilang pag-sang ayon.

Dumaan muna kami sa sala para kunin ang mga gamit na pinamili nila. Sobra talagang spoiled nitong batang ito sa lolo niya. Marapatoin mo bang nag pabili ng sandals at mga lipstick! Akala mo rarampa kung saan.

Pinabuhat ko si Olive kay papa,nilagay niya ito sakanyang kwarto at bumalik din para tulungan akong mgaligpit. Ang dmai kasi nilang pinambili.

"Grabe naman to 'pa. Siya ba talaga ang nag sabi na ito ang bibilhin?" Inangat ko ang isang kulay pula na bra. Nilunok ko nalang ang nagbara sa lalamunan ko.

Narinig kong humalakhak ang matanda.

"Oo,hayaan mo na ang bata. Mabuti nga at nabibigay natin ang mga gusto niya,baka magtanim ng galit saatin."

Ngiwi kong niligpit ang isang pula pang bikini. Diyos ko naman,wag naman po sanang maging malandi ang anak ko paglaki. Saan nga ba iyon nagmana?! Hindi naman ako ganito dati na ang mga binibili ay pang dalaga na! Sigurado akong nag mana siya sa ama niyang animal,demunyo,manloloko,sira-ulo,mamatay na siyang hinayupak siya! Kung nasaan man siya naroroon!

"Ako na dirang bata ka. Tengnan mo oh? At malapit ng magkalasog-lasog ang pante." Nabitawan ko ang hawak na halos mainat na ang garter sa higpit ng pagkakahawak ko.

Dumaan ang tingin ni Lisa saakin,pagkatapos sa likod ko.

"Hayr,zir." Kumislap ang mga mata nya habang sinu-sukbit ang namumuting buhok sa tainga.

Tumikhim si papa.

"Hi Lisa. Good afternoon." Nahimigan ko ang malambing na tono doon ni papa.

Ano ba talaga ang relasyon ng dalawang ito!?

Parang kinikiliti si Lisa ng tumawa.

"Gud aptirnon din zir."

Tumayo si papa,kaya sinundan ko siya ng tingin. Napaganga nalang ako ng hapitin niya ng bewang ng matandang babae.

"S-shaan tayu zir?" Sana tamaan na ako ng kidlat ngayon. Ano ba itong nakikita ko?

Ngumiti si papa pagkatapos ay bumaling saakin.

"Sa kwarto lang kami honey. Kwento ko sayo mamaya ang lahat." Kumindat sakain si papa. Bago ko pa bugbuin sila ng tanong ay nakaalis na sila sa harapan ko.

Hinampas ko ang noo ko at tumayo na nang matapos iligipit ang mga gamit.

...

Bumaba ako mula sa hagdanan ng makarinig ng kaluskos mula sa baba. Hinatid ko lang ang gatas sa kwarto ni Olive, hindi ko rin alam kung nasaan na ba si papa. Hindi pa kasi sila lumalabas sa kwarto—at nangingilabot ako sa pag-iisip kung ano ang ginagawa nila don.

HIS OBSESSIONDove le storie prendono vita. Scoprilo ora